On Her Wedding Day

1K 32 20
                                    

Samantha was hopeless at this point. Sa nagdaang mga araw matapos ang naging confession niya kay Alyssa ay wala siyang narinig mula rito. Masakit. Masakit kasi akala niya ay meron talagang pag-asa between her and Alyssa. It's so stupid to think about it when she already has Albie. Siguro nga ay selfish siya pero kay Alyssa lang naman talaga siya ganon.

Now that she thinks about it, siguro yung halik na yun ang naging daan upang malaman niya kung ano nga bang tunay niyang nararamdaman para kay Alyssa. She has always admired the girl even before they both met their respective partners. Lagi ngang magkasama ang dalawa at hindi mapaghiwalay. Lagi niya ring hinahanap-hanap si Alyssa noon pa man at ramdam niya ang inis sa tuwing nakikita niyang may ibang mga babaeng kumakausap kay Alyssa noon.

Siguro nga ay matagal niya na palang gusto ang kaibigan niya. Masyado lang siyang nabalot sa ideyang bestfriends lang sila kaya sa palagay niya ay normal lang ang lahat nang iyon.

"Si Alyssa ba.. dumating na?" Tanong muli ni Samantha sa kaibigang si Chie. Nagkatinginan ang ibang kaibigan ni Samantha na kasalukuyang inaayusan na ng make-up stylists para sa kasalang magaganap mamaya.

"Hindi pa, girl." Ramdam na nila Chie na mukhang may problema ang dalawang magkaibigan dahil halata sa ekspresyon ng mukha ni Samantha ang lungkot at pangamba. "May problema ba, Sam?"

Siguro nga ay sapat na ang mga actions ni Alyssa bilang sagot sa tanong ni Samantha few nights ago. Napangiti nang mapait si Samantha sa kaibigan at umiling. "Wala lang. Aayusan pa kasi siya diba.. alam mo naman.. Sige mag-aayos narin ako. The bride can't be late to her own wedding."

Mabigat ang damdamin ni Samantha habang nakaupo siya sa harap ng salamin at inaayusan. Mahigit isang oras din ang nagdaan at isa-isa nang nag-aalisan ang mga kaibigan niya dahil tapos narin silang ayusan.

"Sam, mauna na muna kami ha? We'll meet you nalang sa church. See you, girl!"

"Miss Sam, araw niyo ngayon pero mukhang matamlay po kayo. May problema ba?" Iyon ang naging tanong ng nag-aayos kay Samantha ngayon. Nakatitig lang si Samantha sa kanyang repleksyon sa salamin bago ngumiti nang kaunti.

"Wedding jitters lang po. Nakakakaba rin kasi talaga ang mga ganitong event.."

"Nako, Miss! Huwag po kayong masyadong mag-alala. Sa ganda niyong yan, hindi po aalis ang groom ninyo." Natatawang sambit ng make-up artist. Ngiti lang ang naitugon ni Samantha ngunit bulong niya sa sariling hindi nga ang groom niya ang aalis ngunit siya ay may balak na gawin ito.

Naiwang mag-isa si Samantha matapos iyon. Gusto niyang umiyak sa sobrang bigat ng nararamdaman ngunit hindi niya magawang umiyak. Patuloy ang paghihintay niya kay Alyssa ngunit 'tila ba wala na talagang pag-asa pa.

Nagulat siya nang bumukas ang pintuan ng hotel room na nirentahan nila para sa araw na ito. Nanlaki ang mata ni Samantha matapos makita kung sino ang pumasok. Sinara nito ang pintuan at dahan-dahang naglakad papunta kay Samantha.

"Ly.." Nanginginig na sambit ni Samantha. Tumayo siya sa kinauupuan at niyakap nang mahigpit si Alyssa na siya namang sinalo siya sa bisig nito. The two hugged each other tightly as if they both didn't see each other for years. "You're here, Alyssa.."

Alyssa slowly pulled back from the hug before looking at Samantha affectionately. She cupped the girl's face and used her thumb to gently stroke Samantha's cheek. "Wow.. you look beautiful. You're probably the most beautiful bride I have ever seen in my entire life."

Samantha felt shy and small at the intense gaze of Alyssa. She swallowed the lump on her throat hardly before holding onto the girl's arms gently. "You're flattering me too much."

"You deserve it." The two stared into each other's eyes. Samantha was looking at Alyssa with her eyes full of love and surprisingly, Alyssa was doing just the same. "I want you to know how beautiful you are today and every other day, Sam."

When The Time Is RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon