------------------------------
Nakikita ko ang reaction ni Kate ngayon sa mga sinasabi ko , hindi gulat ang nakikita ko, hindi lungkot. Masaya sya, nakikita ko sa mga mata nyang nagugustuhan nya ang mga naririnig nya .
Kate, ayaw kong masira ang friendship natin but I can't hide it anymore, I like you Kate and I want to court you .
Lakas loob kong sinabi kay kate ang lahat ng yan, nakikita kong may pag asa , instead na magalit sya I saw her smiling.
I like you too Carlo, and I want to know you more.
DUG DUG DUG DUG DUG DUG ! abnormal na bang hearbeat ko? Ba't parang ang bilis? I like what I'm hearing right now.
So you mean? Payag ka?
Yes Carlo you can court me.
Sa sobrang saya ko, I hugged her .. hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya ngayon. Ngayon ko lang nararanasan ang ganito.. I never thought I could find my happiness.
Easy lang naman Carlo, hindi pa kita sinasagot, manliligaw ka pa nga diba?
At nagtawanan na kaming dalawa. Natapos ang gabing yun na puno ng saya. Nagkwentuhan lang kami ng kahit ano , hanggang sa naisipan na naming umuwi .
2am na nga kami nakauwi nun, kasi napasarap yung kwentuhan namin, nagkwento sya kung paano sila naging mag bestfriend ni Meg . Pati pala storya ng pagkakaibigan nila nakakatawa rin ang umpisa haha Kasi daw ang nangyari dun, nasa room daw sila, kasi magkaklasi sila grade school . Naapakan daw ni Meg yung sapatos ni Bruno sya yung kinatatakutan ng mga kaklasi nila, kasi malaki yung katawan tsaka astig daw yun mahilig sa basag ulo. Kaya nagalit daw si Bruno nung natapakan ni Meg yung sapatos nya, sinabihan nya daw si Meg na punasan nya at ang malalala eh gusto nyang lumuhod si Meg at magsorry . Grabe naman yun! Pero dahil nga abnurmal ang takbo ng utak ni Meg, imbis na magsorry sya eh tumakbo daw sya sa harapan ng blackboard at kinuha yung eraser, ibinato nya kay Bruno. Tawa ng tawa si Kate kasi daw naaalala nya yung mukha ni Bruno , punong puno daw ng chalk. Galit na galit daw si Bruno kaya kinkwelyuhan nya si Megan at take note ha ang laki ng katawan ni Bruno at matangkad pa, habang ang payat2 daw ni Meg nuon. Halos namula nadaw yung mukha ni Megan kasi nasasakal na sya at ahil nga takot halus lahat ng mg kaklasi nila kay Bruno eh walang naglakas ng loob na tumulong kay Meg, Grabe ! Kaya si Kate na awang awa na kay Meg ay gumawa na ng paraan. Hindi ko ma imagine yung ginawa ni kate , kumuha daw sya ng dustpan at pinukpok sa ulo si Bruno hanggang sa mabitawan nya si Megan . Pagkalaglag ni Megan hinila nya ito at hawak kamay silang tumakbo palabas ng room, imbis nga daw matakot sila eh nagtawanan padaw sila habang hinahabol sila ni Bruno ! Nag enjoy padaw sila sa kakatakbo haha Mga adik talaga tung dalawa eh no? At yun nga dahil mainit na ang ulo ni Bruno sa kanilang dalawa , lagi silang binubully kaya nag decide sila na dapat hindi sila naghihiwalay para maprotektahan nila ang isa't isa. Ayun nga ang simula ng friendship nila, palagi silang magkasama hanggang sa nagig close ang mga parents nila at hindi sila pumapayag na hindi sila nagiging magkaklasi , kaya nadala na nila hanngang ngayon. Ang saya lang ha! nakakatuwa talaga sila. No wonder bakit magkasundong magkasundo sila. Ano kayang magiging reaction ni Meg pag nalaman nyang liligawan ko ang bestfriend nya. Naku! Maghanda ka nalang Carlo.
After nung aminan namin ni Kate ay mas naging close kami, mas madalas na kaming magkasama, pabor din kasi binibigyan kami ni Meg ng time dalawa , para naman daw mas makilala namin ang isa't isa. Oo alam na ni Meg ang lahat, sinabi na namin, baka kasi magwala pag sa iba nya pa nalaman, and take note kalat na kalat na sa buong campus. Natakot nga rin ako na baka alam na rin ni Bea at bigla nalang syang mag freak out! Alam nyo na ang gwapo ko kaya patay na patay sa akin si Bea HAHA! at eto pa, imagine nyo yung reaction ni Megan? eh kung hindi lang naman nya isinigaw eh sana hindi nalalaman ng lahat, kung makasigaw kasi akala mo walang mga tsismosa sa paligid..
BINABASA MO ANG
BAE-Before Anything Else
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. -Loretta Young Jubang<3