Chapter 02-The Deal

68 3 0
                                    

Jana POV

O to the M to the G

Late na talaga ako!!

Nagmamadali na akong lumabas ng gate nang may tumawag sakin

"Hey Jana!!" nilingon ko naman kung saan nanggaling yung boses nayun and there i saw Pia and Alex.

Ano naman kaya ginagawa ng dalawang to dito? At bakit di sila naka uniform??

Hinintay ko nalang silang makalapit saakin.

"Why are you wearing your uniform?" Takang tanong ni Pia.

"Oo nga Jana. " nagpipigil na tawa ni Alex.

"Pwede ba! wala akong panahong makipag chismisan sainyo, aalis na ako. Malelate na ako. kung kayo wala kayong balak pumasok sa school dahil tinatamad kayo pwes! Ibahin niyo ako! " sabi ko habang nagmamadaling naglalakad.

Sinusundan naman nila ako.

"Ano ba Jana! Alam mo-" diko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Wala akong pakialam Pia! Late na ako!"

Sabi ko.

"Jana!" Inis na niyang sigaw. Pero di ko na pinakinggan at pumasok na sa car ko. Bahala sila jan!

"Manong sa school po" sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa car.

"Ma'am? Papasok po kayo?" Takang tanong ni manong

"Hindi manong! Rarampa ako, malamang papasok ako! Naka uniform nga diba manong???" Sarcastic kong sabi napakamot nalang siya sa ulo niya.

Napatingin naman ako sa side mirror ng car namin at nakita ko yung car ni Alex na pasunod sa amin. -.-

Papasok din pala sila e. May papigil-pigil pang nalalaman si Pia.

Napairap nalang ako sakto namang nasa tapat na kami ng school. Pagkapasok na pagkapasok namin sa campus walang tao ni isa.

"Manong sobrang late naba ako? Nasa loob na kaya lahat ng estudyante?" Takang tanong ko habang palinga linga.

"Eh ma'am masiyado po ata kayong masipag mag aral pati saturday pumapasok kayo" sabi ni manong na nakatingin sakin mula sa salamin.

"Ha?? Saturday ngayon manong??" Gulat kong sigaw.

"Opo ma'am" alanganing sabi niya.

"Eh manong bakit naman di mo ako pinigilan? Saka bat di mo sinabi sa akin??" Inis kong sabi.

"ma'am sasabihin ko sana kaso nagmadali kayo saka parang mainit po ulo niyo kaya di nalang po ako nagsalita." Sabi ni manong

"Naman manong balik na po -" di ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang kumatok sa bintana ng car. Tinignan ko naman kung sino tong epal na kumatok nang makita ko ang muka ni Pia na nagpipigil ng tawa.

Binuksan ko naman ang car ko para makausap siya.

"Ang sipag mo po " pagpipigil nito ng tawa niya pero inirapan ko nalang siya

"Most punctual goes to" sabi ni Pia at gumawa naman ng sound effect si Alex. Tamo tong dalawang to. Lakas man badtrip!

"Ms. Jana Ace Montenegro!" Sabay nilang sabi saka nagpalakpalakan pa silang dalawa.

Tinapunan ko naman sila ng bagot na tingin.

"Anyway labas tayo?" Sabi niya.

"AYOKO!" matigas kong sabi saka pumasok na sa car pero pinigilan niya ako.

Just Hold MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon