Mabilis ang naging pagtayo ko sa klase matapos maligpit ang mga gamit ko.
"Ate Gioia" tawag sakin ng isang marahang boses. nilingon ko ito at nginitian
"hmm?" untal ko dito. mabining ngumiti ang dalagita sa akin.
"hmm, pwedeng sumabay?" marahan akong napatawa kay Sofia. 18 years old palang ito at halatang wala pang ganoong kaalam-alam sa tunay na mundo. hindi ko sinasabing marami na akong alam tungkol sa totoong buhay pero kung pagkukumaparahin ako at si Sofia siguradong lamang ako dito.
"Halika na dito" tawag ko sa kanya.
25 years old na ako at ngayon palang nag-aaral sa kolehiyo . ang mga kasabayan ko ay halos mga kakalegal palang ng edad kaya kung ituring ako dito ay ate talaga.
nagtransfer lang si Sofia sa state university na pinag-aaralan namin. parehas kaming nasa 1st year at kasalukuyang nasa ikalawang semestre na.
mahiyain si Sofia kaya ako palang ang nalalapitan nito, kalaunan ng tumagal-tagal ito ng bahagya ay napapansin kong lagi na itong nakadikit sa akin katulad ngayon.
"hindi talaga tayo pwedeng sumaglit sa Canteen ate?" tanong nito sa akin. agad na napatawa ako dito.
"late na nga tayo oh" pakita ko sa kanya ng relos ko "paano dinaanan pa natin iyong crush mo tapos ang bagal mo pang maglakad" sabi ko dito. agad ang naging pagsimangot ni Sofia sa akin. hindi ko alam kung bakit dito nag-aaral ang batang to dahil ang alam ko ay mayaman ang ama ni Sofia.
"may pagkain ako sa bag iyon nalang ang kainin mo, bibili ka lang ng kung ano dun tapos hindi pa healthy"
"sige na nga ate" sabi lang nito sa akin.
gustong-gusto ko si Sofia, siguro dahil naaalala ko sa kanya ang nakababata kong kapatid.
"para ka na ring si Daddy ate" saad ni Sofia sa akin. agad na napalabi ako sa sinabi ni Sofia. ang tatay ng batang to na kung makatingin sa akin ay akala mo ang sama-sama ko para sa anak niya.
"ganun ba talaga ang tatay mo Sofia?" mapangmata, hindi ko naman peperahan ang anak niya at mataas ang tingin sa sarili? base pa lang sa kilos at galaw nito parang pagbinati mo to sa daan ay lalampasan ka lang at iignorahin
kumunot ang noo ni Sofia "bakit ate?" pumunta ang dalagita sa likod ko at binuksan ang bag ko. kinuha nito mula roon ang baon kong sandwich bago bumalik sa tabi ko.
"w-wala" napailing na ako ng maalala ko kung paano ako titigan ng tatay ni Sofia. tinataasan ako ng balahibo sa lalaking yun.
sino nga naman ba kasi ang hindi magiging mapangmata at mataas ang tingin sa sarili kung mayaman, matangkad, gwapo at maganda ang pangangatawan mo.
tila nag-init ang pisngi ko sa mga iniisip ko. napasapo ako sa noo at napailing.
grabe naman kasi ang tatay ni Sofia. parang magkapatid lang halos ang dalawa ng makita kong sinundo ang dalagita ng ama nito.
"ate Gioia dala ka ulit nito bukas okay?" masayang sabi sa akin ni Sofia. mabuti nalang at hindi nito napansin ang pagkatigil ko dahil busy ito pagkain ng sandwich.
"sige" tipid kong ngiti dito. pinilit ko ng muli na kalimutan ang tatay ni Sofia
mabilis na lumipas ang oras at awasan na naming dalawa ni Sofia. tumakbo agad palapit sa akin ang babae at agad na hinila ako.
"sabay ka sakin ate" sabi ni Sofia.
tumingin ito sa sariling relos. "diba may pasok ka ngayon sa trabaho? hahatid ka namin" sabi nito.
"huwag na" marahang sabi ko dito
"sige na ate. pati bibili rin akong fishball dun." natawa naman ako ng bahagya kay Sofia. ako ang nagintroduce sa kanya ng street food at mukhang nagustuhan ng dalagita.
"sige na nga"
agad na natuwa naman ang babae.
"si daddy ang magsusundo sa akin ate" parang gusto ko ng umatras matapos niyang sabihin yun.
"h-ha? bakit daw?" para akong kinabahan na ewan.
"e si manong kasi may emergency daw. so si daddy muna since hindi naman siya busy" sabi nito bagos ay tuloy-tuloy na akong hinila papunta sa harapan ng school. wala na akong nagawa pa kung hindi magpa-agos sa hila nito dahil ng makita ko ang kotse nila ay nawala na ako sa huwisyo.
nakasandal ang tatay ni Sofia sa kotse suot ang puting button down shirt, nakatiklop ang sleeves nito hanggang sa siko niya at nakaitim na slacks. tila kagagaling lang sa trabaho at sumaglit lang dito para sunduin ang anak.
"daddy" masayang tawag ni Sofia dito. agad na yumakap ito sa ama at humalik. kita ko ang aliw at galak sa mata ng lalaki habang kausap nito si Sofia pero ng dumako ang mata nito sa akin ay nawala bigla iyon at napalitan ng kung ano. napaiwas tuloy ako ng tingin dito.
"g-good afternoon po sir Terafranco" magalang na bati ko dito
Fergus Terafranco, the almighty and maybe the highest and the most powerful person i know, bagay na bagay ang pangalan nito sa huwangis at tindig, this man is the personification of the word virile or virility. hindi parin nagbago ang tingin nito sa akin.
para akong dumi na pababang tinitingnan nito. para akong magnanankaw sa harapan nito na gustong palayuin sa anak niya
"isasabay natin si ate Gioia daddy" sabi ni Sofia. bumaba saglit ang tingin ni Fergus sa anak pero agad ding bumalik sa akin
"okay sweetie" marahang sabi nito sa anak pero kung babalingan ang mata nito ay matatakot ka.
"Ate Gioia, can you sit on the passenger's seat? hihiga ako sa likod ayaw kong unanan ang lap mo" tanong ni Sofia.
pwede naman siguro akong umuwi nalang, hindi nalang ako papasok sa trabaho. aatras na sana ko ng pagbuksan na ni Fergus ng pinto ang anak. hindi na ako nakasagot ng ako naman ang pagbuksan nito ng pintuan.
hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaawang ang labi dahil sa nangyayari.
"Gioia" napalunok ako sa tawag niya "are you just going to stand there?" kung lalakasan ng kaonti ang bulong nito sa akin ay baka marinig mo ang rahas ng boses niya.
"h-ha sorry po s-sir" pumasok na ako ng diretso sa kotse. what's worst than this?
12/27/21
BINABASA MO ANG
Unadulterated Passion (la destrucción)
De Todothe destruction l R18 How hard it is to fall under the mercy of your father's best friend? (c) to the owner of the photo i used