Chapter 3 ♡ [ Third encounter : 3rd clash ]

48 12 3
                                    

Francis's POV

Ganun na ba talaga katindi ang galit niya sakin para sa 2nd encounter namin !? To think na pangalawa palang ito . Paano pa kaya pag sa 3rd , 4th or everyday !?? Mukha siyang dragon na umuusok ang tenga at ilong tapos nagbubuga ng apoy dahil sa galit . At yung sabihin kong di siya maganda kanina , well .. syempre joke yun .

Pero bat ba ako nagtataka kung bakit ganun nalang ang galit niya sa akin !? Syempre , nainsulto ko siya . Oo , mataas lang siguro talaga ang pride ko kaya diko inadmit na ako nga ang may kasalanan .

Plus .. handa ko naman talagang bayaran or palitan yung ipad niya kaya sinabi ko lang na ' NO ' kasi gusto ko lang namang makita yung naiinis niyang reaksiyon . Pero anong napala ko !?Yun , ibinato niya yung ipad niya sa pagmumukha ko . Ang sakit kaya nun . Sa gwapo kong to .. nagawa niya yun sakin !? Tss .. kawawa tuloy tong nakakainlove na mukha ko . May bukol pa tuloy yung noo ko . At hanggang ngayon , masakit pa rin .

Ewan ko ba .. siguro may lahing baliw yung babaeng yun . Ang nakakatawa , tinawag pa niya akong disaster . Ako disaster !? Huh !! Disaster daw . Kung nandoon lang yung mga chicks ko .. lagot siya . Dahil sigurado nasabunutan na siya . Pero dahil nga sa gentleman at gwapo ako , hindi ko naman hahayaang mangyari yun noh .

Binantaan pa niya ako . Pag nagkita daw kami ulit , pagsisisihan ko daw . Huh . Exciting . Kailan kaya kami ulit magkikita !? Bukas !?? Sa susunod na bukas !? O sa susunod sa susunod na bukas !??

You're crazy man !! Hibang na ba ako !? Bat ko ba kasi iniisip yung babaeng baliw na yun !? Di ko naman alam ang pangalan niya . Hayy .. babae ba talaga siya !? Grabe siya kung makabato ahh . Anlakas .

Bat ba kasi ako nasa mall kanina !? Ahh okay . Bibili pala sana ako ng gamit para sa pasukan sa ' new school ' ko . Pero okay lang kahit di natuloy dahil sa baliw na yun . Atleast narealized ko na may mga babae pala na tulad niya . Tss ..

Love is lovelier the second time around . Urgh ! Bat napasok yun sa utak ko !? Di naman yun love ehh . What a creepy thoughts !

*****

Inis na inis si ella . Lalong nadagdagan ang inis niya dahil pinagalitan siya ng mommy niya . Di daw siya marunong magpahalaga ng gamit . Dapat daw kahit maliit lang na bagay e binibigyan ng importansiya . Tsk >___< kasalanan to nung antipatikong yun . Pano ba namang di magtatanong sina mama kung asan ang ipad ko e palagi kong ginagamit .. dala dala ko kahit saan ako magpunta . Bakit daw wala yung ipad ko . Well .. wala akong nakapang palusot e tsaka pinalaki akong honest !? Haha syempre joke ^__^V . Tapos yun .. sinabi ko nalang yung totoo kasi malalaman at malalaman din naman nila ehh kaya no more reason para diko pa sabihin .

Kahit daw sunod sa layaw ako , dapat ko pa rin daw pahalagahan ang mga bagay o gamit ko . Hayy naku ! Tadtad na tadtad na yung tenga ko sa mga sermon nila . Sabi pa nila , nung panahon daw nila .. lahat daw ng meron sila pinapahalagahan nila . Sabi ni dad iba na daw talaga ang kabataan ngayon . Yun na nga yung point ehh .. iba yung panahon nila sa panahon ngayon . Tss .. they should consider that -__- diba !??

After ng halos isang oras na pangangaral sa kanya , dumiretso siya sa kwarto niya . Dumapa siya sa kama niya . Sighed . Ngayon lang ulit siya napagalitan . Pinagsusuntol niya ang unan . Ang nonsense ko naman na yata .

Natigil lang siya ng magvibrate ang phone niya . Sino naman kaya toh !? Istorbo sa pag eemote e .

/ Hi Janella . This is Marco mondragon . Remember !? /

Ha !? Marco Mondragon !??

/ Marco Modragon !? /

/ Yah . Juan de marco Mondragon . Marco is my nickname . /

Must Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon