Kuro-KuroDiwatang namumuno sa napakasagradong tahanan ng karamihan.
Alindog ng mga alitaptap na nagsisilbing ilaw ng lahat.
Hari ng mga reyna't reyna ng mga naghahari.
Mga kuro-kurong mananatili sa akin bilang mga pakiwari.Isang ligaw na nagmamay-ari sa napakasagradong tahanan ng kawalan.
Dala'ng mahiwagang hangin na magbubuhay ng lahat.
Húkom ng sarili't gawa ng húkom.
Mga kuro-kurong sa isip lamang nagtitipon.•
Ang maghangad na mithii'y mayapos
Ay ang pag-isip na katawa'y sa hangin ay mairaos.
Kung ang pagtiwala sa kasinungalingan ay pagtakas sa katotohanan,
Aba'y mas naising lumipat na lamang ng bilangguan.Kung posibilidad nga'y kayang yupiin,
Piliting pati panaho'y pupuri sa atin.
Kung imposibleng dalawang ibo'y lilipad gamit ang iisang pakpak,
Aba'y mas naising manatili bilang tao lamang.• •
Sadiyang magulo ang tiyansang makaintindi.
Para lamang sa sinumang may kakayahang taasan pa ang sarili.
Lahat ay mananatiling iyon lamang,
Ngunit isaisaip palagi ang palaisipang...Walang mangyayari sa taong takot, walang alam, at mangmang.
BINABASA MO ANG
to fight in this battlefield of un/certainties (POETRY COLLECTION)
PoetryPoetry collection with some narratives about the battlefield of both certainties and uncertainties in love. These poetries were made by a puppy-love-stricken author during his teenage days, so mind the mindset and get over with the grim grammar. W...