Hadiya
Mabilis lumipas ang araw at mag-iisang buwan na ako sa pagiging cashier sa Cafeteria. 2weeks from now, babalik na ang original cashier kaya babye na din ako dito. Isang buwan nalang din pala at pasko na. Isang buwan ko na ring pinipigilan ang sarili kong hindi awayin itong brat na nasa harapan ko.
"Bilisan mo, I'm in a hurry." Walang modong aniya. Pabalya kong inabot sakanya ang credit card niya—yayamanin talaga. "Hey, you! How dare—"
"Umalis ka na, marami pang costumer sa likod mo. Wag kang satsat nang satsat diyan, alis." Mataray na taboy ko sakanya, wala na akong pakialam kong magreklamo siya sa Manager namin sa kagaspangan ng ugali ko—sakanya lang naman ako magaspang ang ugali. Sinamaan niya ako ng tingin bago padabog na umalis sa harap ko.
"That's 359, Miss." Nakangiting saad ko sa sunod na costumer. Tipid siyang ngumiti bago inaabot sa akin ang credit card niya—sanaol talaga, yayamanin.
Ganun lang ang naging senaryo ko sa mga dumaan na araw. Ngingiti sa mga costumers—maliban sa brat na 'yun na Ericka pala ang pangalan, ganda ng pangalan pero pagdating sa ugali? Balik tayo sa pangalan.
"Nay, alis na ako!" Pasigaw na paalam ko kay Nanay na nasa kwarto niya, isang araw. Kakaalis lang nila Harris at Heidie—para pumasok sa school. Ako naman ay paalis na rin para pumasok sa trabaho. Soon, masasabi ko ring papasok ako sa school, ulit.
"Ingat, anak!" Huli kong narinig bago makalabas ng bahay na siya ring labas ni Mady sa inuupahan niya.
"Uy timing!" Aniya nang makalapit sa akin. Tumaas lang ang kilay ko at hindi na nagkomento. Nakabalik na ang original dishwasher ng Cafeteria pero hindi pa pinatigil si Mady ni Madam Diaz, sabay nalang daw kami dahil sabay naman daw kaming nag-apply which is ngayon na. Bukas na ang balik ng original cashier kaya hanggang ngayon nalang kami ni Mady.
"May gagawin ka ba after natin sa trabaho, mars?" Tanong ko kay Mady sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Napatingin siya sa'kin.
"Waley naman, deretso na ako uwi, tatawag ako kila maderland. Bakit?" Nakalabas na ng hospital ang kapatid ni Mady kaya ang problema nalang niya ay ang babayaran niyang utang kay Geo at perang buwan-buwan na ipinapadala niya sa pamilya niya.
"Magpapasama lang sana ako sa sementeryo, bibisitahin ko si Tatay, hindi ako nakabisita nung araw ng mga patay eh. Alam mo na, tumanggap ako ng labada nun." Si Nanay, Heidie at Harris lang ang nakabisita kay Tatay. Gusto ko sana samahan sila nun pero mas inuna ko nalang ang pagtanggap ng labada, pera din kasi yun eh.
"Sige, mars." Aniya na ikinangiti ko.
Alas-otso na kami nakaabot sa unibersidad dahil nagkatraffic pa ng kunti. Pasipol-sipol akong naglalakad papunta sa cafeteria. Wala nang masyadong estudyante dahil start na ng klase nila. Mangilan-ngilan nalang, yun mga late.
"Goodmorning everyone!" Nakangiti kong bati sa lahat pagkapasok namin ni Mady sa Cafeteria. Napalingon sa akin ang mga kasamahan ko.
"Magandang umaga, Hadi."
"Mas maganda ka pa sa umaga, Hadi."
Napangiti ako sa huling bumati sa akin at napatingin dun, kay Angelo. Taga-serve siya at may hitsura. Pansin ko rin ang pamomorma niya pero hindi ko nalang pinapansin. May isang tao kasi yatang pinaglihi sa sama ng loob na malaki ang galit sa akin na may gusto kay Angelo. Sinasamaan niya ako ng tingin at kung hindi naman nakukuntento ay pinaparinggan ako ng mga walang katuturang bagay kapag binibigyan ko ng atensyon ang lalaki. Hindi ko sinasabing si Honeylet ito 'ha, pero parang ganun na nga. Kagaya nalang ngayon, ramdam ko ang parang laser na tingin niya sa akin habang nagpupunas siya ng lamesa di-kalayuan sa akin.
YOU ARE READING
Best Time of The Year
De Todo"Wanna know my best time of the year? That was December 25, exactly 12 A. M. - I led my eyes to the most beautiful girl I met and it's you. " Date Started: December 30, 2021 Date Ended: