-CHAPTER 3: REQUEST: WORK & WAIT-

71 2 2
                                    

-CHAPTER 3: REQUEST: WORK & WAIT-

-STEPHEN'S POV-

*RIIIIING!*

Hay sa wakas natapos din. Buti naman tumunog na yung bell. Kanina pa ko inip na inip dito eh.

"Okay. Goodbye class!" Nakangiting umalis ang teacher namin.

"Uy ano pare! Panis na ba laway mo?" lumapit sa kin si Allen.

"Muntik na. Mga ilang minuto na lang. Wala kasi yung pinag ti-tripan ko eh."

"Si Louise?"

"Ayieeeh. Baka ma-develop yan."

"Hala? Baliw ka talaga. Malabo yun no. Magkaibang-magkaiba kami." Napaka anghel nun sa bait at sipag mag aral samantalang ako naman saksakan ng tamad. Pangit ang combination namin.

"Malay mo naman. Opposites do attract nga di ba?"

"Ano ito drama sa TV? Gasgas na yun pre!"

"Bakit, pwede naman talaga a."

Ngee...Ang cheesy masyado ni Allen eh "Ay ewan ko sayo Allen. Tara uwi na lang tayo."

"Dimo pupuntahan ang uncle mo?" tanong ni Allen.

"Wala akong pakialam dun. Bayaan mo siya sa buhay niya. The heck like I care."

Hmph! As much as possible, ayaw ko siyang makita.

"Grabe ka naman. Kapamilya mo pa rin yung tao no."

"Simula nung sinira niya ang buhay ko, wala na kong connection sa kanya. Tara na nga bago pa ko may masabing hindi maganda."

--///--

-LOUISE'S POV-

"Yun lang makakauwi na kayo."

"Haaay~ Sa wakas nakatayo din." sabi ni Rea. Nung tapos na ang meeting, nag tayuan at nag alisan na rin yung ibang members. Actually, sumakit din ang likod ko. Medyo matagal-tagal din kaming nakaupo dun sa loob.

Wala namang masyadong ginawa...este sinabi pala...mga plans, future plans lang para sa upcoming activities ng group namin eh ay club pala ay hindi pwede nga yung kanina...HAY! Ano ba yan pa mali-mali na ako. Kasi naman si Stephen eh...Arik talaga yung lalaking yun. >/////<

"Oo nga eh naninigas na katawan ko dito. Ang haba ng speech feeling ko muntik na akong makatulog eh." Nag stretch si Iris ng braso. O parang may susugurin lang siya. Hay nako...parang siga lang si Iris.

"Grabe nga inabot na tayo ng dismissal time natin." Sabi ko sabay tayo sa upuan. "Tara balik na tayo sa room kawawa naman ang mga gamit natin dun."

"Mabuti pa nga. Tara let's~"

Nanguna na si Rea at tuwang-tuwa pa nung lumabas ng room.

"Si Rea talaga o. Naka fangirl mode na ulit. Di ba Iris--"

Hmm? Tulala mode.

"Um...Iris?" Winave ko ang isang kamay ko sa harap ni Iris.

"Ay sorry. May iniisip lang ako. Tara na!" Hinawakan ni Iris ang braso ko saka hinila ako kasama niya palabas ng pinag meetingan naming room.

'Til The Last Rose DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon