Mabagal ang takbo ng bus papunta sa apartment na inuupahan ko sa Manila. Nakarating na kami sa Luzon, bandang alas singko ng hapon kami sumakay sa eroplano at nakarating din kami ng ligtas. Maulap kasi ang lagay sa langit kaya natakot ako sa pag-undol ng eroplano. Kung maaliwalas lang ang langit ay hindi relax lang sana ako sa buong byahe.
"Maia, bababa na tayo." Napatingin ako kay Harry nang kalabitin niya ako.
Nilingat ko ang aking tingin. Nasa harap na kami ng malaking building kung saan ako nangungupahan. Yung bayad ko sa upa ay through app ako nagbabayad. May apps naman ngayon kung saan pwede kang bumayad para mapadali ang pagbayad ng upa.
"Okay." Kinuha ko ang bagpack ko at sinukbit sa kabilang balikat, nauna sa akin si Harry na bumaba.
"Saang floor ka?" tanong ni Harry nang makapasok kami sa building.
"23rd floor ang apartment ko." sagot ko.
"Huh? Wala bang elevator dito?" Gulat niyang tanong, ako hindi na ako magugulat dahil noon pa man ay sira-sira yung mga elevator dito sa building na'to. Pero naayos naman minsan dahil ang daming nagrereklamo na mga tenants.
Umiling ako. "Sira pa yung mga elevator, hindi pa pwedeng gamitin hanggang hindi pa talaga ayos. Akyat nalang tayo sa hagdan para pagdating natin sa apartment ko ay makatulog agad tayo. May pagkain naman tayong dala." Konsenti ko kay Harry.
Nakasimangot siya na unti-unti ding napatango at sumunod sakin paakyat ng hagdan. Kada akyat sa hagdan ay pabigat din ang pakiramdam ko saking mga paa dahil nakakapagod. Pero nag-eexercise naman ako minsan kapag free time ko sa Davao. Siguro isa na'to siguro sa mga exercises ko dahil exercise naman talaga ang pag-akyat ng hagdan.
Hindi ako nakarinig ng reklamo kay Harry. Siguro ay pagod na talaga siya at hindi makareklamo. Nilingon ko siya at nginitian, pagod siyang bumalik ng ngiti.
Nakahinga kami ng sa wakas ay nakarating na kami sa mismong apartment ko, kinuha ko ang susi ng apartment mula sa bulsa ng gilid ng backpack ko. Pinasok ko ang susi at pinihit ang pinto nang mawala ang pagkakandado ng pinto.
"Finally, nandito na rin tayo." So Harry, pinapasok ko agad siya dahil naaawa ako sa itsura niya na anytime ay pwede siyang bumagsak.
Binuksan ko ang ilaw, yung switch ay nasa tabi lang ng pintuan, pagpasok ko ay sumalubong ang init ng pakiramdam sa loob ng apartment.
"Pasensya na Harry iisa lang ang sofa ko, maupo ka muna. Wala akong biniling gamit dahil nasa Davao naman ang buhay ko at minsan lang akong umuuwi dito kaya wala akong pinundar na mga gamit." paliwanag ko, inunahan ko na siya syempre dahil alam kong nagtaka siya kung bakit wala akong ibang gamit sa apartment.
"Ganito din naman ako noong hindi pa ako nasa Davao. Ganun din naman sa probinsya diba, yung inuupahan ko ay wala akong ibang gamit na pinundar dahil halos sa workshop na ako natutulog."
Napangisi ako dahil totoo din ang sinabi niya. Halos buong araw at gabi ay nasa workshop lang siya dahil madami ang ginagawa niya. Ako nga ay kung hindi lang masikip sa opisina ko ay dadalhin ko na yung kama ko para doon na ako matulog, kaya lang ay hindi pwede dahil masikip at hindi nafofold yung kama ko.
"Sandali check ko lang yung mga baon natin para makakain na tayo." sabi ko sa kanya, nagugutom na kasi ako.
Pilit na pinagkasya ni Harry ang katawan niya sa sofa ko na hindi naman siya kasya. "Ikaw nalang muna ang kumain. Gusto ko munang matulog dahil wala pa akong maayos na tulog mula pa kagabi." sabi niya.
O nga pala, magdamag kasi siyang nagtrabaho dahil ang daming gawain sa workshop. Ewan ko lang bukas kapag dumating kami sa isang branch ng Martinee dito kung may dehado din ang pagpunta namin dito.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...