Conquest 1: Introducing... Keito Jairo Castillo

57 1 1
                                    

[Keito's POV]

Andito ako sa isang isolated room. At kasama ko si Shade. At mukhang galit na galit siya sa akin.

"You'll pay for this!" sigaw sa akin ni Shade.

Agad-agad niya akong sinunggaban at sinuntok niya ako sa tiyan. Napaurong ako sa sakit ng suntok niya.

Pero hindi ako nagpadala sa sakit na nararamdaman ko. Ako naman ang sumuntok sa kanya.

Tuloy-tuloy ko siyang sinuntok sa tiyan at sa dibdib. Napaupo siya sa sakit.

Eto na! Gagamitin ko na ang ultimate punch ko!

"Hoy, Keito!" sabi ni JP. Istorbo talaga itong si JP. Nag-pause ako ng laro ko sa cellphone ko at huminga ng malalim. Tumingin ako sa kanya ng masama.

"JP, WALA KA BANG UTAK?!!! NAGLALARO AKO TAPOS IISTORBOHIN MO AKO?!!!" sigaw ko sa kanya. Magu-ultimate punch na ako tapos iistorbohin ako ng mokong na ito eh. Tsssss.

Ngumiti lang siya sa akin at nag-peace sign siya. "Sorry! Hindi ko sinasadya. May sasabihin lang sana ako."

"Fine." sabi ko habang ipinagpapatuloy ko ang epic kong laro.

Siya si John Peter Mendoza. Sikat siya sa school kasi gwapo siya at palakaibigan. Childhood friend ko siya at bestfriend ko rin.

"Teka. Si Kai? Nasan?" sabi ni JP sa akin.

"Malay ko. Close ba kami?" sabi ko habang naglalaro ng cellphone ko. Biglang may bumatok sa ulo ko galing sa likod. Ang sakit! Pagtingin ko sa likod, si Kai ang bumungad.

"Close naman tayo ah!" Galit niyang sabi.

Siya si Kaira Mendoza. Girl bestfriend namin ni JP. Magaling sa lahat ng subjects at sports. Magaling rin yan sa self-defense at martial arts. She's the jack of all trades. Perpekto na siya eh kaso... nerd siya kagaya ko. Pero maganda siya. Mabait siya. In the same time, scary side rin siya.

"Istorbo kayong dalawa, alam nyo yun?" sabi ko sa kanila habang hinihimas-himas ang ulo ko.

"Alam namin!" nakangiting sabi ng dalawa in unison sabay nag-peace sign. At tumawa sila.

Ako nga pala si Keito Jairo Castillo. 3rd year highschool sa Prime HS. Nerd gamer ako at mahilig maglaro ng games. May makapal ako na glasses na lagi kong suot at may hairstyle ako na galing sa Era ni Jose Rizal.

At dahil ako ay isang gamer, wala akong pakielam sa mga bagay na walang kinalaman. Nabubuhay ako para sa internet, gadgets and games. Hindi ako kagaya ng mga tao sa ngayon na nabubuhay para lang sa bagay na tinatawag nilang love.

Love? I don't need that. Games lang ang katapat ko. Games lang ang kailangan ko.

***

"Good-bye, class."

"Good-bye, Sir Tuason."

Yes! Tapos na ang klase!

Lumabas na ako ng classroom kasama nina Kai at JP.

"Keito, hintayin mo kami ni Kai. May meeting kami."

"Student council na naman? Pwede bang mauna na lang ako? Antagal kasi ng meeting niyo minsan eh." pagrereklamo ko.

Napakunot ang noo ni JP. Totoo naman eh. Minsan nga, inabot ako ng tatlong oras sa paghihintay sa kanila dahil sa meeting nila sa Student Council.

"Sandali lang ang meeting namin ngayon. Magre-report lang ako tungkol sa funds ng school. Tapos, wala na. Yun lang. Sige na, Keito. Hintayin mo na kami ni Kai. O, akala ko ba walang iwanan?" sabi ni JP.

I sigh in defeat. Mukhang wala akong choice.

"Oo na. Maghihintay na ako. Pero kung hindi pa iyon matapos ng isang oras, aalis na ako. Deal?"

"Sige. Deal!"

Dumiretso na kami sa kwarto ng Student Council.

