Chapter 03
I was utterly enchanted by the beauty of the sunrise, the setting sun, as well as the moon and stars, who are gleaming infinitely in front of my eyes, filling my chest with warmth at the same time.
As long as I can remember, I was around nine years old when I conclusively realized something that eventually made a drastic change within myself.
"Milo, may crush ka ba?"
"Huh?"
"O baka naman may crush ka kay kambal?"
Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Silas. My brows furrowed as I looked at him, kung anu-anong bagay na naman ang pumapasok sa isip niya!
"What are you talking about?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Napansin ko naman sa sarili ko na kaunti na lang ay magsasalubong na ang kilay ko.
Silas stopped from walking, still biting the end of the straw from the Chuckie that Mama had given him earlier. Tuwing pupunta sila ni Juniper sa bahay namin, lagi niyang pinupuntirya ang Chuckie na para talaga sa bunso kong kapatid. Kaya minsan bago pa mainom ng kapatid ko iyon ay siya na ang nakaubos na pinapabayaan naman ni Mama.
"May crush ka nga ba? Hm?"
Iritable kong tiningnan si Silas.
"Iyong kaklase ba natin na mahilig umiyak kapag iniiwan siya ng Mama niya sa school? O baka naman yung kapitbahay mo na mahilig kumaway at tawagin ka tuwing lumalabas ka?"
"No! And to burst your bubble, I don't have a crush."
"Bakit wala kang crush?"
"Kasi wala," I said, plainly.
"Eh, bakit naman wala? Normal lang naman daw na magka-crush sabi ni Mommy."
Both of my brows rose up.
"Ako nga, may crush sa anak ng friend ni Mommy na laging pumupunta sa bahay namin!" He looked so proud while saying that to me, tumataas-taas pa ang mga kilay nito.
"Ipapakilala ko siya sa'yo! Para makita mo siya!"
"No need to do that, Silas," wika ko sa kanya na tila hindi niya pinakinggan dahil tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsasalita.
Itinigil niya ang pagkagat sa straw, at inilayo mula sa kanya. "Sobrang cute niya! There was always a ribbon in her hair, and she also wore a dress every time she came to our house!" he uttered, as he gestured with his hand where the ribbon is placed on the head, and how long the dress he is referring to.
"She loves cupcakes, na isa naman sa mga ayaw kong kainin." Napansin ko naman ang pag-nguso niya, at ang pagkagat niya muli sa straw na nasa Chuckie.
Napangiwi naman ako sa sunod niyang sinabi. "Pero tinuturuan ko na ang sarili ko na kahiligan ang cupcakes para sa susunod na pagpunta niya sa bahay, ay hindi lang si Kambal ang kasabay niya sa pagkain no'n!"
Mahinang napatawa pa siya mula sa sinabi niya. Hindi na maipinta sa isipan ko ang ekspresyon na nasa mukha ko sa mga sandaling ito. Too cheesy for an eight year old kid like him.
"Should you really tell me that kind of stuff?"
He lifted his gaze to meet my eyes. "Oo naman! Best Friends Forever kaya tayo!" wika niya, para bang handa na siyang makipag-away dahil sa tono ng kanyang boses.
"And... who told you that?"
He pointed his index finger at himself. "Ako! Kaya lahat ng tungkol sa akin ay dapat malaman mo, kunyari ung favorite number ko sa electric fan o kaya naman ung favorite flavor ko sa KrimStix!"
YOU ARE READING
What Kind of Future
RomanceMilo Francisco Gonzales and Juniper Bernardo started to envision the future they thought they'd have. At first, they thought their future will just be fine, and they'll live happily ever after just like what happened most in fairytale stories, but...