C-02 Noddles

74 4 0
                                    

Peak as always . Being the first place in the course I am taking is so satisfying. Marami ang nagsisitingin dito sa bulletin board ng department namin. All are hoping for a higher rank. Worrying about it, is not one of my matter. I'm confident. I assured everything about my school matters are well.

I posted a picture on IG with my name being on rank. Hindi naman ako masyadong bilib sa sarili ko na kailangan ko pang isabay doon ang rank number ko kaya name lang . I putted a simple word caption.

'Always :)'

Marami agad ang nag heart react. Some are my classmates, acquaintances but some are unfamiliar. Meron din mga friends ni Mom and Dad pati na rin ni kuya ang nag react doon. They even leave some comment on it, congratulating me. I smiled. Another achievement I had gain.

Dad:

Congrats Akei!

Mom:

Congrats Akei!

Kuya Cliff:

Congrats Akei!

Pareho- pareho ang mensahe na natanggap ko sa tatlo. From my Dad, Mom and kuya. Napangiti ako. Saving some words. Pero kapag nasa bahay they talk a lot. Lahat ng nangyayari sa opisina at sa school ay yun palagi ang laman ng usapan namin.

Ako:

Thanks! Looking forward for a gift:-*

I replied them with the same words and punctuations.

Talking about my kuya. Nothing have been change. Kuya Clifford is smart. Kahit hindi iyon nag aaral at panay pambabae hindi niya napapabayaan ang estado niya sa school. He's always on the top rank too. He's uniquely smart unlike me na kailangan pang magbasa for about a day.

Umalis na ako dun sa tipon ng mga estudyante bago pa mas lalong dumami. While I am on my way, a person named Zach Aerolle Laxon popped up in my notifications. I immediately opened my IG account again and I saw Achaer reacted on it. A heart react?! Nakita ko rin na may comment siya doon.

'Nice:)'

My brows furrowed for that. Really? Namamalikmata ba ako? It's his first time reacting on my post. Hindi ko alam kung yung comment niya nang aasar o ano? Baka siguro hindi siya nakapasok sa ranking nila kaya sinisira ang araw ko.

For some reason I immediately go back at the bulletin board. I searched on his name in the list of first year BSA. Of course I started at the bottom part. Ano pa bang aasahan ko dun sa lalakeng iyon? Puro pagpapasarap ang ginagawa sa buhay.

"Baby, you should start at the top. Mas mapapadali ka."

"What the fuck!" Yun ang nasabi ko dahil sa pagkagulat ko nung magsalita ito sa tabi ko. I almost tear these damn papers because of that sudden voice of him.

Inayos ko ang tayo ko tsaka muling pinanatili ang matapang kong mukha. Achaer laughed so hard. Bullshit! I'm too obvious. Halatang halata na gulat na gulat ako, freaking looks so stupid with it.

"Hindi ko hinahanap yung iyo Mr. Laxon" pagpapalusot ko. I looked away "I was searching for the rank of.... Odi.... panigurado----"

"Then you're searching on the wrong bulletin. Sa kabilang department ka ata dapat naghanap" he said while having his pissing smirk. Ow God! Pwede bang sampalin ko na lang siya? Nahuli ako sa katangahan ko.

"Kasama ka din pala sa top? Anong sinasabi mo sa mga kaklase mo para humina sila?" I sarcastically asked changing the topic. He laughed. Pero hindi ko talaga inakala na magiging first din siya sa ranking nila same as mine. How? Hindi ko naman siya nakikita na nag aaral.

Just The Way I  See You (Voyage of us Series #2)Where stories live. Discover now