MaKo 23 _ Intrams Day ت

284 15 2
                                    


ANGELO'S P.O.V


"Mahal ko?" 


"Anooo?!"


"Hindi ka pa ba tapos? Male-late na tayo." 


"Nag sasabon palang ako, Angelo! Wag kang excited. Uso magHintay!"


May magagawa pa ba ako? Actually kalahating oras na siyang naliligo. Ano bang ginagawa ng mga babae sa banyo? K! Alam ko naliligo. Pero bakit yung ibang babae kulang pa yung isang oras? Hayyy. 

1 week na nga pala yung nakalipas since naging maayos kame. I mean yung nangyari sa clinic. Pag naiisip ko yung araw na yun gusto kong balikan syempre naka-ilan kaya akong kiss sakanya that time. Hahahaha. Perv. :P Di Ako. Nahahawa lang ako. Joke. :D Dati lang naman nung playboy pa ako dami ko nga naging Girlfriend diba? Pero seryoso na 'to. Wala nang lokohan 'to. ^^

Si Rick ...... Kailangan ko siyang maka usap. Kailan kaya? Hmmm.. 

"Kailangan ko na bang tumawag ng ambulansya?"

Ha? Bakit may masakit ba sakaniya?

"Hala! Bakit? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang.... "

-___________- > Beanca

"Hindi Ako. IKAW! Ngingiti ka tapos tatawa ka. Baliw yung ganun diba? Baliw na Alien ka pala.."

Grabe naman 'tong Mahal Ko. BALIW agad ako? Eh siya kaya iniisip ko. ;)

"Okay! Ako na baliw. Nababaliw kasi ako dahil SAYO!" *wink*

Umiwas naman ng tingin.. Uyy! May Kamatis dito sa kwarto. :D

"Ah-Eh. Tara na late na tayo, kanina pa rin nagtetext sila Joyce. Tagal mo daw."

Iwas-iwas din. Hehehe.

"Deny deny pa halata naman. Haaayy, baliw nga talaga ako. Baliw sa taong mahal na mahal ko."

Sinadya ko na marinig niya yung huli. Nailang pa ata. Hehehe. Di pa siya nasanay. Pwes! Masasanay din siya. :)

— 


 School 


Saktong pag park namin dito sa school ay bigla nalang nag ring ang bell. Nagtext na rin sila Elmo na nasa canteen sila. Psh. Palaging gutom yung mga yun. Palagi nalang sila sa canteen eh. 

Wala  naman masyadong gagawin dahil Intrams ngayon. Ngayon ang laban laban ng mga team. Wooh. Kinakabahan nga ako ee. Paano sa bawat team may kaniya kaniyang laban.

Si Beanca tsaka si Jake Angelo Gwapo sa Couple Team. Kasama namin sila Joyce at Kris. 

Si Barbie at Joshua sa Crush Team. Samantalang si Elmo sa Loner Team. At may isa pang team ang Bitter Team. Oh diba? Ganda ng mga Team sa Jhea High School. Astiggg! ;)


"Bakit ang tahimik niyong dalawa? LQ ba kayo?

Kami ba tinutukoy nila? 

"Ewan ko diyan. Kanina pa kasi ako nagsasalita at nagtatanong. Hindi naman pala nakikinig. Edi hindi nalang ako magsasalita. Psh. Mananahimik na nga lang ako. Tsss. "

Mahal Ko [JhaBea] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon