Hadiya
Kahit wala nang trabaho ay maaga pa rin akong nagising kinabukasan. Bukod sa nasanay na yata ang katawan ko—body clock ba—ay nagluluto rin ako ng pang-umagahan namin.
Nagsinangag lang ako ng kanin na natira kagabi at nagluto ng hotdog para pang-ulam ng mga kapatid ko. Para kay Nanay naman ay nagluto ako ng sabaw na may kaunting gulay—kalabasa, okra at talong.
Wala pa akong 30 minutes na nagluluto ay lumabas na si Harris sa kwarto namin na nakauniform—polo na may tie na kulay pula at itim na slack(s—tama ba?). Si Harris na naiilang yata kapag kasama ako. Hindi pa nakamove-on sa pagkakahuli ko sakanyang nanonood ng p**n.
"G-Good morning, Ate." Utal na bati niya.
"Morning. Nauutal ka yata? Hmm?" Asar ko dito na ikinapula ng tenga niya.
"Ate naman eh!" Maktol niya, nahihiya.
"Alam mo Harris, hindi naman masama ang panonood mo dahil alam ko namang normal sa inyong mga lalaki yan. Ang akin lang, wag na wag mo munang gawin ang ganun 'ha? Kapag talaga may nabalitaan akong nabuntis mo, malalagot ka sa akin! Desisyete ka palang!" Mahabang pangaral ko dito na itinango-tango niya.
"Oo naman, Ate! Bago ko gagawin yun, tutulungan muna kitang iahon ang pamilya natin." Sinserong saad niya na napagpangiti sa akin. Kahit naman medyo may pagkaloko-loko si Harris 'eh alam ko namang mahal niya kami.
"Aasahan ko yan, Harris. Oh sige na, magsuklay ka at ayusin mo na yang necktie mo!"
Nakangiting tumango naman si Harris bago ulit pumasok sa kwatro—kinuha lang pala niya ang suklay na nalagay niya sa taas ng maliit at luma naming ref. Bigay lang ito nung namayapang kapatid ni Nanay na si Tita Hazel.
"Nay, may sasabihin pala ako." Basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin habang kumakain kami.
"Ano yun, nak?" Tanong ni Nanay na pabalik-balik ang tingin sa akin at sa plato niya.
"Wala... wala na po akong trabaho." Napayukong sagot ko dito. Ayokong makita ang galit na reaksyon ni Nanay. Ramdam ko ang pagkakatigil nila sa pagkain. Kulang nalang may dumaang crickets eh.
"Bakit naman, anak? Natanggal ka ba?" Mahinahon ang boses na tanong ni Nanay kaya napaangat ako ng tingin sakanya.
"Hindi ka po ba galit?" Takang tanong ko dito. Kumunot naman ang noo ni Nanay.
"Bakit naman ako magagalit?" Aniya.
"Kasi wala na akong trabaho?" Patanong na sagot ko.
"Anak, hindi ako magagalit. Dapat nga magpasalamat pa ako sayo. Ikaw ang gumagawa ng dapat na ako ang gumagawa, Hadi."
"Wala naman po kasi yung kaso sakin, Nay. Kahit magkandakuba ako sa pagtatrabaho, okay lang, basta para sainyo."
"Ang swerte ko at naging anak kita."
Pagkatapos ng heart-to-heart talk namin ni Nanay ay pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis. Kanina pa nakaalis si Heidie at Harris. Bago ako nagbihis ay tinext ko muna si Mady at Geo.
To: Mady, Geo
Kita us sa bakery shop ni Manong Tasyo, 9pm sharp! Dapat pumunta at bawal maLATE. Gm 'to.
Sent!
Pagka-send ko ay nilapag ko muna ang cellphone ko sa table na malapit sa cabinet ko bago lumabas ng kwarto ulit sabit-sabit ang tuwalya sa balikat ko. Isa lang ang cr namin at nasa gilid ng kusina yun. Nadaanan ko pa si Nanay na nakaupo sa kawayan naming upuan at nagsusulat sa maliit na notebook niya. Gusto ko pa sanang magtanong pero mamaya na, malelate na ako sa usapan namin. Wala naman din kasi kaming TV para sana libangan ni Nanay. Walang budget.
YOU ARE READING
Best Time of The Year
Rastgele"Wanna know my best time of the year? That was December 25, exactly 12 A. M. - I led my eyes to the most beautiful girl I met and it's you. " Date Started: December 30, 2021 Date Ended: