Chapter 6 ♡ [ The dream : Princess Natalia ]

32 10 2
                                    

" Prinsesa Natalia !? Bakit mag isa ka lang dito sa hardin !? Mapanganib sa iyo ang nag iisa lalo nat ikay isang prinsesa . Pano kung di agad kita nakita dito !? "

Nilingon niya ang nagsalita .

" Ikaw pala prinsipe Joaquin . Nagagalak ako't nandito ka . Pero huwag kang mag alala sa akin . Kaya ko ang sarili ko at alam kong walang may balak na masama sa akin ang mga tao sa paligid ng palasyo . Salamat dahil pinaunlakan mo ang anyaya ko sayo na maglibot dito sa kaharian . Ipagpaumanhin mo sana ang pang iistorbo ko sa iyo . "

Sabi niya sa prinsipe na kaibigang matalik niya simula pa noong mga bata pa sila . Ang mga magulang nilay magkaibigang matalik kaya dapat ay ganoon din sila . Taga ibang kaharian ito pero hindi naman kalayuan . May pagtatangi siya sa prinsipe pero natatakot siyang iparating dito ang damdamin niya .

" Wag mong ipagpaumanhin iyon mahal na prinsesa dahil kagustuhan ko rin naman na samahan ka sa iyong paglilibot dito sa inyong kaharian . "

"Mabuti naman kung ganon mahal na prinsipe . "

Inalalayan siya nitong makasakay sa karwaheng dala nito . Habang silay naglilibot , nahagip ng mga mata niya ang matalik din niyang kaibigan na si Armenia na anak ni Duke Mateo . Madalas ito sa palasyo kasama ng kanyang ama kaya nakakakwentuhan niya ito . Ipinahinto niya ang karwahe .

" Saan ka tutungo armenia !? "

" Sa pamilihan ng mga bulaklak mahal na prinsesa ^_^ "

Sabi nito sabay yuko sa kanilang dalawa ng prinsipe .

" Halika . Sumabay kana sa amin armenia . Madadaanan namin ang iyong patutunguhan . "

Tumingin siya sa prinsipe .

" Kung dimo mamasamain mahal na prinsipe , pwede ba nating isabay si armenia !? "

" Oo naman mahal na prinsesa . Walang problema . Halika binibini . Sumabay kana sa amin . "

Inalalayan nito si armenia . Namula naman ang pisngi nito . Gaya ko kasi .. may pagtatangi din siya sa prinsipe .

" Maraming salamat po mahal na p-prinsipe . "

" Walang anuman ^__^ "

" Bakit hindi ka nagpahatid sa karwahe niyo !? Sira ba !? Delikado para sayo ang naglalakad ng mag isa sa daan . "

Sabi ng prinsesa kay armenia .

" Ahm .. hindi po sira ang karwahe mahal na prinsesa . Nais ko lang na maglakad lakad papuntang pamilihan . Salamat po sa inyong pag aalala . "

" Walang anuman . Kaibigan kita armenia kaya dapat lang na mag alala ako para sa iyo . "

Ngumiti lang ito . Siguroy nahihiya ito dahil nandoon ang prinsipe .

*****

Tinititigan ni Francis si Ella . Kararating lang nila sa lugar kung saan sila magfifieldtrip . Sila na lang yata ang hindi pa nakakababa sa Bus .

Himbing itong natutulog at nakasandal pa ito sa balikat niya .

Gigisingin ko ba siya ? Pero bakit parang gusto ko namang nakasandal siya sa balikat ko !? Ahh .. diko alam kung bakit .

Maganda pala siya sa malapitan . Parang angsarap halikan ng mga labi niya . Ang hahaba ng mga pilikmata niya . Antangos ng ilong niya .

" Ella . "

Umungol lang ito .

" Ella . "

Umungol ulit ito .

Must Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon