Ella's POV
Napagpasyahan niyang maglibot libot muna sa resort . Nababagot siyang kasama yung dalawa lalo nat di sila nagpapansinan ni Dan . Ewan ko ba dun kung bakit di namamansin eh . Feeling ko tuloy parang may pader na nakapagitan saming dalawa . Di ko muna rin siguro siya kikibuin hanggang bukas . Pero , ayoko din nman kasing may tampuhan kaming dalawa . Pero sa magkaibigan , normal lang naman .
Pero gusto ko , kpag magpapansinan kami .. kami lang na dalawa . Yung tipong walang sasapaw . Kaso , lagi namang nakabuntot sa kanya si denise eh . Oo nga bestfriend ko din siya kaso , gusto ko ngang makausap si dan ng kami lang .
Nasa gilid siya ng pool . Pinagmasdan niya ang paligid . Ang ganda talaga . Nakakarefresh . Mula sa kinatatayuan niya sa pool ay natatanaw niya ang dagat . Ang saya pa ng mga taong naliligo doon . Ang iba'y nanonood lang na nakasalampak sa puting buhanginan . Gusto kong maligo sa beach kaso natatakot pa rin ako hanggang ngayon . Natrauma kasi ako noong bata ako .
Nagpunta kasi kami noon sa isang beach sa aurora province . 7 yrs old palang ako noon . Excited na akong maligo sa beach kasi first time ko . Pinipilit ko na noon sina mom and dad kaso sabi nila mamaya nalang kasi tirik na tirik daw yung araw . Kaso gusto ko na talaga maligo . Tyumempo ako . Nagpaalam si mommy na pupunta sa ladies room . Ang daddy naman ay kumuha ng pagkain . Wag daw akong aalis . Umoo naman ako pero yung totoo , may binabalak na ako . Busy naman sina ate at kuya na naglalaro . So ako naman , pasimpleng nagtatatakbo papunta sa beach . At dahil nga 7 yrs old palang ako that time , akala ko mababaw lang kaya nagtampisaw ako . Tapos , diko namalayang napunta na pala ako sa malalim na parte . Yung di ko na kaya . Lulubog lilitaw ako . Hinahabol ko yung hininga ko . May naiinom pa ako na tubig dagat . Ewan ko na . Kasi nawalan na yata ako ng malay nung may sumagip sakin . Pero di ko kilala . Basta ang alam ko ligtas na ako .
Yun nalang yung naalala ko eh . Kasi pagmulat ko ng mga mata ko , sina mom na yung nakita ko . Sabi ni dad , nalingat lang daw sya sandali tapos wala na daw ako . At pagtingin daw niya sa dagat .. ayun , sinisave na daw ako ng isang batang lalaki . Thank God . Buti nalang talaga sinagip niya ako ng sandaling iyon . Dahil kung hindi , malamang di na ako nag eexist . Kaso , di ko man lang nakilala yung savior ko .
Kaya simula nang mangyari yun , di na ulit ako naligo sa dagat . Kahit nga sa pool e . Kaya di ako marunong lumangoy . Pinagswiswimming lesson ako nina mommy pero ayoko talaga .
Dala niya ang DSLR niya . Kinukuhanan niya ang beach . Punapaatras siyang kumukuha nang bigla nalang siyang nawalan ng balanse at naramdaman nalang niya ang pagbagsak niya sa pool .
Antanga ko . Nakalimutan kong nasa poolside lang ako . Tsk >_< The hell . Gaya ng sinabi ko kanina , di ako marunong lumangoy !! Pano na ako ngayon !? Nasa malalim na part na naman yata ako . Huhu T__T
At gaya noon , lulubog lilitaw na naman ako . Nubayan T.T
May naiinom pa akong tubig .
" H-help ! "
" H-help !! "
Oh my . Wala pa naman yatang nakakarinig sakin . May tao ba dito !? Asan yung life guard !? Gosh . Wala yata . God thanks for my second life . Pero , please , iligtas mo po ako ngayon please !?
Napapikit nalang siya . Di na niya kaya . Nawalan na siya ng lakas . Naramdaman niyang tuluyan na siyang lumulubog pero may narinig siyang dalawang halos sabay bumagsak sa pool .
