Jana POV
"Jana?" Rinig kong sigaw ng kung sino. Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na yun pero Huli na nang magsisi ako na nilingon ko pa siya. Pero pinanindigan ko nalang, mabait ako e.
"Oh Chloe, wala ka bang pasok? Bakit ka nandito?" Sabi ko. Expert akong maki pagplastikan pero mukang mas expert to. Saka hindiko naman yun tinanong kasi concern ako sa pag aaral niya, tinanong ko yun para pa alisin siya kasi ayaw ko ng presensiya niya -3-
"Ah tinawagan kasi ako ni Alex. Since wala naman na kaming pasok, nagdala ako ng lunch para sa kanya" nakangiti niyang sabi. Pshhh. Feeling chinita tong babaeng to. Sapakin ko kaya, pwede ba kahit isa lang??
"Ah, ok. Siguro nasa Canteen siya" Tatango tango ko nalang sabi..
"Pwede mo ba akong samahan?diko kasi alam pasikot sikot dito e" paawa epek! Pshh. Kalbuhin ko to e!
Pero wala akong nagawa kundi tumango nalang. Kahit wala akong matinong magulang, pinalaki naman ako ng maayos ni Nay Linda no.
"So,sabi ni Alex, ikaw daw yung best friend niya?" Tanong nito habang naglalakad kami papunta ng canteen.
Mukang mapapadami pa ata tong tanong ng babaeng to sakin, medyo malayo pa yung cantten e. Bakit naman kasi ako pumayag? Baliw ka talaga Jana!
"Yhup!" Tipid kong sagot saka ngumiti sakanya.
"Buti di ka na fa fall sakanya?" Tanong naman niya. Interviewer ba to?
"Hindi naman" agad kong sagot. Tumango tango naman siya.
"Kasi kami noon. We are the best of friend then one time he confess his feelings for me and he propose. Nakakatawa nga kasi bata pa kami ,9 ata kami noon nag propose na siya sakin. Eto nga oh yung ring " sabi niya saka pinakita yung ring na ginawa niyang pendant kasi nakalagay sa necklace. So? Paki ko naman dito?
"Pero naudlot yun kasi pumunta ako mg states but we promise to each others na maghihintay kami" siya ata yung Jam na kinababaliwan ni Alex. -.-
Hindi nalang ako nagsalita at nakinig sa kwento niya
"and luckily were with each other now , Kaya sana matuloy na yung hapilly ever after namin after naming magka graduate. Sana naman wala ng Aahas at eepal sa love story namin noh?" Sabi niya saka ngumiti sakin.
Ewan ko pero parang may gusto siyang ipahiwatig. Hindi talaga ako palagay sa Chloe na to e. Parang magiging kontrabida siya ng buhay ko.
"We cant say that. Kasi baka naman may dadating na lalake sa buhay mo or may dadating na babaeng mamahalin ni Alex ng higit pa sayo" nakangisi kong sabi saka tumingin sakanya,nagtama naman ang mga mata namin.
"Subukan niya. Baka maligo siya sa sariling niyang dugo" nakataas kilay niyang sabi.
"Hahahaha. Masyado ka namang scary" sarcastic kong sabi.
"bakit natakot ba kita?" Nakangisi niya paring sabi. Saka nauna ng naglakad sa loob ng canteen.
Napairip naman ako. Masyado siyang pahalata. Pshhh. B*tch -.-
Naglakad na ako papasok sa canteen at mag oorder na sana nang makita ko si Alex kasama nung Chloe sa di kalayuang mesa sa kinatatayuan ko.. Nagtatawanan. Naghaharutan. Pshhh. Edi sila na nagmamahalan. Paguntugin ko sila e.
BINABASA MO ANG
Just Hold Me
Teen FictionIsang istoryang magpapalambot sa mga taong tumigas ang puso. Isang istoryang magpapaniwala na merong pang pag asa sa mga taong Bitter at istorayang magpapatatag sa mga taong TAKOT MAGMAHAL. Sabay sabay nating subaybayan ang istoryang magpapatawa, m...