Napakurap ako. Nakatingin ako sa kanyang mukha na nakakunot. Pareho kaming dalawa na hindi nagkakaiwasan ng tingin.
Ganun nalang ang pagkamangha ko nang masuri ang kanyang mukha. Makinis ito at parang alagang-alaga. Maputi at para siyang may suot na blushes. Napansin ko ang haba ng kanyang pilikmata. Ang kutis ng kanyang balat at parang sarap haplusin.
Napalunok ako ng laway. Nag-iwas ako ng tingin at binawi ang sarili mula sa nakakalunod na tingin niya. Bakit hindi niya ako binitawan agad? Parang napaso siya sa akin dahil agad niya akong binitawan. Mabuti at nabalanse ko ang sarili ng mabitawan niya ako.
Tumikhim siya at tumuwid ng tayo. Lumayo siya sa akin mga apat na metro ang layo mula sa akin. "This your money. Pwede ka ng umalis." Sabi at tinapon yung puting sobre sa akin. Nasalo ko agad yun. Hindi ko pinalampasan yung pagsama ng tingin sa kanya. Ang yabang talaga, at nagtapon pa ng pera na parang barya lang yun sa kanya.
"And I will expect your presence next Saturday. Be on time and don't be late."
Paalis na ako nang maghabol siya ng salita. Napatigil ako pero hindi ako lumingon. Mabilis din ako agad na pumasok sa elevator nang makalabas ako sa penthouse ni Phoebian.
Yung sobre ay binuksan ko nang makauwi ako sa bahay. Binilang ko yung pera at hindi ako makapaniwala dahil sa laki ng halaga nito. Napaupo ako sa higaan ko. Dalawang oras lang ang tinagal ko sa paglilinis pero malaki ang binayad niya sa akin.
"Ten thousand. Ang laking halaga naman nito." Bulong ko sa sarili. Para akong tanga na paulit-ulit binibilang ang sampung libo na blue bills.
Naisip ko na sa ganitong halaga ay pwede na akong makabili ng kakailanganin ko sa paaralan. Makakadagdag na ito sa allowance ko. At sabi ni Phoebian ay umaasa siyang babalik ako sa susunod na Sabado. Kung do'n ako magtratrabaho ay hindi ako masyadong mapapagod. Magiging pokus pa ako sa pag-aaral. Pero iniisip ko rin na baka hindi yun permanente. Paano kung hindi na niya ako pabalikin sa paglilinis niya sa penthouse, tapos matanggalan pa ako ng trabaho sa convenience store? Paano nalang ang panggastos ko sa araw-araw?
Ang dami kong iniisip na mga consequences.
Lahat ng mga iniisip ko ay pinahinga ko. Salamat nalang kay Phoebian sa pera. Malaking tulong na yun sa akin. Kahit kabahan ako sa pagpunta sa penthouse niya ay pupunta pa rin ako. Siya na mismo ang nagsabi na aasahan niya ang presensya ko. Nakatulog agad ako dahil sa pagod.
Kada Sabado ng gabi ay pumupunta ako sa kay Phoebian para maglinis. Kung dati ay umaabot ako ng dalawang oras, sa mga sumunod na Sabado ay hindi na. Alam ko na rin yung address niya kaya hindi na ako pinupuntahan ni manong. Pero hindi pa rin mawawala ang pagkailang ko dahil palagi siyang nakabantay sa akin. Minsan ay nasa living area siya at nagbabasa ng magazine o di kaya ay manunuod ng programang ng mga taga-ibang nasyon.
Sa ika-apat kong pagpunta sa penthouse niya, palaging naka-sunod ang mga mata niya sa akin. Ako yung naiilang sa kanya palagi. Hindi manlang siya nag-iiwas ng tingin kung naabutan ko siya.
Isang Linggo na rin pala at malapit na ang pasukan. May isang Linggo nalang ako sa summer vacation ko. Masuwerte ang ibang estudyante na hindi kumakayod para mabuhay dahil nakakapagrelax sila. Ako, palagi kong iniisip kung paano ko maitatawid ang buong taon ko sa pagtratrabaho sa gabi at pag-aaral sa umaga. Fourth year na ako at sanay naman ako. Naiintindihan yun ng mga co-workers ko. Pero kasi, minsan ay hindi yun healthy. Hindi nga ako nadadagdagan ng timbang dahil sa trabaho dito, trabaho doon.
Ewan ko nalang kung maaga akong mamatay nito. Bahala nalang.
Ng mag-Linggo ay maaga akong pumunta kina Lola Gracia. Alas sais palang ay nasa labas na ako ng gate. Pinapasok ako ni manong guard. Hinanap ko agad si Aling Lupe sa dirty kitchen kung nandoon siya. Laking pasalamat ko at nakita ko siyang naghahanda ng almusal.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Любовные романы(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...