Sabay din ang paghila sa kanya ng mga bisig na iyon upang makaahon siya . Thank God ligtas ako . This is my third life .
Ubo siya ng ubo pagkaahon . Andami pa niyang nainom mula sa pool . May kumakabig sa likod niya . Napadilat siya . Si Dan . Basang basa din gaya niya . At si francis !? Gaya nilay basang basa din ito .
O_o
So ibig sabihin , dalawa silang sumagip sakin !? Nga ba ?
" Okay ka na ba !? "
Tanong ni Francis sa kanya .
O_o
" Yung DSLR ko ! "
Naalala niya sabay tingin sa pool . Am i bad !? Yun pa talaga ang naging concern ko !? Dont blame me . Ang mahal nun noh . Hayy , wala na nga yung ipad ko tapoz ngayon pati yung dslr wala pa -__-
Lagot na nman ako nito niyan .
Pero mas mahalaga naman yung life ko syempre .
" Dont mind that . Mind your life . "
" Dadalhin na kita sa hospital . "
" No . Im okay . "
" Ano bang ginawa mo !? Bat ka nahulog sa pool ? "
" Ahm ewan . I was just taking pictures tapos pumapaatras ako then ayun . Bumagsak nalang ako sa pool . "
" Dika pala marunong lumangoy !? Dika ba nagswimming lesson nung bata ka !? "
Tanong ni Francis . Sasagutin ko ba siya !? Baka pagtawanan lang niya ako eh .
" Di yan marunong lumangoy dahil natatakot siya . Kasi natrauma siya nung bata pa siya. Nalunod kasi yan noon sa isang beach sa aurora . Buti na nga lang may sumagip sa kanya eh . Kaya yun , di siya nagpaturong lumangoy . Pasaway kasi . "
Tumango tango lang si Francis pero parang nagtataka na ewan .
" Ano bang sinasabi mo !? Di ako pasaway ahh ! "
Pagtatanggol niya sa sarili niya .
*******
Francis's POV
Hindi malaman ni Francis kung ano ang magiging reaksiyon niya sa narinig niya mula kay dan tungkol sa nangyari kay ella noon . Beach sa aurora .
Wait ..
Beach sa aurora !??
Parang pamilyar sakin yun ah . Hmmn .. yah . Oo nga pala . Nung bata pa ako , pumunta din kami doon . Kasi , dun namin sinelebrate yung birthday ng lola ko . Naglalakad lakad ako noon sa tabing dagat . Namumulot ng shells . Tapos nasagip ng mga mata ko ang bata na nalulunod . At dah nga gwapo at gentleman ako , di akk nagatubiling iligtas siya ^__^
Buti ngat nagswiswimming lessons ako nun eh . Gwapo na , hero pa . Naks ^^
Antagal na din nun eh . Ngayon ko nga lang naalala eh .
Wait ..
Ano sabi ni Dalandan !? I mean dan !?
Nalunod noon si Ella sa isang beach sa aurora !?
O__o
So , ibig sabihin .. si ella yun !? Di nga ? Pero , seryoso !? Sa tinagal tagal ng panahon .. ngayon ko lang nakilala yung batang niligtas ko ? Destiny !?? Uso ba yun !? Pero seriously , siya nga ba talaga iyon !? Di kaya nagkakamali lang ako ?
Pero , posibleng siya nga yun . Grabe .. nakakatawa . Siya pala yun ? Tapos ngayon lang kami pinagtagpo !? Wow ahh . Dapat ba akong matuwa na siya yun !? Huh. Si Janella Quejada !? Siya na kaya !?
Pinagtagpo kami kahit matagal nang panahon yun . What does it mean !?
***************
BINABASA MO ANG
Must Be You
רומנטיקהPwede bang mainlove ka ng tatlong beses !? Sa tatlong tao !? Pwede bang mahalin mo sila ng sabay !? Sa parehas na panahon !? Pwede bang maging tatlo ang prince charming mo !? Na maninirahan sa puso mo !? ( Siguro , pwede , oo , hindi , ewan ) ** Tum...