Trigger Warning: vulgar, insult, & inappropriate words
Rogan
"Gandang babae. . . kamuka ni Dora."
Pigil ang tawa ng mga kaibigan ko pagkatapos marinig ang komento ko kaklase naming kapapasok lang ng classroom. Nagpabago siya ng hair style at pansin ko agad 'yon dahil sa pagkakaalala ko puro mahahaba ang buhok ng mga kaklase kong babae. At kung suswertihin nga naman, siya ang nabungaran ko sa pintuan.
"Ampota parang bibe maglakad," dagdag ko pa at hindi na nakapagpigil si Kim sa pagtawa ng malakas bago gumulong sa sahig.
"Ngingiti pa 'yan, may space naman sa gitna ang ngipin," sabi ko at nalaglag si Timothy mula sa bangkuan niya dahil din sa kakatawa. "Fill in the blank."
Napangiwi ako ng tumingin sa 'kin ang nilalait kong kaklase. Pinagtaasan niya ko ng kakarampot niyang kilay. Parang gusto ko siyang ibili ng eyebrow liner, pero hindi siya importanteng tao sa buhay ko kaya hindi ko gagawin 'yon. Tama na ang marker sa kilay niya mas maganda pa ang highlight, mas malinaw at mas magtatagal.
Walang uri ng likido ang makakatanggal.
"Nawalan ako ng gana sa pagmumuka niya," bulong ko kay Jon na sinagot lang ng pagtawa.
"Tama na Rogan. Sakit na ng tyan ko," pakiusap ni Marco habang nanlalambot sa pagtawa.
"Sumakit din tyan ko sa pagmumuka niya." Sandali kong tinignan ang kaklase namin. Napangiwi na naman ako ng meron akong makita sa pisngi niya. "Tigidig ang muka niya. Kulang ang aspalto para patagin 'yan."
Lalong lumakas ang pagtawa ng mga kaibigan ko kaya napatingin na sa 'min ang ibang mga kaklase namin. Wala naman akong balak pansinin sila kaya pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga notes ko para sa exam mamaya. Hindi ako nagagahol sa pagre-review, gusto ko lang talaga ulitin ang pagbabasa at para na rin hindi ako pag-initan ng class president naming insecure na insecure sa galing ko. Ingit na ingit siya sa 'kin at hindi matanggap na ang lalaking kagaya ko natalo ang babaeng gaya niya.
Pero mukang walang talab ang pagbabasa ko ng notes, napapikit na lang ako ng makita ko ang malapad niyang katawan sa harap ko.
"Pinagt-tripan mo ba si Ayna?" tanong niya.
Mabilis akong umiling. "Paki ko naman kay Ayna, sino ba 'yon?"
"Pwede ba Rogan, sa kanya ka nakatingin habang tuwang-tuwa 'tong mga kaibigan mo."
"Malay mo naman napatingin lang," dipensa ko pero syempre hindi niya tatanggapin 'yon.
"Oh please. . . halata ka masyado. Kanina pa kita tinitignan—."
"Bakit mo ko tinitignan?" putol ko sa sasabihin niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Huli ka pero hindi kulong.
"Dahil nga maingay kayo." Bahagyang tumaas ang boses niya.
"Sabi mo kanina pa. Ibig sabihin bago pa man kami mag-ingay." Narinig ko ang mahinang pagsipol ng mga kaibigan ko. "Tinititigan mo ba ko?"
"Ang kapal mo Rogan. Alam kong gwapo ka pero hindi kita type."
"Alam mong gwapo ako?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Sinara ko ang notes na hawak ko at sumandal. "Huli ka na Ms. President. Nagagwapuhan ka sa 'kin tapos nakatitig ka pa. Edi type mo nga ako."
Mabilis siyang inasar ng mga kaibigan ko. Halatang hindi siya natuwa pero hindi pa rin niya naiwasang pamulahan ng muka. Malakas akong napatawa dahil sa itsura niya.
BINABASA MO ANG
Ever After #5: No Beauty Just Beastly
General FictionHermosa was born with genetic condition Hypertrichosis or over growth of hair. Dahil dito maging sariling pamilya niya ay iniiwasan sya at pinili nalang itago siya sa madla. Halimaw sa paningin ng iba at sa sarili niya nabuhay siyang takot sa panghu...