Epilogue: Game Over

1.1K 110 134
                                    

Savage!

Napasigaw kami pareho ni Ardi nang naka-savage ako kahit support ako. Sa kanya dapat lahat ng kill, pero nananakaw ko dahil kill stealer 'yung first skill ng main hero ko dahil sa range. Mga three seconds after, lumabas na ang Victory! sa screen.

In-invite ko ulit siya pero hindi na para maglaro. Para lang makausap ko siya in-game sa mic.

"Thank you, Di! OMG! First savage ko 'yon!"

"Nasa kapalaran mo na ang magka-savage na ako ang boyfriend. First boyfriend, first savage. Hay, may ilalagay na naman ako sa curriculum vitae ko bilang boyfriend ng isang Cielo Laurel."

"Sus," tukso ko. "Uy, OMG! Sige na, male-late na ako."

"Ako rin pala."

Di naman maiiwasan na first day classes namin pareho. Kababalik lang nina Ardi kahapon mula sa Quezon, at dahil pagod siya, nag-promise siyang maglalaro kami ng isang game bago pumasok. Ayun, gumising ako nang maaga para makapag-rank kami.

"Lo?" tanong ko kasi parang nawala siya.

"Lo."

"Low, low, low, low, low, low, apple bottom jeans . . . boots with the fur!"

"With the fur," kanta niya namang wala sa tono. Natawa naman ako.

"P-pa'no . . . makikita ba kita after first day ng school?" pa-cute kong tanong.

"Ano oras ba uwian ninyo?"

"Five na, e."

"Ako rin pala."

"Punta na lang ako sa cafe n'yo?"

"Sige, ta's ako na bahala sa milk tea."

"U-uy . . . pag-usapan natin 'yung dates na magkikita tayo para di ka magsawa sa 'kin."

"Bi," sabi niya gamit 'yung malalim niyang boses na hanggang ngayon e dahilan pa rin ng pagtaas ng balahibo ko—lalo na't official baby na talaga ang tawag niya sa 'kin, "ilang beses ko ba sasabihin na di ako magsasawa sa 'yo?"

"Sows!" Napangiti kong sinabi. "Dali na. Bye na, magsasapatos pa ko't male-late na."

"Di pa nga ako naliligo, e."

"Hala ka! Dalian mo! 'Wag tayong magpa-late sa first day!"

"Sige na, sige na. I love you."

Ngumiti ako. "I love you too."

"I love you too three."

"I love you too three four etcetera. Sige na, sige na! Bye! Mwah!"

Pagbaba ko ng cell phone, nagmadali na akong magsapatos. Dali-dali kong kinain 'yung tosilog at ininom 'yung chocolate drink, nag-toothbrush, tiningnan 'yung mga nasa loob ng bag ko kung dala ko na ba lahat, saka lumarga papasok sa school. 

Di ko masyado na-miss. Pa'no, mula Grade 7 hanggang ngayong Grade 11, same school pa rin. May reputation na rin kasi school namin for STEM students, kaya bakit di na lang dito, di ba?

Isa pa, wala naman dito 'yung talagang nami-miss ko. Nasa school na niya mismo si Ardi, e.  Hindi naman na 'to special program. Malamang, tinutukso na siya ngayon nina Forster at Stanley. Sana lang talaga, totoo ang mga sinabi ni Cynd na suportado siya sa 'min. Tiwala lang. Tiwala.

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon