"Grabe, Ly. Need ko ata mag-renta ng cottage dito sa resort mo para makalimot. Limang taon na nakalipas pero ikaw parin talaga." Nag-finger heart pa nga si Benedix kay Alyssa na ikinatawa naman nito.
"Tigilan mo nga ako. Ano, bakit ka napadpad dito?"
"Hirap mo na kasing ma-reach kaya pinuntahan na kita dito. Grabe ka ha, halos lahat ng reunion natin for the past five years, ni-isa wala ka man lang in-attendan."
"Alam mo naman kung bakit."
"Eh sinabi ko naman na sa'yo na hindi na sila uma-attend ng reunion. Two years ago pa nga eh." Tinaasan nalang ni Alyssa si Benedix ng kilay dahil wala itong tiwala rito. "Hoy totoo nga, kahit i-check mo pa ang instagram ni Sam, two years ago ata yung huling post."
Limang taon na ang nagdaan simula nang ikasal si Samantha kay Albie pero hanggang ngayon ay ramdam parin ni Alyssa ang sakit ng pagpapaubaya. Sa loob nang limang taon ay wala siyang natanggap na mensahe, tawag, o kahit anong paramdam galing kay Samantha. Binati niya si Samantha noong birthday niya four years ago pero walang kahit anong reply galing kay Samantha kaya hindi na niya muli pang minessage ito.
Namimiss niya ang dating kaibigan at ramdam niya ang panghihinayang pero nangyare na ang nangyare kaya wala naman na siyang magagawa pa roon. All she has to do is to keep moving forward.
"Hay nako, Ben. Umalis ka na nga."
"Kahit ba once hindi ka kinontak ni Sam?"
"Hindi nga, ang kulit mo."
"Aw. Ako kasi every year may pa-birthday greetings from her. Keep up naman tayo, Ly." Sinamaan na ng tingin ni Alyssa si Benedix kaya natatawa itong tumango. "Oo na, aalis na nga oh. Ito naman parang 'di mabiro eh."
"Hay tigilan mo nga ako. Shoo na, may trabaho pa ako."
"Alright fine, fine. See you, Miss workaholic."
Sa loob din nang limang taon ay trabaho lang ang inatupag ni Alyssa. Para sa kanya, wala siyang oras upang mag-entertain ng ibang tao. Nagtayo siya ng isang resort sa La Union at doon itinuon lahat ng kanyang oras. Mayroon namang mga sumubok kilalanin lalo si Alyssa pero bukod sa hindi niya talaga hinahayaan ang sariling kilalanin din sila ay tinataboy din talaga ng mga kaibigan ni Alyssa ang mga 'to.
"Eight na pala.." Bumuntong hininga si Alyssa at tumayo na sa kanyang office chair upang ayusin ang gamit. Tanaw sa labas ng kanyang opisina ang kanyang assistant na si Dennise na mukhang nakatulog na ata. Madalas pa naman silang sabay kumain kaya nagmadali si Alyssa sa pag-aayos ng gamit niya.
"Den?" Tawag nito sa dalagang nakapatong ang ulo sa lamesa. Walang sagot na natanggap si Alyssa kahit makailang ulit ang pagtawag niya rito. Sa huli ay wala na siyang nagawa kundi gisingin si Dennise physically. Alyssa placed a hand over Dennise's shoulder, gently shaking the girl to wake her up. "Den, tara na."
Dahil wala paring imik si Dennise ay inilapit na ni Alyssa ang labi sa tenga nito. Alyssa gently whispered Dennise's name repeatedly against the girl's ear and that did the job. Dennise sat up right in one swift move which caused her head to collide with Alyssa's lips. The impact was enough for Alyssa to pull back right away and cover her mouth with her face scrunched up in pain.
"Ouch!"
"Hala! Ly!"
Pinaupo na muna ni Dennise si Alyssa upang magamot ang sugat na natamo nito dahil sa maliit na aksidente. "Sorry. Kanina pa kasi ako inaantok kaya natulog na muna ako."
"Halata nga." Hinawakan na ni Dennise ang baba ni Alyssa matapos kuhanin ang first aid kit. She lifted Alyssa's chin a little while leaning in to carefully inspect the wound of the girl, gently cleaning it before she applies cream towards the wound. "Tigas pala ng ulo mo, Den. Kaya pala hindi ka nakikinig saakin."
BINABASA MO ANG
When The Time Is Right
FanfictionThere's only a month left before Samantha's wedding with Albie and everything was all going well. However one incident changed everything between her and her bestfriend Alyssa.