Pagkarating namin doon, ngumiti sina JP at Kai. "Hintayin mo kami ah?"

Nag-thumbs up na lang ako sa kanya. Umupo ako sa floor malapit sa bintana ng classroom namin. Naglaro na lang ako ng cp ko.

Hay.

Bakit pa kasi naging president ng student council si Kai? At bakit naging treasurer si JP?

Sabagay, matalino naman si Kai. Ok lang sa kaniya maging presidente ng student council. Pero si JP? Treasurer? Bobo nga yun sa math eh. Sabagay, palakaibigan siya kaya maraming nagtitiwala sa kaniya. At gwapo pa ung mokong na yun.

Minsan nagtataka ako kung paano ko naging kaibigan ung dalawang yan. Famous sila, ako hindi. Mayaman sila, ako hindi. Maganda at gwapo sila, ako... well, no comment. Pero ang point ko, ang laki ng agwat nila sakin.

Teka. Bakit ko ba iniisip ang ganitong mga bagay? Maglalaro na nga lang ako.

30 minutes na rin akong naglalaro. Habang naglalaro ako, biglang may mga taong tumigil sa harap ko.

"Hoy, nerd!" Napatingin ako sa nagsalita. Sila ung mga jocks na walang ibang magawa kundi problemahin ang mga kagaya ko.

"Loner ka na naman. Wala ka na bang magawa sa buhay mo?" sabi ni John, ang lider nila. Tumawa sila sa akin.

Tinaasan ko sila ng kilay.

"Tsss." ang sabi ko na lang at pinagpatuloy ang laro ko.

"Aba! Yumayabang ka na ah!" sabi ni John.

Nagulat na lang ako at bigla niyang hinila ang kwelyo ko pataas.

Sh*t! Anong gagawin ko?

"Ano? Wala na ba yung mga tagapagligtas mo?" sabi ni John.

"Bitawan mo ako!" sabi ko habang pumipiglas sa hawak ng lalaking ito. Pero ang lakas niya. At nahihirapan na akong huminga!

"O, ano ka ngayon?!" sabi ni John. At nagtawanan ang mga kasama niya.

"Hoy, anong ginagawa niyo?!"

Nung nakita ko yung taong nagsalita, I felt relief.

Si JP.

"Lumayo kayo kay Keito!" sabi ni JP sabay lapit sa pwesto namin.

Binitawan na ako ni John at napaupo ako sa sahig. Napaubo ako dahil sa pagsakal niya sa akin.

Lumapit naman si John kay JP.

"Angas mo ah! Sino ka ba?!" galit na sabi ni John.

"Ako ang treasurer ng Student Council. Bakit? Papalag ka?" maangas na sabi ni JP.

"Treasurer ka lang pala eh! Bakit naman ako matatakot? Ikaw ba ang presidente? Ha?!"

Parehong galit ang dalawa. Mukhang magbubugbugan na sila. Nung susuntok na sana si JP, napatigil sila dahil sa isang sigaw. At ang sigaw na iyon ay galing sa presidente ng student council. Si Kai.

"Kayong dalawa! Tumigil kayo dyan! JP, tama na yan!"

Padabog na lumayo si JP kay John.

"Salamat ka at dumating si Kai. Kung hindi siya dumating, gulpi ka ngayon."

Nagalit si John si JP. Susunggaban niya pa sana si JP, kaso bigla siyang hinawakan ng isang kasama niya sa kaniyang balikat.

"Ano?!!" sigaw ni John sa kasama niya.

"John, kaharap mo ngayon ang president! Konting respeto naman!"

Padabog na tinanggal ni John ang kamay ng kasama niya at naglakad paalis.

Bago si John makalagpas kay Kai, narinig kong magsalita si Kai kay John.

"Mag-ingat-ingat ka sa ginagawa mo kung ayaw mong ma-suspend ka at ang mga kasama mo ng ilang araw."

Halatang natakot si John. Mabilis siyang tumango at naglakad ng mabilis. Ha. Buti nga sa kaniya.

Ngumiti si Kai sa akin.

"Uwi na tayo!" sabi niya sa akin. Tumayo ako. Nagsimula na silang dalawa lumabas sila ng classroom at nagsimula na kaming maglakad.




KissToLive (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon