Pantasiya at Katotohanan

5 1 0
                                    


Pantasiya at Katotohanan


Ang pantasiya ng katotohanan
Ay 'yong mga pangyayaring hinding-hindi mo inasahan.

Nais ko mang maging totoo ang pantasiya
Ngunit nakatatak na iyon sa bato
Na ang taong makatotohanan
Hindi nagbababad sa kaniyang pantasiya

Ang kasinungalingan at pantasiya ay naiiba,
Ang kasinungalingan ay ginagamit upang makaiwas sa espadang ikaw lang naman ang naghagis,
Ngunit ang pantasiya'y binuo upang maiwasan ang espadang pakiramdam mo'y dadating.

Ayaw ng katotohanan ng pantasiya
Ngunit ayaw ko rin namang harapin ang katotohan
Kaya ako kumakapit sa mga pantasiya

to fight in this battlefield of un/certainties (POETRY COLLECTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon