Prologue

19.3K 272 15
                                    

Tumingin ako sa orasan na nasa dingding. Isang oras nalang. Isang oras nalang ay matatapos na ako sa trabaho ko. May papalapit na sa akin mamaya. Kanda ugaga ako sa pag-aayos ng mga aytems. Ilang taon na ako sa trabaho ko dito sa isang convenience store at bihasa na ako sa trabaho. Dito na ako nabuhay at nakapag-ipon ng paggastos sa pag-aral. Hindi naman ako matalino kaya hindi ako nakakuha ng scholarship.

Hinalera ko ng maayos ang carts. Yung ibang customers kasi ay hindi marunong umayos ng cart. Basta nalang sila kukuha ng cart at kapag hindi na gumagamit ay wala na. Hindi na nila inaayos.

"Maiarie hindi ka pa ba uuwi? Nandito na si Joey."

Tumango ako kay ate Layla. Isa din siyang klerk dito sa tindahan. Matanda siya sa akin ng limang taon kaya ganun nalang ang paggalang ko sa kanya.

Inayos ko ang uniporme ko at pagkatapos kong ayusin yung carts ay iniwan ko na ito. Si ate Layla ay siya na ang bahala. Kahera din siya sa tindahan na ito. Tig-dalawang kahera kada araw o gabi dahil minsan ay nahihirapan yung isang kahera kaya dalawa na kada araw at gabi.

Hindi ko tinanggap ang pagiging kahera dahil natatakot ako sa pag-hawak ng pera na hindi akin. Hindi ako nagnananakaw ng pera o kahit anong materyal, pero ayoko lang na sa akin magalit yung head namin kapag may nawalang pera. Wala pa namang may nangyaring ganun pero sana ay hindi mangyari. Ayoko na madamay sa trabaho. Ayokong matanggalan ng trabaho. Mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Kung hindi ka talaga graduate sa kolehiyo ay hindi makakahanap agad.

Nagbihis muna ako. Dinala ko ang bag ko pagkatapos kong magbihis.

"Aalis na ako ate. Kita nalang tayo bukas ha." Paalam ko kay ate Layla.

Napasulyap si ate Layla sa akin. "Hala ingat. Bukas nalang ulit."

Ngumiti ako sa kanya at lumabas na ako ng tindahan. Kinuha ko ang second hand kong bisekleta sa gilid. Itong bisekleta na'to ay ang nagiging paa ko kapag umaalis ako. Medyo malayo kasi ang tirahan ko at trabaho ko, pati na rin ang unibersidad na pinapasukan ko.

Sa kapitbahay ko lang ito binili. Hindi na kasi nagagamit ng anak na lalaki dahil may binili ng motor. Kaya sinalo ko nalang sa two thousand five hundred pesos. Pinilit ko nalang ang sarili ko noon na bumili dahil kailangan ko talaga, kaysa sa sumakay ako ng taxi o maglakad. Natatakot akong maglakad na dahil sa kasong rape sa lugar namin.

Pagkarating ko sa bahay ay sinilid ko ang bisekleta ko sa loob ng bahay. Ninanakaw din ito kahit hindi masyadong kagandahan. Yung mga tao dito ay hindi talaga mapagkakatiwalaan.

Dinoble ko ang lock sa pinto. Binuksan ko ang light bulb na nasa kisame.

Nagluto ako ng makakain ko. Tapos ay hinayaan ko lang muna ang higasan sa lababo. Bukas ko na yun huhugasan dahil pagod na ako. Gusto ko ng matulog.

Isang malakas na ugong ang nagpagising sa pagtulog ko. Pagkadinig ko ng ugong na yun ay ganun din ang paggising ng diwa ko. Napabuntong hininga ako. Yung ugong ng tren ang siyang alarm ko kapag umaga na.

Bumangon na ako at nag-salong ng tubig sa may gripo gamit ang malaki kong timba. May malaking timba ako para sa tubig. Minsan kasi ay napuputulan ng tubig dito sa zone namin. Ang hirap dito sa squatter area ay para kaming daga na habol ng habol sa grasya.

Kaya ang wais kong ideya ay bumili ako ng timba. Tatlong timba sa kusina at tatlo naman sa banyo.

Mabilis akong kumilos para makaalis na ako at pumasok na sa trabaho. Summer break ngayon kaya wala kaming pasok. Ilang buwan nalang ang hihintayin ko at graduate na.

Ang dami kong plano sa buhay. Una kong gagawin kapag makapagtapos ako ay maghanap ng matutuluyan. Yung malayo dito sa squatter. Ayoko na dito. Kaya naman ako nandito dahil wala akong matutuluyan.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon