Chapter 04
The strange feeling that rose up when I was nine remained for a long time, until now that I'm already in my teenage years, it still hasn't been erased from me, and it also seems to get intense with each passing day, to the point that I can no longer imagine her not being by my side every time I think about my future.
"Milo! Milo Francisco Gonzales! May nagkakagusto na naman sa kapatid ko!"
Agad naman na sumama ang timpla ng mukha ko nang biglang gumalaw ang table na nagpagulo sa sulat ko. Inangat ko ang tingin ng mga mata ko sa taong nakaupo sa harapan ko, nakahawak ang mga kamay niya sa gilid ng table.
"Umamin ba sa kanya?"
Nakita ko naman ang pag-iling ng mukha niya. "Hindi... Hindi pa," sabi niya.
"Eh, paano mo nalaman na may nagkakagusto na naman sa kanya?" Nagtaas ako ng kilay habang hinihintay ang isasagot niya. "How did you know?" pag-uulit ko pa.
Ibinuka niya ang kanyang bibig na agad niya rin isinara. His eyes looked up, then quickly shifted to the other sides, as if he was thinking something and avoiding to meet my eyes.
Hinawakan ng isa niyang kamay ang kanyang batok. Tumingin siya sa akin na para bang hindi pa siya sigurado kung titingin siya o hindi. "Ah, I think it's because of our Twin Telepathy... Twin Radar, kaya nalaman ko?" walang kwenta niyang sabi.
Dalawang minuto akong nakipagtitigan sa kanya bago ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi ko pinansin ang presensya niya upang makatapos na sa ginagawa ko kahit pa ilang ulit na niyang tinatawag ang pangalan ko. Napapasinghal na lamang ako sa tuwing kinakalabit niya ang kamay kong nagsusulat.
Normal lang naman na maraming magkagusto kay Juniper, hindi na kataka-taka ang bagay na iyon.
"Milo!"
"Milo!"
"Oy, Milo. Pakinggan mo naman ako!"
Imbis na ako ang magsalita para kausapin si Silas na nagmamakaawa na yata sa harapan ko, boses ni Liam ang pumansin sa kanya.
Natatawang wika niya kay Silas, "Ginugulo mo na naman si Francisco! Kapag tuluyang naubos ang pasensya niya sa'yo, hindi kita tutulungan, huh? Kakalimutan ko muna na kaibigan din kita."
"Ah, talaga ba? Ikinagaling mo na iyon? Bibigyan na ba kita ng medal?"
Mula sa sinabi ni Silas, tuluyan na silang nag-asaran sa harapan ko. Pinipilit ko ang sarili ko na kumalma at magpokus sa sinasagutan ko. Ilang minuto rin ang itinagal ng pag-aasaran nila bago sila tumigil, buti nga hindi nauwi sa puntong may mapipikon na isa sa kanila kasi sa tuwing nag-aasaran sila may posibilidad na may uuwing pikon.
Parehas kasi silang mahilig na magsimula ng asaran tapos sa huli ay sila rin ang mapipikon!
"Bakit mo ba ginugulo kanina si Francisco?" tanong ni Liam.
"Eh kasi naman, may nagkakagusto na naman kay Kambal! Saan ba kasi pinaglihi ni Mommy si Juniper na umabot sa puntong maraming natatamaan sa kanya?"
Liam teased, then slightly bumped the side of my shoulder, "Tipong pati si Francisco hindi nakaligtas." Agad naman na sumang-ayon ang kausap niya na sinabayan pa nito ng mahinang pagtawa, saglit naman akong napatigil sa pagsusulat sa survey questionnaire na binigay sa akin ng isa naming kaklase.
"Tumpak ka! Tapos hanggang ngayon na Grade 10 na tayo, hindi pa rin siya umaamin kay kambal! Napakatorpe ng bestfriend mo, Liam Morales! Bakit mo ba siya naging bestfriend, huh?!"
"Tanga, bestfriend mo rin siya!"
Sumunod naman na nangyari ay sabay pa silang napahagalpak sa tawa. Hindi naman siguro nila nakakalimutan na nasa harapan ko sila? Na naririnig ko ang mga sinasabi nila tungkol sa akin?
YOU ARE READING
What Kind of Future
RomanceMilo Francisco Gonzales and Juniper Bernardo started to envision the future they thought they'd have. At first, they thought their future will just be fine, and they'll live happily ever after just like what happened most in fairytale stories, but...