CHAPTER 8

19 3 1
                                    

Hadiya

Dumaan ang araw na parati akong excited tuwing shift ko sa restau. Isa lang ang ibig sabihin, malapit na magbagong taon! Always present din si Mr. Greek-God sa restau at dahil dakila akong papansin, nagpapapansin ako sakanya. May iba na nga akong kasamahan na pinag-uusapan ako pero hindi ko nalang pinansin.

Masama ba iexpress ang pagkakagusto mo sa isang tao? Oo, gusto ko siya. Na-like at first sight yata ako nung una eh. Malay niyo naman, ma-likeback ako dibaaa?

"Good evening, Sir? The usual po ba?" Ngumiti ako ng pagkalaki-laki kahit hindi siya nakatingin. Nakaharap siya sa laptop niya. Malay ko ano ba ginagawa niya, baka nagfefacebook.

"No, I'd like Chicken Burrito for now." Sagot niya nang hindi tumitingin sa akin pero nakuha ko pa'ring tumango.

"Be right back, Sir."

Nakangiti akong inabot ang order kay Tina na napansin pa yata ang ngiti ko.

"Napapansin ko, ikaw palagi ang kumukuha ng order ni Sir, type mo ba?" Tanong niya. Proud ako kaya tumango ako na ikinailing niya.

"Hindi naman sa nakikialam ako sayo, Hadiya ha, pero kasi mayaman yan eh. Malabo kang lingunin niyan."

Gusto ko sana magalit pero tama naman siya eh. Halata naman kasing mayaman si Mr. Greek-God-hindi ko pa rin alam pangalan niya. Awra pa lang, nagsusumigaw na ng karangyaan. Pero hindi naman masamang umasa diba? Sabi nga nila habang may buhay, may pag-asa.

Hindi nalang ako nagkomento at senerve ang order ni Mr. Greek-God. Hindi na siya busy sa laptop niya, may kausap na siya sa cellphone niya.

"I'm busy, Selena, next time." Dinig kong sagot niya sa kabilang linya. Tumikhim muna ako na ikinalingon niya sa'kin bago ko inilapag ang tray.

"Enjoy your dinner, Sir!" Nakangiting saad ko nang maibaba niya ang cellphone niya. Nagtagal ang tingin niya sa'kin kaya nailang ako at pilit na ngumiti bago yumuko at umalis sa harap niya.

Sino si Selena? Girlfriend niya ba? Pero sa hitsura niya, asawa na yata meron siya. Syempre kahit ako ang girlfriend, itatali ko kaagad yan uy! Maagaw pa eh. Pero hindi ako si Selena.

Nagpatuloy ako sa pagseserve at inalis sa isip ko ang kung akong iniisip ko tungkol sakanya. Hindi ko na siya napansin at nagpakabusy nalang sa pagseserve.

Pagod akong umuwi sa bahay. Limang oras lang ang tulog ko araw-araw pero sapat na rin yun para may lakas ako kinabukasan.
Pero dahil day-off ko bukas sa store ay mahaba ang naging tulog ko.

"Nay?" Alas-dyes ng umaga, pumasok ako sa kwarto ni Nanay at naabutan ko siyang nagsusulat sa notebook niya na nakaupo sa kama. Hindi ko alam ang sinusulat niya at kung nagtatanong naman ako, nginingitian niya lang ako.

Napalingon siya sa akin. Napangiti siya at sinarado ang notebook niya.

"Hadi, anak." Banayad ang boses na aniya. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya. "May problema ka ba?" Dagdag tanong niya sabay haplos sa buhok ko.

Dahan-dahan akong humiga sa lap niya na ikinangiti niya, para na rin hindi siya mahirapan sa paghaplos-haplos sa buhok ko.

"Nay, may tanong ako." Simula ko Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

"Ano iyon, anak?"

Huminga ako ng malalim.

"Mali ba... mali ba magkagusto sa mayaman, nay?"

Tinignan ko ang reaksyon ni Nanay-bahagya siyang natigilan pero ngumiti rin kalaunan.

"Hindi kailanman naging mali ang magmahal, Hadi-"

Best Time of The YearWhere stories live. Discover now