[CHAPTER 33:]
'Third Person's P.O.V'
Pagkarating niya palang sa mansion nila ay sinalubong na kaagad siya ng sandamakmak na katulong at bodyguard.
"Welcome back Sir."
"Maligayang pagbabalik po."
Paulit ulit lang ang mga sinasabi ng mga katulong kaya matalim niya ang mga ito na tinignan na sa pamamagitan no'n ay parang sinasabi niya na- tumahimik kayo kung ayaw niyong masisante.
"Where is my father?" walang emosyon na boses niyang tanong sa mayordoma nila.
"Nasa study room po niya Sir." nakayukong sagot ng mayordoma.
Iniwan niya ang mga ito at umakyat ng hagdan para puntahan ang ama niya sa study room nito.
Nagbuga siya ng malalim na hininga bago napagdesisyonang buksan ang pinto ng study room. Bumungad sa kaniya ang maluwang at maaliwalas na study room ng ama at sa center ay nandoon ang kaniyang ama habang nakaupo sa kaniyang swivel chair.
"Son you're here." nakangiting bungad sa kaniya ng kaniyang ama.
"Obviously, Yes." walang buhay na boses niyang sagot.
"Come here son, seat." utos ng kaniyang ama at itinuro ang visitor chair na nasa harapan lang nito.
Umupo siya sa upuan at pinagpandekwatro na panglalaki ang kaniyang paa. "What do you need dad?"
Pinagkrus ng kaniyang ama ang kaniyang kamay at ngumiti sa kaniya, "It's been five months simula no'ng manatili ka sa probinsiya Elias, do you want to stay here for good or you want to stay still there?"
Napaisip siya ngunit hindi naman na niya kailangang mag-isip dahil alam na niya kung ano ang sagot sa tanong ng kaniyang ama, "I want to stay there dad."
"Why because of her?" tanong ng ama na may mapaglarong ngisi sa labi nito.
Hindi na siya nagulat ng malaman ng kaniyang ama ang tungkol kay Rj, this oldman knows everything.
"Yes." walang pag-aalinlangan niyang sagot.
"You need to stay away from her." anito sa kaniya na ikinatiim bagang niya.
"You have know right to demand me dad. Ikaw ang dahilan kung bakit ako napunta sa probinsiya pagkatapos ay gusto mo rin akong paalisin? Dahil sa kaniya?" puno ng sarkastiko at pagkamangha niyang tanong.
"Okay son, kung yan ang desisyon mo then it will be. But I'm warning you once you know the truth ikaw mismo ang lalayo sa babaeng yon." seryosong sabi ng kaniyang ama sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo at punong puno ng pagtataka niyang tinignan ang kaniyang ama.
"What do you mean dad?"
"Why don't you find out alone?" pang-hahamon ng kaniyang ama sa kaniya, alam niyang wala siyang makukuhang matinong sagot sa ama kaya tumayo na siya at walang pasabing nilisan ang silid ng kaniyang ama.
Dumeritso siya sa sariling silid niya at pagod na ibinagsak ang katawan. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng kaniyang ama. Hindi niya makuha ang pinupunto nito.
"I think I need some fresh air, to get relax." aniya sa kaniyang sarili lumabas ulit ng kaniyang kwarto at bumaba ng hagdan at pumunta sa parking lot ng kanilang mansion para kuhanin ang nakaparada niyang kotse.
"Whoaah! Look who's here?" anang ng kaniyang kaibigan na si Caleb habang nakangisi. Naisipan niyang pumunta sa tambayan nilang magkakaibigan at naabutan niya ang mga ito na naglalaro ng billiard. Habang may katabing beer in can.
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (PUBLISHED UNDER CLP)|✔
Teen FictionHe is a totally hardheaded, A pain in the ass. What he wants, he get. Panglimang lipat niya na sa ibang paaralan. Hanggang sa magsawa na ang kaniyang Ama na pangaralan siya. Hanggang sa ilipat siyang muli ng kaniyang Ama sa ibang paaralan. Hindi...