Kevin Klein Roriguez POV
Think. Think. Think..
"Dude" tawag ni Cleo sa akin
He chuckled.
"Talo ka na." sabi ni Cleo
Tumingin ako sa kanya ng masama. Tumawa lang sya ulit at nag.peace sign. Tsk.
"Dyan!" tinuro ko yung nakasubsob na baso sa gitna. Actually, nakasubsob naman talaga ang tatlong baso.
"Bakit sa gitnang baso?" tanong ni Mico sa akin.
Bakit nga ba?
"Ewan ko? Baka andyan yung piso. Sige na . Buksan mo na Mico"
Tumawa lang si Cleo sa akin.
Pagbukas ni Mico.
"Shit" ayan! Napamura ako.
Asan ba kasi yang piso na yan???
Tumawa ng malakas si Cleo . Hinagis ko yung notebook sa kanya
"aray" hinimas nya yung ulo nya. Haha .buti nga
Nakitawa na rin si Mico . Sumandal nalang ako sa swivel chair ko. Grabeee natalo ako.
Hmmm. Nagtataka siguro kayo kung anong laro ang nilaro namin. Ewan ko kung ano ang tawag sa laro na yun. Basta may piso kang hahanapin sa tatlong basong nakasubsob.
Ako pala si Kevin Klein Rodriguez. 16 years of age. I studied here at my school the Rodriguez University at ako'y graduating student na. Mga kaibigan ko pala si Cleo Montez at Mico Santiago. Personalities ko? I have a bad attitude. Kaya nga naging may kaibigan akong katulad ni Cleo na cassanova at Mico na puro sugal lang inaatupag puro pusta yang mga yan. Nasa office kasi kami ngayon at naglalaro. Lunch na pala..
" A deal is a deal. Kaya pano ba yan Kev? Libre mo . Lunch ko" sabi ni Mico at sabay tawa ni Cleo
"Akalain mo yun,dahil sa isang piso,makakapaglibre si Kevin at ang usapan,kami ang mag.oorder" sabi ni Cleo
"Oo na. Oo na. Kain na tayo. Gutom na ako" anyaya ko sa kanila at nagsimula na akong maglakad palabas ng office ko at sumabay naman ang dalawa.
Cafeteria..
Lahat ng mga estudyante ay nagsitinginan sa aming tatlo.
At dahil napakahaba ng pila para makakuha ng food ay malamang..aalis sila sa pila para sa amin may.ari yata ng school to.
Kaso nung malapit na kami sa counter ay..napatigil ako sa paglalakad ,dahil may isang babaeng hindi nagbigay ng daan sa amin. Nakatalikod pa rin sya at may dala.dala pa syang bag sa likod nya.
"Miss" tawag ko sa kanya hindi sya lumingon sa amin. Bingi yata to eh
"Miss" tawag ko ulit ngunit wala pa rin syang kibo. Nakakapikon na ha
"Teka dude . Labas mo na ako si Cheska nasa labas eh" sabi ni Cleo
*ringring*
"babalik lang ako. I should take this call. Pupusta kasi si Karl sa kotse nya"sabi ni Mico tumango nalang ako sa kanilang dalawa
At hinarap ko yung babae para mapagalitan ko . Nung nakita ko na sya. Nakasalampak ang headset sa magkabilang tenga nya,nakapikit pa sya na parang nakikisabay sya sa kantang pinapatugtog sa cellphone nya ,may drumstick syang dala, at ang mukha nya parang anghel. Ang ganda nya. Pero sorry miss. Aalis at aalis ka .
Biglang bumukas ang mata nya.
"Staring is rude" she said
Ako? Nag.stare sa kanya ? In her dreams!
"H-hoo--" hindi ko masabi ang sasabihin ko
At nagsimula na syang maglakad, nilagpasan lang nya ako. Tumungo na din sya sa counter at nag.order ng juice. Umalis na din sya sa cafeteria.
Hindi ko naibuka ang mga bibig ko sa babaeng yun. Bakit?
"Dude"
"Dude"
"Dude"
"Aray"-Ako
Hinimas ko nalang yung noo ko.
Pinitik ba naman ako ni Mico sa noo."Ikaw na yung sunod oh!" Sabi ni Cleo at tinuro nya yung counter.
"Bakit hindi ka kumilos kanina?" tanong ni Mico sa akin.
"Sino ba yung tinitingnan mo?- Cleo
"Huh?" -ako
"Ewan ko sayo"- Cleo
Nag.order na din kami at tumungo sa usual table namin na malayo sa crowd.
Nag.umpisa na silang kumain pero ako hindi pa rin."Kumain ka nga" - cleo
Tumango nalang ako sa kanya.
Halos hindi ako makakain dahil sa kakaisip sa babaeng yun.Sino ba yung babaeng yun?
Hindi ko man lang naibuka ang bibig ko nung sinabi nyang Staring is rude . Gusto ko sana syang sigawan eh, pero bakit hindi ko nagawa?Tumigil sa pagkain si Cleo at Mico.
"Bakit?-ako
"Problem?" -cleo
"Huh?wala naman"-ako
"Kanina ka pa hindi nagsasalita eh. Pustahan tayo Cleo hindi makaget.over sa piso si Kevin "- mico
Cleo chuckled a bit.
"Baliw! Im fine. Ano ba kayo"-ako
"Okay" cleo at mico
Kumain na din sila ulit.
Gaganti ako sa babaeng nilagpasan lang ako. Gaganti ako!
-------
Good day! Sweeties. Please read The Unexpected Love and drop some comments at vote. Vote. Vote. Love yah! :*
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionA story between a boy na napaka.iniping tao. Spoiled brat kung tawagin at sa girl na ang gusto lang sa buhay ay mag.drum. Basahin ang storyang magpapakilig sa inyung mga buto. Choosss.