Conquest 4: The First Conquest

33 1 0
                                    

[Keito's POV]

"ANO?!! YUN UNG LARO?!!" sigaw ni JP. Biglang nagtinginan ang mga kaklase namin kaya tinakpan ko ang bunganga niya. Ang ingay kasi. Tss.

Sinabi ko na sa kaniya ang nangyari nung Saturday. Ito ngayon, hindi siya makapaniwala.

"Ingay mo, JP!" bulong ko kay JP at tinanggal ko ung kamay ko sa bunganga niya. Kadiri! May laway pa tuloy ang kamay ko. Tsss.

"Pero seryoso ka?"

"Oo nga!"

"Paano mo malalaman na siya iyon?"

Ipinakita ko sa kaniya ang relo. "Ito. Sabi daw niya na tutunog yung relo ko kapag malapit siya sa akin."

"Ahhh. Pero sinabi mo na kay Kai?"

"Hindi pa. Bakit ko naman sasabihin iyon sa kanya?"

"Kasi nasa likod mo siya."

Tumingin ako sa likod ko. Wah! Si Kai! Nasa likod ko nga! Muntik pa akong mahulog sa upuan ko!

Napataas ng kilay si Kai.

"Ano na namang kalokohan ang binabalak mo, Kei?" sabi ni Kai.

"W-wala." sabi ko.

"Alam kong may tinatago kayong dalawa. Ano yon?" sabi ni Kai habang nakapamewang. Nag-step forward siya sa amin ni JP. Yikes. Delikado kami ni JP.

"Sasabihin niyo sa akin o hindi?" sabi ni Kai. Uh-oh. Nagagalit na si Kai.

"B-bawal sabihin." sabi ko.

"Bakit bawal sabihin?"

"Kasi..."

"Kasi?" Nagkatinginan kami ni JP at parehas kaming lumunok.

"Kasi... takbo, JP!" sabi ko. Mabilis kaming tumayo ni JP at tumakbo.

Kaso lang, nung palabas na kami ni JP sa classroom, biglang may humila sa kwelyo namin sa likod. Si Kai.

Nakalimutan ko pala na nanalo rin si Kai sa isang running competition. Mabilis nga rin pala siyang tumakbo. Sayang ang effort kong tumakbo.

"Ano sasabihin niyo na?" sabi ni Kai. Napatango na lang ako ng malungkot.

Nung sinabi ko na kay Kai ang nangyari nung Saturday, normal lang ang reaksyon niya. Hindi siya nagalit o nagulat o natuwa. Parang wala lang sa kaniya.

"Bakit ganyan reaksyon mo?" sabi ko. Ang weird niya kasi. Ang Kai na kilala ko ay sisigawan ako na 'Imposible!' o ng kahit ano.

"Anong problema sa reaksyon ko?"

"Di ba dapat magulat ka o napa-'woah!' ka?"

"Bakit naman dapat ganun?" pagtataka niya.

"Kasi sobrang weird at kakaiba ang nangyari sa akin."

"Ganun ba? Sige, rewind." sabi ni Kai.

She cleared her throat at sumigaw, "WOAH, KEI! GANUN YUNG LARO MO?! UNBELIEVABLE!"

Napatakip ako ng tenga! Parang nakalunok ng microphone eh!

Kung kanina na sumigaw si JP, kaunti lang ang tumingin. Ngayon, buong klase ang tumingin. Exaggerated naman kasi itong si Kai eh.

"President, ok ka lang?" sabi ng isa sa mga kaklase namin.

"Ok lang!" sabi ni Kai at ngumiti siya.

Biglang dumako ang tingin ni Kai sa akin.

"Satisfied?" sabi niya sa akin at agad naman akong tumango. Yikes. Nagalit ata sa akin si Kai.

"President at treasurer daw! Pinapatawag!" biglang sabi ng isa sa mga kaklase namin. Tinatawag pala si Kai at si JP.

"Kei, pinapatawag kami. Iwanan ka muna namin." sabi ni Kai. Tumango na lang ako at umalis na sila.

Mahirap talaga kapag bestfriends mo ay officers sa klase. Lagi kang nale-left out. Pero ok lang! Andiyan naman ang isa ko pang bestfriend. Si cellphone. Hinding-hindi niya ako iiwan. Kaya mahal na mahal ko ang cellphone ko eh! Kung pwede lang, papakasalan ko na ang cp ko eh.

Kaya naglaro na lang ako ng cellphone ko.

***
[JP's POV]

"Dapat nagkunwari ka na lang na nagulat, Kai. " sabi ko kay Kai habang naglalakad sa hallway papunta sa faculty room. Pinatawag kami eh.

"Bakit naman?" sabi ni Kai.

"Syempre, baka mahuli tayo! Alam mo namang kapag nahuli tayo, lagot tayo kay Grei. Baka hindi niya na tayo ipasok sa C-team. Pasalamat ka medyo shunga si Keito at pinagkakatiwalaan niya tayong dalawa." sabi ko.

"Oo, sige. Pero hindi naman tayo nahuli, di ba?" sabi ni Kai.

"Oo. Pero mas mabuti pa na maingat tayo kaysa mahuli pa tayo ni Keito." sabi ko.

"Fine, fine." sabi ni Kai. Ngumiti na lang ako sa kanya.

Kailangan namin ingatan ang sikreto namin. Kung hindi, hindi lang kami ang malalagot. Pati si Keito.

***
[Keito's POV]

The Next Day...

Lunch.

"Keito, kain na tayo!"/"Kei, kain na tayo!" sabi ng dalawa kong bestfriend.

"Oo wait lang. Tapusin ko lang ito." sabi ko habang naglalaro ng cp ko. "Malapit ko na magamit ung power blast ko kay Red King!"

"Keito, sino mas mahalaga? Kami o yung laro mo?" sabi ni JP.

"Laro ko." sabi ko. "Yes! Nagamit ko na yung power blast! Talo ko na si Red King!"

Yey! Sa wakas! Natalo ko na ang Red King! Ilang linggo ko siyang tina-try talunin! At last! Natapos ko rin ang paghihirap ko!

"Oh yeah! Booyah!" sabi ko habang nagvi-victory dance.

Biglang nag-poker face yung dalawa at biglang hinila ni Kai ang tenga ko. Hindi pa tapos ang victory dance ko! Aray! Ang sakit sa tenga!

"Lika na, Kei." sabi ni Kai at naglakad palabas ng classroom habang hawak pa rin yung tenga ko.

"Aray, Kai! Masakit! Oo na! Sorry na! Mas mahalaga na kayo sa laro ko! I promise to the infinity and beyond!" sabi ko. Ang sakit sa tenga talaga!

Biglang may natamaan akong babae habang naglalakad kami. Si Kai kasi! Ayaw pakawalan ang tenga ko! Pero dahil sa pagkabangga ko sa babae, binitawan ni Kai ang tenga ko.

"Sorry! Hindi ko sinasadya!" sabi ko sa babaeng nakabangga ko.

*takutakutakutakutaku*

Biglang tumunog ang relo ko.

Tumingin sa akin yung babae ng masama. "Mag-ingat ka nga!" sabi nung babae. Tumayo siya at naglakad ng padabog. Nagalit ata sa akin.

Pero teka. Tumunog yung relo ko? Ibig sabihin, siya na.

Dumating na ang first conquest ko. Whoever she is, kailangan ko siyang mapa-in love sa akin. Pero paano ko siya mapapa-in love kung una pa lang eh galit na sa akin?

Mukhang mahihirapan ako nito ah.

***
A/N:

Hi readers! :* Please comment and vote!

Thank you :)

From: MKM♡♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KissToLive (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon