C-24 Kiss

8 1 0
                                    

"Nanonood ka ba ng banda sa school?" He asked. Liningon ko ito.

"Minsan." I answered even I got confused from his sudden question. Random talaga.

"Manood ka after exams." sabi nito.

"Bakit?" Tanong ko. Pinagpatuloy ko ang pagsusulat. "Saka anong meron bakit kailangan ko manood ng banda?" I added up. Linigpit niya ang iba kong gamit. It's the last day of our review. Iuuwi ko na ulit ang mga gamit ko na dinala ko rito.

The past days were beneficial. Aminin ko man ay talagang malaki ang naitulong niya sa pagreview ko. He make it easier for me. Palagay ko nga ay hindi siya nakapagreview nang maayos dahil panay ang pangungulit niya sa akin at pagtuturo na animo'y personal tutor ko.

I don't want him to teach me anyway but he wants it. Hindi ko naman maawat dahil masyado siyang makulit. Ngayon lang ako nakakita ng taong napakasipag magturo kahit hindi naman guro. Maybe it's his habitue to teach not just to me but to her girls.

"Just watch. Alam mo naman siguro kung anong araw yun, right?"

"Alam ko, but then di ko alam kung bakit mo ako inuutusang manood." nakakonot noong sabi ko sa kanya.

"I just want you to be there."

"Be there? Bakit nga?" Nairita ako dahil pauli ulit na lang kami.

"Kakanta ako... Huh maybe. Di ako sure pero baka." nalilitong sabi nito.

"Kumakanta ka?"

"I'm good on many things, baby. Hindi mo lang naitatanong." Mayabang na sabi nito.

Umiling ako. Well, I'm a bit surprised about it pero talagang gusto niya akong manood. Maybe he's really good at it. Hindi naman siya mag invite sa akin kung hindi dahil paniguradong aasarin ko lamang siya. Sa yabang niyang yan.

"Magaling ka kumanta?"

"Ow damn, don't ask me such an easy question, baby. Kahit ibang tao ay kaya yan sagutin."  he chuckled.

"Talaga lang ah. Pero baka tama ka. Maybe all of the possible audience will stand."

"Standing ovation?" Tanong niya na walang kaalam alam. Idiot! I laughed.

"All of them will stand to go home! Paniguradong hindi ka naman magaling tsk." Mas lalo pa akong humalakhak nung makita ko ang dismayado niyang mukha.

Tumayo siya. Kinabahan ako baka nakaramdam siya ng sakit sa sinabi ko. It's a joke, sana naman ay wag niyang damdamin iyon. Para siyang bata kung magtatampo siya sa birong iyon.

"Ipagluluto muna kita bago kita iuuwi sainyo." Ani nito kasabay ng pagtayo. Tumango na lamang ako dahil gusto ko rin naman kumain bago ako umalis. Yeah I admit it, he's really good at cooking. Masarap iyon. Daig pa ata yung mga professional chefs.

Sinikop ko na lahat ng gamit ko nung natapos ako. Siguro mamayang gabi ay magpapahinga na lamang ako. The next day after tomorrow na yung start ng exams. I need to rest, to relax. Mahirap na baka makaramdam ako ng kaba kung ipagpapatuloy ko pa ang pagreview ko.

I go directly to the kitchen. Hope he's already done. Naiilang lamang ako minsan dahil yung matandang babae ay nagiging masama ang tingin sa akin kapag nakikita niyang pinagsisilbihan ako ni Achaer, na kanyang amo.

She can't blame me. I'm a guest here and that's Achaer's choice or maybe I'm just the paranoid here. Achaer told me that it's her normal face yung animo'y mataray pero mabait naman.

"Tapos ka na?" Natigilan ako dahil andito na pala ako sa kusina. God, ngayon lang talaga ako nakaramdam na mayroon pa palang ganung kaprotective na isang tao sa hindi niya naman anak. Maybe they're right sometimes water is thicker than blood. Kabaliktaran na.

Just The Way I  See You (Voyage of us Series #2)Where stories live. Discover now