Chapter 4

120 3 4
                                    

  Kriiing.... Kriiiing.... Kriiing...
Kinapa ko yung side table ko kung saan nakalagay yung phone ko.

"Hmm? Hello?" boses ng bagong gising. lol
    ("Hi, anak, kamusta ka naman jan?)

"Okay naman po, Ma, ang aga aga pa po tumatawag na kayo."
    ("Anong ang aga aga ka diyan!? Mag aalas onse na blaire, tulog ka pa din?!")


"Po?!" napabalikwas naman ako.Tinignan ko yung orasan at mag aalas onse na nga.
    ("Bakit ngayon ka lang nagising? Anong ginawa no kagabi? Ha?")

"Ah, wala po, napasarap lang po ng tulog,pagod po sa byahe kahapon eh, hehehe"
    ("Ah ganun ba.Osige na, bumangon ka na at magluto kana para sa sarili mo.")

"Mag gogrocery pa po ako.Sa labas na lang po ako kakain."
    (Oh sige sige, oh eto, kausapin ka daw ni Elay.")

"Sige po. :D" Yung Bestfriend ko! I miss her na agad! XD
   ("UY BESTFRIEND! I MISS YOU NAAAA!!") nilayo ko yung phone sa tenga ko

"Gaga ka talaga! May balak ka bang basagin yung eardrums ko?! Pero... I MISS YOU TOO BESTFRIIIIEEND! Hahaha!"
  ("Kamusta jan? Madami bang gwapo? Ha? Ha?")

"Gwapo agad? Hindi pa nga ako nakakalibot eh, gwapo agad ang tinatanong mo? hahaha!"
   ("Eh------ Hello! Air! Kamusta?)

"Uy Elay! Ano nangyari? Bakit naging boses panlalake ka?"
    ("Uy Air! Kiko to! Kamusta?")

"Uy Kiko! Ayos lang naman ako"
    ("mabuti naman kung ganun")

"Ikaw? Kamusta?"
    ("Ako? Ito miss ka na. Oy Elay! Ito na oh!")
    ("Oy bestfriend, inagaw ni kiko yung phone kanina eh, Ano sabi sayo?") -
Elay

"Okay lang.Anong sabi niya? Nangamusta lang naman siya, tapos sabi niya miss na daw niya ko."
    ("Ahhhhh. Yieeee! Iba ka girl! Hanggang dito abot ang karisma mo kay Kiko! Hahaha!")

"Che! Ano pinagsasasabi mo?"
   ("Wala! Wala!")

"Bahala ka nga jan, babay na! Mag gogrocery pa ko. Pakausap nga ulit kay mama."
    ("Tita! Kausapin ka daw po ulit ni Air!")
    ("Oh? bakit? magrocery ka na, anong oras na oh.") - 
Mama

"Magbababye lang po ako sainyo. I love you po. Miss you na rin. Ingat po kayo jan."
    ("Oh, sige. I love you too anak. Ingat ka jan ah. bye.")

"bye po." tsaka ko inend yung call. Bakit ganun si si Kiko? Pagkasabi niyang miss na niya ko bigla niyang binigay kay Elay. Tsk! Ang lakas talaga ng trip ng mokong na yun! Tumayo na ako at pumuntang banyo.Nagshower lang saglit, magogrocery ako, para hindi na ko magutuman :D Pero di ko alam kong kung san may malapit na Mall dito.Sa 7/11 kasi ang mamahal eh.Magpapasama na lang ako kay Prince.Tama! magpapasama na lang ako sa kanya :D Nag-ayos na ako at tsaka bumaba agad. Tawagan ko nga muna. "Tsk! Ano ba yan? Asan yung phone ko?" Kinalkal ko yung bag ko."Ay chanak! Nasa kama ko pala. Grrr! Akyat na naman!" Umakyat ulit ako dahil nga naiwan ko yung phone ko. Pagkakuha ko ng phone ko bumaba na agad ako atsaka pumunta sa bahay nila Prince.Nag doorbell naman ako, agad namang bumukas ang pintuan at bumungad si manang sakin. "Hi Manang! Anjan po ba si Prince? ^___^"

"Oh, iha, Oo andun sa kwarto niya, natutulog pa siguro yun."

"Po?! 11:30 na po ah! Tulog pa din?"

"Oo, pasok ka, bakit mo pala siya hinahanap?" Pumasok na kami sa loob ng bahay nila.

"Eh, magpapasama lang po sana ko sa Mall, mag gogrocery po kasi ako eh."

"Ay naku iha, ewan ko lang kung maisama mo yung magrocery, sa palaruan dun sa Mall, pwede pa, pero para mamili, ayaw na ayaw niya nun."

The Closer I Get To You (On-Going) AlDub <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon