Chapter 6: Ubusan Lahi

888 98 160
                                    

Napatanong ako kung anong saysay ng pag-attend ko sa special program kung 'yung main reason ko, which is Harper, e off-limits na. Hindi naman ako hipokrita at alam ko 'yon sa sarili ko. Bonus na lang ang additional learning, kumbaga. Pero heto na nga, taken na siya. Alam ko namang hindi madaling mawala 'tong feelings ko, pero alam ko rin naman ang worth ko. Gusto ko man matuto at i-ready ang sarili ko sa senior high, tingin ko, mas gusto ko na lang matutunang kalimutang nagka-feelings ako kay Harper.

Pero minsan, hindi ko alam kung nananadya siya, e.

"Boss," sabi niya pagka-announce na pagka-announce ng recess. "Arats? One game." Tapos tumingin siya kay Ardi. "Sama ka rin, boss."

Boss na rin si Ardi, ano? Ako lang talaga ang nagbigay ng meaning all this time. Napa-compute ako bigla kung magkano 'yung mga skin sa game na naibigay ko sa kanya. Kung sabagay, ako naman ang nagkusang nagbigay n'on in the hopes na mas maging close kami. Naging close nga kami, pero as friends lang.

Lesson learned: saka ko lang dapat bigyan ng skin 'yung crush ko kung kami na.

"Mag-aaral pa ako," sagot ko.

"Mamaya na 'yan."

"May hindi kasi ako gets sa lesson sa calculus. E baka mag-recitation."

"Seryoso naman ni boss. Puwede naman natin ibagsak mga exam dito. Walang bearing kasi di pa naman 'to tunay na class."

"Gusto ko kasi malaman capacity ng utak ko."

"Grabe, tinatanggihan na ako ngayon." Nag-sad face pakyut 'tong si Harper, at shocks—sobrang effective. Nagbuntonghininga ako at kukunin na sana ang cell phone ko nang bigla akong pinigilan ni Ardi.

"Mag-aral ka na," sabi niya. "Tayo na lang maglaro. Pero brawl lang. Di natin kaya rank. Baka mag AFK lang tayo."

"AFK?"

"Away from keyboard. Naglalaro ka ba talaga?"

Pinandilatan ko ng mata si Ardi. Tipong sana magka-telepathy siya para mabasa ang iniisip ko: Be gentle. Cute siya, pero medyo slow sa mga ganyan.

"Ay! Foot spa. Oo nga!" Tapos natawa mag-isa si Harper. "Sige, arats."

"E! Sama ako!" palag ko.

Tiningnan lang ako ni Ardi. Seryoso 'yung pagtitig niya kaya napa-pout ako bigla. 'Yung pakyut. Para kasi akong pinapagalitan.

"Kahit cute ka"—sabay kurot sa pisngi ko—"kailangan magtimpi. Mag-aral ka diyan."

Kailangan ko ng wild card. "Please . . . baby?"

Huminga nang malalim si Ardi. Natatawa ako sa ginawa ko, pero grabe, no effect! "Hindi, baby. Brawl lang naman kami. Isipin mo kung tawagin ka sa recitation tapos wala kang masagot." Nilagay niya 'yung ibang strands ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "Study now, play later."

"Fine," lip-sync ko kahit, to be honest, medyo hindi ko gets kung bakit parang may umikot sa tiyan ko nang gawin 'yon ni Ardi.

"Grabe, strict ni Daddy Ardi." Biglang lumitaw si Gitz from nowhere. E, sa kabilang classroom pa siya, ka-room nina Cleo. "Paampon."

"Tumigil ka, Gitz," sabi ko bago bumalik sa notes ko.

"Jowa goals kayo, e, 'no? Sana ol. Ikaw, Harper, matuto ka rito kay Ardi, ha?"

"Gusto mo matuto ng self-defense? Turuan na kita." Tapos hinila ni Harper 'yung leeg ni Gitz papuntang sahig. Nakaporma na sila na parang magre-wrestling, 'yung crotch part ni Gitz pa talaga 'yung nakaharap sa 'kin. Napairap ako dahil, 'sus ko . . . what a horrible sight.

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon