Chapter 2

7.9K 100 17
                                    

hintay lang next part (≧▽≦)

================================
Oaklee Lou Bennet's POV:

Nagising ako at napalingon saaking paligid..

Nakahiga ako sa isang malambot na kama na kulay puti habang ang kumot at unan ay yellow

Agad agad akong tumayo ng kama at lumabas sa kuwarto kung saan ako nakatulog

Napansin ko rin na naka suot ako ng isang jacket at naramdaman korin na wala pala akong damit pang itaas

Sino ang nagpalit ng aking damit?..

Nagpatuloy lang ako sa paglakad ng may maka salubong akong isang babae

"E-excuse me ho? Mawalang galang lang po pero..nasaan ako?" Tanong ko rito

"Andito kapo Lady Oaklee sa bahay ni Lord Zaiden" sabi niya sa akin na ipinagtaka ko

P-pano niya nalaman ang aking ngalan? At bakit niya ako tinawag na Lady Oaklee? Oaklee Lou Bennet naman ang aking ngalan at walang Lady

"P-pasensiya napo pero wala po akong Lady sa aking ngalan" sabi ko sakanya

"Yun lang po ang itinatawag namin sa kung sino ang asawa or mapapangasawa ng aming Lord Zaiden Lord Scott at Lord Elijah" sabi niya saakin

"S-sige ho bababa napo ako salamat po!" Sigaw ko at napangiti naman siya

Bumaba nako pero nasa huling baitang nako ng hagdan ng may narinig akong tumawag saaking pangalan

"Oh Oaklee! Trying to escape from us huh?!" Sabi ng isang boses lalaki

Agad akong napalingon dito at nakita ko ang tatlong lalaki na naka-upo sa isang sofa

"P-pasensya naho kung naistorbo ko kayo! U-uuwi na po ako!" Sabi ko at akmang tatakbo na palabas ng bigla akong hatakin ng lalaking brunet ang bohok

"No! Hindi ka uuwi! Dati ka na namin pinakuha! Pero hindi kaparin namin nakuha nuon! Pero ngayon na nandito ka na hinding-hindi kana namin papakawalan!" Sigaw nito at laking gulat ko ng binuhat ako nito

Nag-pupumiglas pa ako sakanya pero wala nakong nagawa dahil napakalakas niya

Dinala niya ako sa sofa kung saan naka-upo ang dalawang lalaki

"Hindi ka nanamin papakawalan Lou.." may nag salita sa aking tenga sa likod ko

"P-please po! Uuwi po ako! Kasi sina mama at papa pati napo ang kapatid ko pinatay sa bahay namin!" Sabi ko at umiiyak na

"Pasensiya Lou pero...hindi na sila umabot sa ospital.. binaril ang ina mo at ang kapatid mo sa ulo at ang itay mo naman...ganon din pero mas kagimbal gimbal ang ginawa nila sa kanya" sabi ng lalaking may Scar sa kanyang kamay

"H-hindi yan totoo! B-buhay pa sila! Uuwi nako please!" Sabi ko at akmang tatayo na sana ng bigla akong kinuha ng isa sa mga lalaki at inupo ako sa kanyang kandungan

"Pasensya na mi Amor pero kapag sinabi namin..gagawin namin.." sabi niya sa aking tenga

"Kuya Zaiden nakahanda naho ang mga parusa sa mga pumatay sa kapatid at magulang ni Ate Oaklee" sabi ng isang batang babae pero parang may saya sa boses nito

Only For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon