Mama
May 10, 12:21 am
Ko dumaan kayo sa tindahan diyan
Bilhan nyo ng toothbrush si Iris
Dito pinatutulog ng mama niya
12:24 am
Hala weh?
Totoo ba yan ma
Oo nga
Ok na sa damit, pahiramin nyo na lang
May shampoo na rin daw siya gawa nang naligo kayo kanina
Ok ok bili kami ni ate
Siya muna pagbayarin ko wala 'kong dalang extra hehe
Pero ma ba't daw pinapatulog sa'tin?
Ano ka ba syempre umuulan
Tsaka gabing-gabi na
Umuwi na rin kayo pagkatapos dyan
Ah okay okay
Sige na ma andar na kami
Mag-ingat kayo
No prob 👍
[Twitter]
Ko @kokawano
Sunod-sunod na biyaya 🙏
Ko @kokawano
Sarap talaga maging ako
Ko @kokawano
Anyway ano bang pinakamahal na toothbrush dito???
Apple Girl
May 10, 12:39 am
Iris
ko!!
saan ka na? ☹️
Lapit na kami
Pero pinadaan kami ni mama sa tindahan
Anong toothbrush gamit mo?
Pinabili ako ni mama
Sa bahay ka raw matutulog sabi niya
yesh
i hope it's okay 🥺 hindi naman me malikot matulog
Ayos na ayos lang yun
Eh ano ngang ginagamit mong toothbrush?
oh i use an electric one
but anything with soft bristles is fine
mabilis kasi magsugat gums ko :(
Sige sige
Hanap ako niyan
May dala nga pala kaming donut
May gusto ka ba ipabili? Pumipili pa naman ng chichirya si ate
Ipasabay ko na lang
wala na
just go home 🥺
Hahaha miss mo na ulit ako?
yesh i do
can i get a hug later?
Sus yun lang?
Kahit ilan pa
yay 🥺
Halik gusto mo rin?
😣
Hala
Hindi tinanggi
😔
Hahaha
Sige kiss din mamaya
:(
Wag na malungkot
Kahit hindi mo naman sabihin
Alam ko na yun
okie 😔
thank you
drive safely, okay?
Lagi naman
good 🥺
