Chapter 3

78 8 0
                                    

Flashback:  3 YEARS AGO

"Sorry babe. I send the wrong link."
Napaupo ako sa sahig ng mabasa ang message ni Mr. Ferrari.

Anong gagawin ko? Sana naman hindi magreport ang lalaking iyon. Paano kapag ni record ang vedio na yun tapos makakalat sa mga porn site?Ano nang gagawin ko! Bakit ba kasi mali ang nasend na link? Paano nagkamali si Mr. Ferrari?

Halos maubos ang kuku na ko sa kamay ng paulit-ulit ko itong kagatin. Ang daming tanong sa isipan ko na hindi ko alam kung saan ko makukuha ang sagot.

Kinuha ko ang cellphone ng tumunog ito uli. Nanginginig parin ang kamay kong pinindot ang message.

From: 09***********

Meet me in ******"

Nakaramdam ako agad ng kaba kahit pa hindi ko alam kung sino ang nagmessage nito. Eh bloblock ko na sana ng mag message ito ulit.

From: 09**********

Huwag mo akong subukan kid. I know the info about you.

Wala akong magawa kundi ang sundin ang gusto nito. Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa sinabing lugar ng unknown na ka meet ko.

Hindi naman pala ganon kasama tulad ng iniisip ko ang taong nakikipag meet saakin ngayon. Akala ko kasi isa sa mga hotel or club ako nito papupuntahin. Sa isang coffee shop lang pala.

Pagpasok ko nagtaka ako ng dalawang tao lang ang customer dito. Baka mali ako ng napuntahan?

Aalis na sana ako ng may biglang humarang sa harap ko. Isang matandang babae ito. Ngumiti ito saakin kaya ngumiti din ako pero nawala ang ngiti ko ng makita ang ID na suot nito.

     *Picture*
Sheryl Mae Actan
        DSWD

Shit!!!!!

Dali-dali kong inihakbang ang mga paa ko paalis pero may biglang humila saakin. Napakabilis ng pangyayari at namalayan ko na lang na nakaupo na ako at kaharap ko na ang matandang Sheryl na ito at ang lalaking humila saakin na hindi ko kilala.

"Ano pong kailangan niyo saakin?" Tanong ko sa mga ito.

"Iha. I  am sheryl---"

"Nabasa ko na po ang ID niyo." sagot ko dito.

Tumahimik naman ang matanda at hinarap ang lalaking nasa mga 25 pataas ang gulang.

"Well. Miss?" Tanong ng lalaki saakin.

Hindi ko ito sinagot. Wala akong balak sagutin ito lalo na't may kasama itong nagtatrabaho sa DSWD.

Napailing ito at kinuha ang envelope na naka patong sa lamesa. Dinukot nito ang laman ng envelop saka inihagis sa lamesa.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang litrato ko na nakahubot hubad. Ito yung kahapon kung saan mali ang link na nabuksan ko.

Nanginginig ang kamay kong pinunit ito agad sa harapan nito saka inilagay sa bag na dala ko. Nilibot ko agad ang paningin sa paligid baka kasi may nakakita.

"Nakakapraning diba? Well sumama kana sa babaeng ito." Napalingun ako sa lalaki ng itinuro nito ang matanda na katabi nito ng upuan.

"Ayoko!" pagmamatigas ko dito.

"Iha. Matutulugan ka namin sa problema mo at - - -" Pinutol ko agad ang sasabihin ng matanda.

"Wala akong problema! Sino ba kayo para makialam sa buhay ko?"

 Wrong Link Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon