2

1.5K 32 5
                                    

hindi ko malaman kung saan ako titingin habang bumibiyahe. si Sofia ay tahimik na nakahiga at nakapikit sa likod na upuan habang ako ay nasa passenger's seat katabi ng ama nitong nagmamaneho, kabadong-kabado.

pakiramdam ko ay may tensyon sa pagitan namin ni Fergus Terafranco at hindi ko alam kung paano iiwasan yun. 

pinilit ko ang sarili ko na hindi siya tingnan at tumingin lang sa bintana ng kotse niya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi siya pansinin. 

Si Fergus kasi yan paano mo iignorahin? Kalevel ng mga Calcavante na matagal ng namumuno sa lugar na tinitirhan niyo.

Hindi ba at kahit kalilipat palang nila sa lugar niyo ay kilala na agad siya ng mga tao.

Napabuntong hininga ako sa iniisip. Nasa utak ko na mismo ang sagot.

Hindi kayang ignorahin ng kahit sino si Fergus hindi lang dahil sa yaman at kapangyarihan nito kung hindi pati narin sa itsura nito.

Kahit nakaupo at nagmamaneho ay nagpaparamdam parin ito ng lakas at pagkadominante.

"did someone already tell you that staring is rude" mababa at masungit na sabi niya.

Tsaka ko lang napagtanto na hindi na pala ako nakatitig sa salamin ng kotse kung hindi sa kanya na.

Napakurapkurap ako at agad na napaiwas ng tingin dito.

Para akong kuting na nahuling kumukupit ng pagkain sa lamesa at napagalitan ng amo.

"S-sorry po sir" saad ko at pinilit na ang sariling nakayuko nalang, pinagmamasdan ang mga daliring nakapatong sa hita ko.

Kulang nalang ay mawalan ako ng hininga habang pinakikiramdaman ang paligid, mabuti nalang matapos niya akong pagalitan ay nakarating narin kami agad sa lugar na pinagtatrabahuhan ko.

Napalunok ako dahil hindi ko alam kung paano ko siya patitigilan pero mukhang alam naman niya na dun ako nagtatrabaho dahil itinigil niya na ang sasakyan.

"sir t-thank you po" saad ko dito. Sinilip ko si Sofia na mahimbing parin na nakapikit at halos walang kamalay malay na halos patayin na ata ako sa tingin ng tatay niya.

"G-gusto po ni Sofia ang fishball, betamax, at isaw dito" saad ko. Bahagya pang natigil ng nilingon na ako ng lalaki, buong atensyon na siyang nakatingin sa akin.

"You introduced these trash to my daughter? " pakiramdam ko ay galit na ito sa akin, o galit na talaga siya at hindi ko lang yun pakiramdamn "are you even sure if those are clean?" dagdag na tanong pa nito na parang disgustong-disgusto.

Kung pwede lang akong tutukan ng baril o kutsilyo ni Fergus ay baka nagawa niya na.

O hindi niya na ako kailangang tutukuan ng kahit ano dahil presensiya at tingin palang niya ay pwede ng kitilin ang buhay ko?

"dad" para akong nakahinga ng maluwag ng biglang tawagin ni Sofia ang ama.

Agad na umiwas ako ng tingin kay Fergus at tumutok kay Sofia.

"N-nandito na tayo Sofia" pinilit kong ipakita na hindi ako kinakabahan o natatakot. Ngumiti ako kay Sofia.

"Baba na ako" sabi ko pa dito pero naunahan na ako ni Sofia.

Binuksan nito ang pinto sa gilid niya at bumaba bago tumakbo papunta sa bilihan ng pagkain.

"Sofia" bumaba rin ako at hinabol ito. Tumigil si Sofia sa harap ng mga iniihaw at akmang bibili na ng pigilan ko ito.

"Huwag ka ng bumili Sofia" saad ko na ikinakunot ng noo nito, kahit alam ko naman kasi na malinis ang pagkain dito ay maigi pa din na pigilan na siya para hindi na siya pagalitan ng daddy niya. Bumaling ito sa sariling ama bagos tumingin sa akin, nagpabalik balik sa aming dalawa ni Fergus ang titig niya.

"Daddy" tawag nito sa kay Fergus. kutob na ng dalagita na kaya ko siya pinipigilan ay dahil sa ama niya.

"We are not sure if those are clean sweetheart" marahang sabi ni Fergus pero kita ang kunot sa noo.

Kulang nalang ay mahiya ako sa mga bumibili at nagtitinda dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao at naririnig nila ang sinasabi ni Fergus, masyadong agaw pansin ang mag-ama at ang kotse nila.

"of course these are clean" saad ni Sofia sa ama bago tinanggal ang kapit ko sa kanya at marahang ngumiti sa nagtitinda bago naglabas ng wallet at pumili ng bibilhin. 

binalingan ko ng tingin si Fergus at nakitang masama na ang tingin nito sa mga pinipili ng anak niya. 

"sigurado naman po na malinis ang pagkain dito sir kilala ko po ang mga nagbebenta, mga kapit bahay ko din sila" ani ko dito. kung hindi si Sofia ang pipigilan ko ay ang galit nalang ni Fergus. lalong nangunot ang noo nito ng kinusap ko ang lalaki.

ako naman ang binalingan ng tingin nito bagos mapanuya akong tinawanan "i know what you're trying to do". parang ang liit-liit ko sa paningin ni Fergus at kayang-kaya niya akong tapakan. 

tumunog ang cellphone ni Fergus, sinagot niya ito at naiwan akong nakatulala sa papalayo niyang bulto.

"ate Gioia let's eat" may ngiti ito sa labi habang angat-angat ang maliit at brown na paper bag na naglalaman ng ibat-ibang pagkaing nabili nito. nginitian ko si Sofia at umiling na dito.

"malalate na ako sa trabaho" sabi ko dito. napalabi naman ang babae sa akin na tinawanan ko lang. kahit kasi dalagang dalaga na ang itsura ni Sofia ay para parin itong bata. marahil dahil over-protective ang pamilya niya dito, ang alam ko ay ito palang ang apo ng mga Terafranco at babae pa. kung papipiliin ay pwedeng sa ibang bansa ito mag-aral dahil kaya naman nila pero mukhang mas gusto ni Sofia dito. 

"pero madami to ate" sabi niya na parang nanghihinayang. ang haplos ng mukha nito ay maamo, mana sa nanay ni Fergus Terafranco. nakita ko ang lola ni Sofia isang beses ng dumalaw ang ginang sa paaralan para magdonate ng panibagong building. umakto pa itong hindi kakilala ang apo pero sa huli ay hindi na nito napigilan ang sariling lapitan si Sofia at yakapin. busangot pero may multong ngiti naman sa labi ang dalaga.

ayaw kasi ni Sofia na malaman ng iba na isa siyang Terafranco pero dahil nagdonate ang lola niya ng building ay wala ng magagawa, hindi naman bulag ang tao sa paligid namin kung gaano sila kayaman kahit bago palang sila sa bayan namin. 





happy new year in advance! 

12/31/21



Unadulterated Passion (la destrucción)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon