Mama
May 10, 5:32 pm
MAMA
MAMA SAN KA
5:34 pm
Oh?
SI IRIS MA
SA ISBA SIYA NAG-AARAL
Talaga?
OO MA
E di dun ka na lilipat?
Di ba top choice mo yan
OO HEHEHE
Swerte
Si Iris ba girlfriend mo na?
Hindi pa ma
Pero sana
Anong sana?
Sana matuloy
Gusto niya din daw ako eh 😭
Halata ko naman
Akala ko nga kayo na eh
Bawat kausap ko ba naman sa'yo puro Iris lang bukambibig mo
Hehe ganun talaga
Ang ganda niya ma 'no?
Oo naman
Bagay kayong dalawa
Siyempre 😌
Hahaha
Oh siya di ba oras na ng trabaho mo?
Ba't nakikipag-chat ka pa
Binalitaan lang kita ma
Excited na 'ko mag-transfer
Sakto dun pa siya nag-aaral
Pero secret lang muna, surprise ko na lang sa kaniya hehe
Tadhana na talaga 'to ma
Ilang apo gusto mo?
Okay na 'ko sa isa
Baka mabigla ka
HAHAHA
No problem 😌
Magtrabaho ka na bago ka magpakasal
Mag-iipon ka pa ng pang-Maynila mo
Wag mo iasa sa ate mo lahat
Marami ring gastusin ang isang yun
Ito naman ma, nasingitan pa ng sermon
Tatrabaho na nga me
Sige pakabait ka diyan
👍
Chan
May 10, 6:03 pm
San ka?
6:08 pm
Tapos ka na magsungit?
May dinaanan lang ako
Male-late akong konti
Sensya na ✌️
Pabili namang napkin oh
Wow
Ano bang brand gamit mo
Kahit ano basta yung overnight na may wings
Geh
Mga 6:20 diyan na 'ko
Dami bang tao?
Oo
Tinataguan ko nga yung isang foreigner
Sakit na nga ng puson ko mag-eenglish pa 'ko
Hahaha
Sila Angge na lang muna papuntahin mo
Ay andar na daw pala kami
Oks
Salamat
Apple Girl
May 10, 6:23 pm
Iris
hi ko!
Kumain na kayo?
oh not yet
why?
La lang
Anong ginagawa mo?
just in bed
we're waiting for dad
ang tagal niya sa cr :(
i'm hungryy
Hahaha
Ay oo nga pala
Wala ka nang apple na snack
yeah 😔
i have strawberries though
from mommy
but i like apples more
Sige, mamaya bili tayong madami
oki
isn't it busy there?
Busy
Pero naka-break ako
Sakit kasi ng puson ko
oh do you have your period?
Oo
hmm i like using a hot compress
Wala dito eh ☹️
nakainom ka na ng medicine?
drink lots of water too
or use like an essential oil on your tummy
Hanap ako dito kung meron
okay i hope they have it
you should lie down too :<
Oo nakahiga na 'ko sa sahig dito sa likod
Naglatag lang ako ng twalya
oki good
stay there muna
now i wish we went there for dinner :<
para i can help you
Ayos lang naman
Mawawala din 'to
6:31 pm
Iris sent a voice message.
Ano yan?
listen to it hehe
6:32 pm
Ang ganda ng boses mo
thank you 🥺
Gumaan pakiramdam ko
Salamat
no problem ❤️
rest well
tell me if hindi mo pa kaya later
it's okay with me
Kaya yan
Lalabas tayo mamaya
oki oki
pero if hindi pa kaya
you'll tell me?
Sige
Sasabihin ko
good :>
we're leaving na daw
i think we're eating steak
oh talk to you later na lang pala ko
No phones daw muna sabi ni mommy :<
Haha sige enjoy kayo
Message mo 'ko mamaya?
yep!
bye bye 🍎🌙
Haha bye Iris 🍎🌙
