Chapter 19

6K 125 1
                                    

Habang naghihintay ako kay Phoebian ay inabala ko muna ang sarili ko sa pagtatapos ng report ko para bukas. Kunti nalang ang tatapusin ko dahil sinimulan ko ito kanina pa. Nasa tabi ako ng bintana at saktong patunghay na ako sa labas nang makita ko yung black SUV niya. Inayos ko agad ang sarili bago ako lumabas ng kwarto.

May siniksik akong pera sa jeans ko kung sakali man may gusto akong bilhin. Sa mansyon lang kami pupunta. Inaya kami ni Lola Gracia sa dinner. Ewan ko kung nandun si Phinneas. Hindi ko siya close pero kinakabahan ako kung nakikita ko siya dahil ang sungit niya. Dumidistansya lang ako sa kanya dahil ayaw ko na sungitan niya ako. Si Phoebian nga dati ay dumidistansya ako pero siya naman ang dikit ng dikit sakin.

Kaya nabuo yung relasyon namin dahil sa kanya. Nagpapasalamat ako dahil siya ang naging boyfriend ko. At least may experience na ako.

"Hi." Bungad niya sakin.

"Aalis na ba tayo?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yeah. Abuela called, she's waiting for us."

"Tara na. Baka maghintay pa yun lalo sa atin." Pag-akay ko sa kanya. Sinara ko muna ang gate ng apartment.

Inakbayan ako ni Phoebian papunta sa SUV niya. Pinagbuksan ako ng pinto, ngiti lang ang sinukli ko sa kanya. Tinulungan niya ako na kabitin ang seatbelt sakin kahit hindi naman importante na kabitin niya yun dahil alam ko naman. Ngumiti ako ng pilit kay Phoebian. Para akong bata na tinuturuan niyang kabitin yung seatbelt. Alam kong over protective siya sakin. Gusto ko yung side niya yun dahil alam ko na mahal talaga niya ako. Nararamdaman ko talaga.

Bago kami nakapasok sa mansyon nila ay sinulyapan ko muna si Phoebian. Buti nalang at hindi siya nakatingin sa akin, minamanobra kasi ang sasakyan niya. Tinignan ko ang suot niya, simple lang ang suot niya pero alam ko na sa simple niyang suot, mamahalin pala. Lahat ng brand na damit niya ay mamahalin. Nasa million yung suot niya kada araw. Mula sa damit na suot, hanggang sa relo at sapatos at pabango.

Nakakapanliit pero siya yung nagbibigay sakin ng confidence araw-araw na huwag daw akong mabahala na may boyfriend akong mayaman. Never niya akong pinanliitan at pinahiya. Kapag may party ay minsan na niya akong iniimbenta pero tumatanggi ako dahil para sa mga upper class ang party na palagi niyang pinupuntahan. Kung minsan ay hindi siya umaattend kung hindi naman related sa business yung party yung pupuntahan niya. Yung CFO at COO niya ang pinapaattend kapag ayaw niya.

Hindi ko tinanong kay Phoebian kung maayos yung suot ko. Nakakahiyang magtanong sa kanya. Pero yung suot ko ay wide leg jeans naman na hanggang sa bukong at puting printed tshirts na naka-tucked in sa jeans. At puting sneakers. Simpleng makeup lang ang linagay ko sa mukha ko.

Nagpasalamat ako ulit kay Phoebian nang pagbuksan niya ako ng pinto. Hinapit niya ako sa bewang. Nabangga ng balikat ko ang matigas niyang dibdib. Napahawak naman ako sa braso niya. Sinalubong kami ni Aling Lupe sa pintuan dahil siya na ang nagbukas nun sa amin.

"Si Abuela, Nana?" Si Phoebian nang makapasok kami sa loob ng mansyon.

"Nasa hapag na at kanina pa kayo hinihintay. Sa sobrang excited ng Abuela mo ay umupo na agad siya sa hapag. Pumaroon nalang kayo dahil kanina pa kayo hinihintay. At baka lumamig na rin ang pagkain."

Tumango kami ni Phoebian kay Aling Lupe. Hawak-kamay kaming pumasok ni Phoebian sa engrande nilang dining room. May malaki at maliwanag na chandelier sa gitna ng kisame nito.

Agad kong nakita si Lola Gracia na prenteng nakaupo sa pwesto niya sa kabilang dulo ng lamesa. Pagkakita sa amin ay nagliwanag ang kanyang mukha at napatayo din.

"Finally! You came! Kanina ko pa kayo hinihintay."

"It's nearly six p.m Abuela, it's too early to have dinner." Humalik si Phoebian sa pisngi ng kanyang Abuela. Ako naman ay nagmano sa kanya gaya ng ginagawa ko noon pa man.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon