-CHAPTER 5: ROSES: RED & WHITE (PART 1)-

46 2 2
                                    

-CHAPTER 5: ROSES: RED & WHITE (PART 1)-

-STEPHEN'S POV-

"Hoy Stephen gumising ka na!" Kung makagising si Allen parang may sunog eh.

"Baaakit baa? Mamayaa naaa..."

"Ha? May pasok tayo di ba? 8:30 na kaya!" The heck about that. Inaantok pa ko. Tinaklob ko sa kin yung kumot at nag pretend na hindi ko siya narinig.

"Morning Allen." Narinig ko ang boses ni Thrace.

"Hi Boss...Si Stephen napako na yata dito sa sofa." Pa good boy effect pa si Allen. Napakasipag pumasok eh.

"Kung ganun mo ka mahal na mahal pumasok sa school, mauna ka na. Basta ako matutulog pa." Duh...madaling araw na ko nakatulog no. May inasikaso pa ko kagabi eh. Alam niyo na, iba talaga pag favorite ka ng Boss.

"Hay nako Allen...Kung gusto mong umabot sa klase, you better get going and leave this guy be..." Tama Thrace. Dahil involve ka sa reason kung bakit ako tinatamad ngayon. Shoo this guy away.

To my annoyance, dinuksungan pa ni Thrace yung sinabi niya "...Alam mo naman na stubborn yan." Uh...Thanks?

"Very stubborn dapat." Dagdag ni Allen.

"Naririnig ko kayo..." Mawalang galang na sa inyo. May natutulog o. Pwede kung mang iinsulto wag kasing lakas ng megaphone? :3

"O akala ko nananahimik ka na diyan." joke ni Allen.

Inangat ko yung kumot at umupo "Eh nakakahiyaaa naman saaa inyooo..." Humikab ako then I rubbed my eyes. Seriously, inaantok pa talaga ko. Tingnan niyo pa yung mga lines ko, puro double double letters na. Parang adik lang. >_>

Ngayon ko lang nakita na may dala palang kapr si Thrace. Probably black coffee kasi favorite niya yun. And it's my least favorite sa kape. Ayoko ng nga bitter na pagkain. Hindi naman mababawasan ang kagwapuhan ko kapag hindi ako uminom ng black coffee (pang astig daw yun eh). Ang trip ko sa kape yung tama lang. Hindi ko na ieexplain ang 'tama lang'. Self explanatory na yan.

"Bayaan mo ba Allen. Ikaw na lang muna ang pumasok ngayon. Puyat yan kasi may pinagawa ako sa kanya kagabi." Yep. Buti nga siya painom-inom lang ng kape while I do all the work.

Soon, umalis na sila at natulog na ulit ako.

--///--

-LOUISE'S POV-

"Meeoow..." I jolted awake by Lois' way of saying good morning, which is by licking my hand.

"Hi Lois." Nakatulog na pala ako dito sa salas.

In the end, ni anino ni Stephen hindi ko nakita. I guess that's really what to be expexted when it comes to that guy.

Habang nakahiga, napalingon ako sa bintana. Maliwanag na pala...

HAAAAH?!

"Meow!" Sa sobrang shock ko, natulak ko si Lois (na nalaglag sa tiled flooring ng salas) nung napaupo ako bigla.

"Sorry!" Nakooo...Nasaan na ang cellphone ko...Anong oras na???

Then reality strikes hard..

8:30am

WAAAAH! Ma la-late na ko!

Sa sobrang gulat ko sa nabasa ko, napatalon ako mula sa sofa.

'Til The Last Rose DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon