Chapter 27

14 2 0
                                    

Chapter Twenty-Seven
Visit

Nakapokus ang tingin ko sa daan pero ang isip ko ay lumalakbay sa malayo. I tightened my grip on the steering wheel as I thought of the possible incidents that could happen in this innocent dinner.

I could still remember my stupid reply after I gave them my digits last night.

Ibinalik ko kay Zeah ang phone niya saka ngumiti ulit. "I'm free tomorrow night po," usal ko. I remembered that I promised to treat Reggie a dinner tonight but I'll just leave it to his boyfriend so that they could make up to each other.

They're on a so-called love quarrel kasi.

I also have another reason to decline the dinner with Reggie tonight. I hate to admit it but... I am hoping that I could... see him tonight.

May parte sa akin na gustong maliwanagan sa mga rason niya sa biglaang pag-iwan sa akin. He just left me asking myself if I did something wrong that would make him upset that much- enough for him to leave me.

But, I'm also afraid.

Natatakot akong malaman ang totoo. I'm afraid that I'll be filled with regrets if I get to know the truth. Takot ako na baka ang mga palagay ko noon ay mali.

That from the very start, I was never right.

Umiling ako't sinubukan na iwaksi ang mga iniisip ko sa kasalukuyan. I fix my pace as I walk out of the car after I parked it. Kinuha ko ang dala kong wine saka naglakad papunta sa bahay nila.

"Hmm, wala pa rin pala itong pinagbago," I murmured to myself. "Still the old setting, same old feeling when I step in here before." Nag-doorbell na ako. Ilang doorbell din ang ginawa ko bago ako pagbuksan ng pinto.

"Hi Ate Solii! Pasok ka," masigla niyang aya saka nilakihan ang awang ng pinto. Sumilip pa ako saglit sa loob bago siya tingnan muli na nahuli kong nakangiti sa akin. "Salamat, Zeah."

Pinapasok nila ako. I handed them the wine that I brought with me. "Naku, nag-abala ka pa," tugon ni Tita Merriam. "I can't come empty-handed, Tita," wari ko saka ngumiti.

"Kain na tayo," aya ni Zeah. Tinawag na nito ang Daddy niya. Nang bumaba ito ay nginitian niya ako. At some point, I wondered kung saan nagmana si Ken.

His features are definately not from Tito Fred. Ken's features are more foreign than theirs.

Hilim akong umiling saka binati si Tito Fred. Nagretiro na pala ito bilang isang seaman. Katulong na lamang ito ngayon sa pag-handle ng lugar na ito tsaka ang resort na minana ni Tita Merriam sa mga magulang nila.

Ate Alyssa have three kids now. I heard that Ate Alyssa will be the next to handle their resort. She's a businesswoman by profession and a chef by choice.

Currently, nasa France ang mga anak at asawa ni Ate Alyssa dahil isang french ang napangasawa niya.

"You've grown," komento ko kay Zeah habang kumakain kami. "May crush na nga 'yan Solii," pambubulgar ni Ate Alyssa.

Nang-aasar kong tiningnan si Zeah na ngayon ay para ng kamatis ang pisngi. "A-Ate naman!" nahihiya nitong sita. Our dinner is fun.

Well, it was fun- until he was brought to the topic.

Ayaw pa sana ni Tita Merriam na ako ang maghugas ng pinggan pero nag-volunteer ako.

"It's my son's birthday tomorrow," pagbukas ng paksa ni Tita habang naghuhugas kami. Panandalian akong natahimik. "N-Nakauwi na po ba siya?" tila nahihirapan kong tanong.

Nilingon niya ako saka nginitian. Akala ko ay sasabihin niya na hindi pa. "Oo, nakauwi na siya." I stopped for minutes.

"A-Ah, gano'n po b-ba? That's a g-good news," sabi ko na lang. "Oo. It's his birthday tomorrow. Don't you remember?" pagpapaalala niya.

Solstice BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon