9

897 32 16
                                    

kahit malamig ay tila init na init ako dahil sa pawis na tumutulo sa aking noo. kulang ang salitang kaba sa nararamdaman ko ngayon. nanginginig na halos ang katawan ko hindi dahil sa lamig kundi dahil sa kaba. 

"Hala ate anong ginagawa mo dyan sa pinto?" tanong ni Sofia sa akin. 

hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatayo dito matapos ang interaksyon namin ng ama niya. 

"H-ha" ani ko sa kanya. 

"tara na sa loob ate kinuha ko iyong damit mo sa baba e" aniya sa akin. 

agad na nangunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"huh? anong damit" ani ko sa kanya. 

tinulak ako ni Sofia papasok sa kuwarto niya bago isinara ang pinto.

nagtungo siya sa pinaglalagyan ng bag kong bukas na nga pero alang lamang kahit anong damit. 

napakamot si sofia sa sentido at napangibi.

"natapunan kong gatas ate iyong clothes mo" aniya. "nung naliligo ka, ihahabol ko dapat iyong clothes mo saiyo kaya lang yung gatas na hawak ko nagslide sa hand ko ate. nagspill yung milk ko sa damit mo, iyong bag dapat kukunin ko pero hindi naman siya nabasa, iyong damit lang" nakayuko na ito ngayon at hindi makatingin sa akin

"nilalabhan na ni nanay Rosa iyong damit mo" tukoy niya sa isang kasambahay nila "tapos si lola nagpabili siya ng damit tapos eto na" iniumang niya sa akin ang isang paper bag. 

ganun ba ako katagal sa cr para makabili agad sila ng damit para sakin? at puwedeng manghiram nalang naman ako sa kanila. napabuntong hininga nalang ako. the things you can do when youre privilege. 

"g-galit ka ba ate?" tanong ni Sofia.

"bakit ako magagalit?" tanong ko sa kanya "aksidente iyon sofia" ngumiti ako sa kanya. 

"at puwedeng manghiram nalang ako sa iyo ng damit bakit bumili pa kayo?" tanong ko sa kanya. 

ngumuso ito at umiwas ng tingin sa akin. "h-hayaan mo na ate" aniya ibinigay niya na saakin ang paper bag

"suot mo na to tapos diretso kana kay dad" aniya sa akin. 

tumango ako sa kanya at kinuha na ang paper bag.

pumasok na ako sa cr niya at agad na napaawang ang labi sa nakita at ng suot na ang damit. 

isang night dress. a burgundy v-cut silk dress. mahaba ang putol na aabot hanggang ilalim ng tuhod ko. sleeveless ito kaya kitang kita ang braso at ibabaw ng dibdib ko. 

nang akuha ko ang panty na kasama ng damit ay lalong nag init ang pisngi ko. 

its a lacey thong. burgundy din ang kulay. 

"Sofia bakit ganito iyong damit" tawag ko sa kanya. tatanungin ko na sana mula sa cr niya kung bakit ganito ang damit pero agad na napalitan ng pressure ang nararamdaman ko ng magsalita si Sofia.

"Ate! a-ano" aniya na parang nagmamadali. "tapos kana ba magbihis? nagpunta si daddy bat daw ang tagal mo magbihis, dalian mo daw!" sabi niya sa nagmamadaling tono at halos natataranta na. 

agad na nataranta rin ako at wala sa sariling isinuot ang panty dahil sa takot. lagot nanaman ako duon sa tatay niya!

agad na napalabas ako ng banyo niya at kabadong kabado lalo. 

"h-ha, g-galit ba?" tanong ko sa kanya. 

"oo ate dalian mo. Dali!" hinatak niya na ako palabas ng pinto niya, at halos tumakbo na kami sa kamamadali papunta sa opisina ng tatay niya. 

Binuksan ni Sofia ang pinto at itinulak ako papasok. 

"babye ate goodluck" aniya sa masayang tono at agad na isinara ang pinto at nagmamadali ng umalis. 

napaawang nalang ang labi ko sa bilis ng nangyari. titingnan ko pa sana ang paligid ng opisina ng ama niya ng agad na may kumuha ng atensyon ko. 

Nakita ko nalang ang ama ni Sofia na prenteng nakaupo sa harap ng lamesa at computer niya. nakasalamin na may manipis na silver frame at may hawak na papeles habang kunot noong nakatingin sa akin na para bang naabala mula sa pagbabasa ng kung anong mahalaga. 

"S-sir" ani ko sakanya. napatingin ako sa mga mata niya at nakita ang mariing tingin nito sa katawan ko bago nag angat sa akin. 

Agad na napayuko ako at hindi malaman ang gagawin. ang mga kamay ko ay nasa harapan at hindi malaman ang gagawin kaya mga daliri ang napagdiskitihang pagalawin. 

"Gioia" aniya sa malalim na boses. "Who the fuck told you to wear that shit" aniya sa akin. halos wala ng pasensiya. 

lalo akong nanliit sa sinabi niya. napababa ang tingin sa suot na damit. sinubukan kong itaas ang sa dibdib na bahagi pero walang silbi. nakalutang parin ang balat ko sa dibdib 

at higit sa lahat wala pala akong bra! ngayon ko lang napagtanto dahil sa pagkatuliro! 

tila ngayon lang pumasok sa isip ko ang nangyayari. 

ako sa iisang kuwarto, kasama ang isa sa pinakaiiwasan kong tao. Nakasuot ng manipis at halos hubad na sa pang itaas na damit, silk ito at hindi ganoong kaluwagan kaya hulmang hulma ang katawan ko at lumulusot ang lamig mula air conditioning niya. Basa ang buhok at natulo pa ang ilang tubig mula sa pagligo kaya lalong lumamig. 

naging mabilis ang reaction ng katawan ko. My nipples hardened because of the coldness. Embarrassed, i immediately cross my arms around my breast to cover it. 

jusko ano nanaman bang kahihiyan ang napasok ko?

"tsk" narinig ko mula sa kay sir Fergus kaya bahagya akong napaatras. 

"Look at me Gioia" aniya. narinig ko ang pagtayo nito sa upuan at ang paglalakad saglit.

napatingin ako at nakitang nakaupo na to sa lamesa niya. hinubad niya ang salamin at ipinatong sa inuupuang lamesa. 

"Gioia" tawag niya sa akin. "come here and answer my fucking question" parang nahihirapan akong huminga sa nais mangyari ni sir Fergus. 

"susunod kaba o hindi?" mas naging seryoso ang boses niya kaya wala na akong nagawa. parang tumutulay ako sa pisi ng pasensiya niya, kahit anong oras mapuputol na. 

"s-sir pasensiya n-napo" ani ko dito. Hindi malaman ang gagawin kung maluluha ba muna ako o matatakot. 

kapit-kapit parin ang mga dibdib habang nagsasalita. 

"n-natapunan po ng gatas iyong mga d-dami--"

"i said come the fuck here" sabi niya. kahit tila mahinahon ay madiin ang pagkakasabi niya na lalo kong ikinakaba.

wala ng magawa, lumapit na ako dito  at nagdasal nalang na sana hindi niya ako lalong pagalitan at sabihan ng insulto habang tumutulo na ang luha.




The pronunciation of Gioia's name is "Joy-ah" 

3/12/23

Unadulterated Passion (la destrucción)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon