Jana POV
Nakakainis yung lalakeng yun.Iniwanan ba naman daw niya ako sa bahay nila? At alam mo kung saan siya pumunta? Sa beach LANG naman daw. Di lang nag aya.
Palibhasa kasi asar siya kanina sa Prank na ginawa ko. Pero makapal talaga yung muka niya na iiwan iwan ako dito kaya ayun pagkatapos kong tumawa ng bonggang bongga nagtanong ako sa isang maid na napadaan sa harap ko kung nasaan ba yung puny*tang lalakeng yun dun ko nga nalaman na nagpunta lang naman DAW siya sa beach kasama ng ibang guest. Excuse me? Guest din ako no?
Makatarungan ba yun? Guest ako! Guest!
At dahil nga diko alam kung nasaan yung tang*nang beach na yun heto ako, naka higa sa kama. -.- shett. Ang boring!! E kung di ako sinama sama dito ng lalakeng yun edi sana nasa mall ako ngayon. Nag chi-chill. Argggh. Nakakaasar talaga!
Inis akong bumangon kama ko at kinuha yung phone at wallet ko. Gutom na gutom na ako, ganito ba sila? Pinapatay sa GUTOM ang mga guest nila? Nakakaasar ha.
Habang pababa ako sa hagdan,sakto namang nakasalubong ko yung isa sa maid nila Alex dito.
"Ahm, manang saan po yung beach na pinuntahan nila Alex? Malapit lang po ba dito?" Tanong ko. Oo nga noh? Bakit pala di ako nagtanong kanina?
Hay nako! Ang talino mo talaga Jana! Infairnesssayo! Panenermon ng epal sa utak ko. -.-
Umiling nalang ako at binaling ang atensiyon ko kay manang.
"Ahh. Malapit lang po yun maam, Ilang lakaran lang po yung devera beach and resort. isama niyo nalang po si Magta ,para di kayo maligaw." Sabi niya sa akin.
"Talaga manang? Asan po si magta?" Excited kong sabi.
"Kasama niyo na po" sabi niya. Napakunot naman ang noo ko saka lumingon sa magkabila kobg side pati nadin sa likod.
"Asan manang? Niloloko niyo po ba ako? At saka sino po ba yang Magta na yan?" Medyo irita ko ng tanong.
"Si MAGTAnong po, sige po akyat ko na po tong unan" sabi niya saka umalis na sa harap ko. At ako? Eto iniwan niyang naka nganga!
"Magtanong.ha.ha." sarcastic kong bulong. "Di na masama!" Sabi ko at tumango tango pa saka naglakad na. Infareness havey siya ha.
--
Nandito na ako ngayon sa beach na pinakamalapit and nakita ko sa entrance nito ang tarpaulin na 'welcome to De vera beach and Resort ,Laiya, San Juan Batangas'
So nasa San Juan Batangas pala kami.. I see!
"Ms. Montenegro?" Salubong sa akin ng isang lalake.
"Yes?" Takang tanong ko naman.
"Pinapahintay po kayo ni Mr.Chua. This way" sabi niya sa akin. Sinundan ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Just Hold Me
Подростковая литератураIsang istoryang magpapalambot sa mga taong tumigas ang puso. Isang istoryang magpapaniwala na merong pang pag asa sa mga taong Bitter at istorayang magpapatatag sa mga taong TAKOT MAGMAHAL. Sabay sabay nating subaybayan ang istoryang magpapatawa, m...