Special Chapter
'Elias Ramirez P.O.V'
When I saw her crying, I felt a pang pain in my chest. Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko.Nang malaman kong isa ang tiyuhin niya sa nanloob sa bahay namin noon ay nakaramdam ako nang galit, hindi lang sa tiyuhin niya kundi pati na rin sa kaniya. And that is my biggest mistake in my life.
Hinayaan kong pangunahan ako ng galit, hindi ko na kontrol ang emosyon ko. At kahit siya na walang ginawa ay nasaktan ko.
Noong lumuhod siya sa mismong harapan ko at nagmamakaawa para hindi ko ipakulong ang tiyuhin niya ay gusto ko ring lumuhod at pantayan siya para sabihing magiging okay lang ang lahat.
Pero mas hinayaan kong pangunahan ako ng galit, pride at sakit. At parang may mahikang nakalimutan ko kung gaano ko siya kamahal.
At noong gabing nakipaghiwalay ako sa kaniya ang pinakamasakit na desisyong nagawa ko. Makita siyang umiiyak nang dahil sa akin ay parang dinudurog ang puso ko.
Kaya bago pa man ako umiyak sa mismong harapan niya noon ay iniwan ko na siya at umalis na.
Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya. But I need some space kasi natatakot ako na baka maulit ulit 'yong nangyari at saktan ko na naman siya gamit ang mga masasakit na salita.
Kaya noong gabing sinugod at sinuntok ako ni Liam, ay nagising ako sa malaking katangahang nagawa ko. Liam is right, gago talaga ako.
Iniwan ko si Rina sa panahong ako dapat ang nasa tabi niya, iniwan ko siya sa panahong ako ang kailangan niya. Mahal ko siya pero sinaktan at iniwan ko siya.
When I found out that Rina is out of the country. Ginawa ko ang lahat para mahanap siya. I used my connection, I used my money.
Nahanap ko siya. But Liam did everything para hindi ko siya makita at hindi kami magkita.
Kinausap ko si Liam, and we made a deal. Kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral at kapag ako na ang namamahala nang Airline at kompanya namin ay saka na raw ako nito papayagan. At siya raw mismo ang maglalapit sa aming dalawa ni Rina. And I agree with it.
Pero hindi ko kaya, hindi ko matiis. Kaya lumipas ang limang taon. Palagi akong bumibisita nang Canada para pagmasdan siya mula sa malayo.
Ginamit ko ang private jet namin para puntahan siya. At babalik rin agad ako ng Pilipinas, naging gano'n ang routine ko. I don't care kahit ilang beses pa akong pagalitan at sigawan ni dad sa ginagawa ko.
Pero sa tuwing pinagmamasdan ko si Rina mula sa malayo na palaging umiiyak o 'di kaya ay walang emosyon ang mga mata nito. Pigil na pigil ko ang sarili kong lapitan siya at punasan ang mga luha niya at patahanin siya. I'd never see her smile. Because she never smile.
Nagpatuloy ang ganoong routine ko sa loob nang anim na taon. Pabalik balik ako ng Pilipinas at Canada.
Until I get succesful, Liam did the deal. Hanggang sa magkita kami ni Rina sa isang supermarket ng mall sa Canada.
Mas maganda pa rin talaga siya kapag sa malapitan. Hanggang sa hindi ko napigilan ang sarili kong halikan siya.
Nang sabihin sa akin ni Liam na babalik na sila sa Pilipinas, ay agad akong umuwi ng Pilipinas at dumeritso nang probinsiya. Because I know doon agad ang punta niya pagkarating ng Pilipinas.
Kinagabihan no'n pumunta ako nang ilog at hindi ko inaasahang pupunta rin siya doon. I smiled in my mind.
I can feel that she still love me, but I know that she just scared na baka masaktan ko lang ulit siya.
So after that night, I did everything to get her back. Pinadalhan ko siya ng bulaklak na may kasamang libro at hinarana ko rin siya.
But when I heard her sweetest answer, all sacrifice and pain at ang mahabang paghihintay ko sa kaniya ay worth it.
Hindi na ako nag-alinlangan at nagpaligoy-ligoy pa at inaya ko na kaagad siyang pakasalan.
And after 1 year, nagkaroon kami ng kambal na anak na lalaki. At masasabi kong sobrang swerte ko.
"Daddy!" napatingin ako sa dalawang batang lalaki na tumawag sa akin. My three year old twin.
"Shh!" mahinang sita ko sa kanilang dalawa at napatingin sa ina nila na hanggang ngayon ay tulog pa rin.
"Anyway come with me, we will cook breakfast." anunsyo ko sa kanilang dalawa at pareho silang binuhat.
"Daddy big na po kami ni Evan." Ethan said smilingly. Napatingin ako kay Evan na tahimik lang habang nginangat ngat ang kuko.
Sa kanilang dalawa ito ang tahimik at may pagkamasungit.
"But still baby parin namin kayo." sagot ko at ibinaba sila sa stool chair. "Just stay kiddos, magluluto lang ako nang food natin para may breakfast tayo."
Sabay silang tumango, napangiti ako at ginulo ang buhok nilang dalawa. Napatingin ako sa bukana nang pinto at nakita roon si Rina habang nakangiting nakatingin sa amin.
Sinenyasan ko siyang lumapit sa amin, kaya naglakad ito palapit sa deriksyon namin. "Hello my two baby good morning!"
"Good morning mommy!" sabay na sagot nang kambal at niyakap ang ina nila. I smile, i feel so complete.
So this is the End, I hope you learned something on this story.
This is Sebastian Elias Ramirez husband of Rina Joy Sullivan- Ramirez. And the father of Evan Archer Sullivan- Ramirez and Ethan Alistair Sullivan- Ramirez saying good bye to you all.
THE END.
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (PUBLISHED UNDER CLP)|✔
Teen FictionHe is a totally hardheaded, A pain in the ass. What he wants, he get. Panglimang lipat niya na sa ibang paaralan. Hanggang sa magsawa na ang kaniyang Ama na pangaralan siya. Hanggang sa ilipat siyang muli ng kaniyang Ama sa ibang paaralan. Hindi...