Chapter 01

15 0 0
                                    

Chapter 01

"Milo, sa tingin mo, ano kayang klaseng kinabukasan ang mayroon tayo?"

Saglit akong napatigil sa pagsusulat ng pangalan ko sa papel nang marinig ko ang pagsasalita ni Juniper mula sa tabi ko. Inilipat ko ang tingin ng aking mga mata sa kanya habang bahagya namang nakakunot ang pagitan ng dalawa kong kilay.

Bumungad sa akin ang itsura niyang diretso ang tingin sa akin habang nakapatong ang kanang bahagi ng kanyang mukha sa dalawang braso niyang nasa ibabaw ng lamesa na mistulang naging unan niya sa mga sandaling ito.

Nagtatakha akong napatingin sa kanya nang may mapansin ako. "Akala ko sumama ka kila Jian na pumunta ng canteen? Hindi ka mag-rerecess? Nakabili ka na ba? O pinagbaunan ka ni Tita?" sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya habang hindi ko pa rin nasasagot ang tanong niya.

Bahagya akong lumapit sa kanya upang ilagay sa likuran ng kanyang kaliwang tainga ang ilang mga hibla ng mga buhok niya na humaharang sa kanyang mukha.

"Hindi na ako sumama kay Jian na mag-recess kasi hindi ka pa naman tapos diyan sa ginagawa mo. Sasabay na lang ako sa'yo, saka may baon din akong tinapay kahit hindi na tayo pumunta sa canteen para bumili," nakanguso niyang pagpapaliwanag sa akin habang inilalayo ko na ang aking sarili mula sa kanya matapos kong maialis ang ilang hibla ng mga buhok na nagiging sagabal sa pagtitig sa kanyang mukha.

"Kaya bilisan mo na riyan para makapag-recess na tayo!"

"Mauna ka na lang kaya na kumain para hindi ka malipasan nang gutom, June. Baka kasi matagal pa ako rito na matapos sa ginagawa ko."

Agad naman akong napakunot nang marinig ko ang sinabi niya. "Ayoko nga, gusto ko sabay tayo saka hindi pa naman ako gutom, eh. Gusto mo ba na pakopyahin na lang kita ng sagot para matapos ka na?" wika niya, bago niya ipakita sa akin ang paborito niyang ngiti na lalong nagpapataba sa kanyang pisngi. Juniper's tight-lipped smile.

Ilang beses akong umiling mula sa kanyang sinabi sa akin. "Kokopyahin mo lang naman ang sagot para hindi ka na mahirapan sa kakaisip ng isasagot mo sa mga tanong, tapos kapag nakonsensya ka, eh 'di baguhin mo na lang nang kaunti para hindi halata," pangungumbinsi niya pa sa akin, mahina rin siyang napatawa nang mapagtanto niya ang kanyang tinuran.

Sinamaan ko naman siya nang tingin. "Sige na, mauna ka na kumain, June. Bawal ka malipasan ng gutom, 'di ba? Lagot ka kay Ate Jude kapag sumakit na naman ang tiyan mo," mahinahon kong sabi habang tinitingnan ko siya nang mabuti.

Napansin ko naman ang pagkasimangot niya nang marinig niya ang sinabi ko. Matapos no'n ay inayos niya ang kanyang pagkakaupo, gayundin ang suot niyang palda na bahagya yatang nagusot mula sa pagkakaupo niya, pati na rin ang pagkakaayos ng mahaba at kulay kape niyang buhok. Nahagip naman ng mata ko ang paggalaw ng kanang kamay niya papunta sa kanyang gilid.

"Oh, kumain ka na rin habang nagsasagot ka, Ming." Gulat akong napatingin sa hawak niyang dalawang pack ng Presto na kinuha niya siguro sa bulsa ng kanyang palda. Ibinigay niya sa akin ang isang pack, habang ang isa naman ay binuksan na niya upang makakain na siya.

Sinimulan ko na rin na kainin ang ibinigay niyang biscuit saka ko ibinalik muli ang aking atensyon sa pagsasagot. Habang nag-iisip sa isusulat ko sa papel ay hindi ko naman napigilan ang aking mga labi na hindi mapangiti dahil kay Juniper. Napailing na lamang ako bago muling magpokus sa aking gagawin.

Dalawa o limang minuto pa lang yata ang nakakalipas sa mga sandaling ito nang marinig ko ang pagtawag ni June sa aking pangalan na naging dahilan upang maialis ko muli ang aking atensyon sa sinasagutan ko.

"Milo."

Mabilis kong tinapos muna ang pagsusulat ko sa isang salita sa papel bago ako lumingon sa gawi ni June. "Hmm?" I softened the expression on my face while looking at her, and gently raising both of my brows.

What Kind of FutureWhere stories live. Discover now