Paglubog ng Araw

161 1 0
                                    

Malamig na ang dampi ng hangin sa aking balat, habang nakadungaw ako sa bintana ng kwadradong tahanan, Tanaw ko ang papalubog ng araw na tanda ng lumipas na oras. di ko namalayang lumampas ang bawat segundo na nakalaan para sa akin. Ang tumanaw sa malayo, ang mabingi sa katahimikan ang nais ko sa bawat araw. sa paglubog ng araw, ay kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga pisngi, mga pisngi na sana ay may kamay na humaplos at punasan ang bawat butil na ngingilid sa mga mata hindi dahil sa lubos na kalungkutan kundi sa kasiyahan na makasama ko ang aking minamahal.

Sa araw-araw na nagdaan, di ko makalimutan ang sakit sa aking puso, yung tibok ng puso ko na dati ay gusto kong marinig dahil sinisigaw nito ang pangalan nya. Ngayon, nais kong patayin ang puso ko, dahil naghihingalo, nakakabinging sigaw nakakalungkot , na plit sinisigaw pangalan nya, pero sinasabi ng utak ko. Di ko na kailan pa sya makikita.  Yung saya na dati kong naramdaman masakit isipin na isa na lang iyong alala. Ayoko ko nang umiyak, Pagod na ako! pero ayoko kalimutan sya. Sya ang buhay ko.. pero bakit nawala sya.. gaya ng paglubog ng araw, buhay ko ay nagdilim.. tila wala ng bukas sa akin ay darating. Ang larawan sa gilid ng aking mesa tanda ng masayang oras, ngaun nabasag, kasiyahan ko ay nagwakas

Malalim na ang gabi ng napagod na ang aking mga mata, ang aking utak sa kakaisip, ang puso sa kakatibok, ang katawang wala ng lakas pang tumayo. Napa-upo ako sa sulok at napatingin sa higaan, Nakita ko sya. Nakahiga lang biglang nawala at nakatingin sakin at malungkot na malungkot, Pinilit kong abutin ang kanyang mga paa, ngunit isang iglap nawala na para bang ayaw niyang magpakita. Nan-dilim ang mga mata ko at biglang lumipad ang isipan sa mundong tila pamilyar sa akin. Dito ko sisimulan ang aking kwento..

Bagong TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon