KABANATA 13

169 14 8
                                    

[CHAPTER 13:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'

Sinunod lang naman niya kong ano ang sinabi ko, at dapat pa nga akong matuwa dahil doon. Pero bakit naman kabaliktaran  non yong nararamdaman ko ngayon.

Lumipas ang ilang araw magkaklase nga kami at magkatabi ng upuan hindi naman kami nagkikibuan at parang hindi namin alam na nageexist kami sa isat isa.

Dahil rin doon naging close niya ang mga kaklase namin at ibang mga estudyante sa ibang section, para sa akin maganda yon dahil marami siyang mas nakilala pa.

Pero hindi ko alam kong ano itong ipinoproblema ko ngayon, nakakainis lang na kahit mismong sarili ko ito ay hindi ko maintindihan.

Gabi na at sa susunod na bukas na ang camping at ngayon palang ay gusto ko ng magpaalam kay Tiyu, para kapag pinayagan niya ako ay makapagpalista na ako at kung hindi naman ay para masabi ko narin sa kanila.

Napabuntong hininga ako bago ko nguyain ang nasa bibig ko, kaharap ko ngayon si Tiyu sa hapag kainan at sabay kaming kumakain pareho kaming tahimik na kumakain.

"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, hindi yong para kang tangang tingin ng tingin sa akin." sabi ni tiyu at tumingin sa akin, napalunok ako. Kung sino man ang taong kinakatakutan ko, yon ay si Tiyu.

"Tiyu mayroon po kaming camping sa school sa susunod na bukas, doon po kami matutulog." nakayukong paalam ko.

"Para saan yan?" tanong nito.

"Activity po sa school. May 50 pesos pong babayaran sa registration pero wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala doon." mabilis kong paliwanag.

"Bakit mo sa akin yan sinasabi?" tanong nito, kaya napaangat ako ng tingin sa pagakakayuko.

"Nagpapa-alam po ako sa inyo, papayagan niyo po ba ako?" tanong ko.

"Siguraduhin mo lang na para sa yan sa school niyo, dahil kong hindi malilintikan ka sa akin Rj. Sinasabi ko sayo." aniya ni Tiyu at tumayo na dahil tapos na pala itong kumain, hindi ko mapigilang mapangiti ng makaalis na ito.

"Salamat Tiyu." malakas kong sigaw dahil alam kong maririnig ako nito, nasa sala lang naman ito at nanonood.

Kinaumagahan papauwi na ako sa bahay dahil naubos na ang tinda kong pandesal ng makasalubong ko si Elias, hindi ako nito man lang tinignan o pinansin at nagpatuloy lang ito sa pagtakbo.

Napailing nalang ako at nagpidal na para makauwi na ng bahay at makapaghanda na sa pagpasok.

"Rj ano sama ka bukas sa camping?" tanong ni Rose, nagkasabay kaming dalawa sa tricycle para pumasok sa eskwelahan.

"Pinayagan ako ni Tiyu kaya pwedi." sagot na dahilan para malakas itong mapatili.

"Talaga Rj? Yiee sasama kana. Mamaya sasamahan nalang kitang magparegister." malakas at nakakabinging sabi nito.

Bumaba na kami ng tricycle ng huminto na ito sa tapat ng school na pinapasukan namin.

"Hoy ikaw Rj huh, narinig ko yong usap usapan noong nakaraang araw. Anong ginawa mo doon sa babae?" tanong ni Rose, talagang hindi ito nauubusan ng sasabihin at hindi rin nauubusan ng laway kakadaldal.

"Wala naman, tinanggal ko lang naman yong pagkakahawak niya sa buhok ko, yon lang naman ang ginawa ko." walang buhay na boses kong sagot.

"At bakit, ano bang nangyari?" puno ng kuryusidad na tanong nito, malakas ko itong binatukan na ikinadaing nito at masama akong tinignan.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon