Maliwanag
Dahil ang puso'y napakasigla sa tanawin ng bulaklak
Na masigla ring tumatanaw sa kaliwanagan ng araw,
Sa bawat haplos ng init sa kaniyang balat,
Nagbibigay halimuyak sa aking nagniningning na balintataw.Dahil ang puso'y napakasigla sa tanawin ng masayang binibini
Na masaya ring ginagampanan ang kaniyang sarili,
Sa bawat galaw at bawat niyang paghuni,
Nagiging karugtong ang magkahiwalay, at nagkakataon ang mga 'di pinili.Dahil ang puso'y naliligalig sa kaniyang pagngiti,
Sa kaniyang lahat at sa kaniyang pagkawalan,
Bawat bubog ng ilaw ay napananatili
Sa aking kamay at nahahawakan.Dahil sa kaniyang pagkarito
Bumabalik ang lahat ng nawala
Kung ang araw ay nilisanan ng kadiliman; aangkin ng kaniyang mga nagawang anino
At ang gabi nama'y inaasahan ang 'di dadating na araw; gagabayan ng liwanag ng kaniyang buwan at mga tala.Dahil ang puso'y ang kasiyahan ay ikaw
Na kaya ring panatilihing maliwanag ang araw,
At may-ngiti ang gabi,
Nagiging mas mainit ang sinag nitong akin, at naging mas maliwanag at malinaw ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
to fight in this battlefield of un/certainties (POETRY COLLECTION)
PoésiePoetry collection with some narratives about the battlefield of both certainties and uncertainties in love. These poetries were made by a puppy-love-stricken author during his teenage days, so mind the mindset and get over with the grim grammar. W...