Hermosa
Kumulog. Kumidlat. Umihip ang malakas na hangin.
Dinig na dinig ko 'yon mula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Hindi ko maiwasasang matakot. Pakiramdam ko mababasag ang salamin at makakapasok ang bagyo. Ayoko rin sa kulog at kidlat dahil masyadong malakas at para bang tatamaan ako.
Bumaba ako sa kama habang yakap ang paborito kong manika. Hindi ako makatulog kaya naman hinanap ko si Nanny Emi. Ilang beses kong natapakan ang dulo ng mahaba kong pantulog habang naglalakad sa hallway papunta sa kwarto niya.
"Nanny Emi," tawag ko sa kanya habang pilit pinipigilan ang pagiyak.
Bumukas ang pinto ng kwarto niya bago pa ko makalapit. Sinalubong niya ko ng yakap at agad na binuhat.
"Bakit ka umiiyak Hermosa?" tanong niya habang pinupunasan ang muka ko.
"Natatakot ako sa kwarto, dito na lang ako sa 'yo."
Umiling siya. "Hindi pwede dito. Sasamahan na lang kita sa kwarto mo."
Buhat-buhat niya ko pabalik sa kwarto ko. Nakayakap lang ako sa kanya habang humihikbi at pilit pinapakalma ang sarili.
Kasama ko na si Nanny, hindi na dapat ako matakot.
"H'wag ka nang umiyak. Ligtas ka dito sa loob ng bahay."
"May babae sa labas ng bintana," sumbong ko pero tinawanan lang niya ko. "Nasa second floor ang kwarto mo, masyadong mataas kaya paano makakaakyat ang babae sa bintana?"
Yumakap ako ng mahigpit sa kanya ng dumating kami sa kwarto ko pero pinabitaw niya pa rin ako. Dahan-dahan niya kong binaba sa kama. Tinabihan niya ko at sinimulang kantahan habang tinatapik-tapik. Gustong-gusto ko talaga ang pagkanta niya. Gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala ang mga takot ko. Pakiramdam ko nasa ulap ako at lumulutang.
"Naniniwala ka ba sa sumpa?" tanong sa 'kin ni Nanny Emi matapos huminto sa pagkanta.
Taka ko siyang tinignan. Hinawi niya ang mahaba kong buhok sa ulo at ganon din ang nasa muka ko. Bakas ang lungkot sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang itsura ko.
"Merong kwento ang matatanda tungkol sa pamilya natin Hermosa. . ." At nagsimula siyang magkwento.
Nakikinig lang ako sa kaniya kagaya ng lagi kong ginagawa kapag binabasahan niya ko ng libro. At kagaya rin ng dati kusa akong dinadala ng boses niya hanggang sa antukin ako. Sa pagkakataon na to dinig na dinig ko pa rin ang boses niya at hindi ko na rin alam kung gising pa ba ako. Pero unti-unti kong nakikita ang mga ditalyeng binabanggit niya sa kwento hanggang sa panaginip ko.
"Domingo, huminahon ka." Pagpipigil ng Ina ni Luisa sa kanyang Ama.
Agad na tumigil ang pamilya ni Alejandro sa ginagawang pagsasara ng tindahan at hinarap ang papalapit na pamilya ni Luisa.
"Domi –." Hindi na natapos ng Ama ni Alejandro ang sasabihin dahil sa pagbato nito ng bilao ng kakanin sa paanan nila.
"Ang kapal ng muka ng anak mong kuba na gawin to sa anak ko!" galit na turan nito.
Agad na naglapitan ang mga nakarinig para maki-usyoso sa nagaganap sa harap ng tindahan ng mga Cabello.
"Ama! Tama na po!" pigil ni Luisa ngunit hindi siya pinansin ng Ama.
Napatingin siya sa mga taong nakapalibot sa kanila. Maging ang mga kaibigan niya ay nanood din upang alamin ang nangyayari.
"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ng Ina ni Alejandro.
Nagpupuyos sa galit ang matandang Domingo. "Yang anak mong kuba, tinangkang gayumahin ang anak ko!"
BINABASA MO ANG
Ever After #5: No Beauty Just Beastly
General FictionHermosa was born with genetic condition Hypertrichosis or over growth of hair. Dahil dito maging sariling pamilya niya ay iniiwasan sya at pinili nalang itago siya sa madla. Halimaw sa paningin ng iba at sa sarili niya nabuhay siyang takot sa panghu...