[Keito's POV]
"Alam mo, mas maganda magpaturo ka kay Kai ng self-defense." sabi ni JP sa akin habang naglalakad kami pauwi.
"Bakit naman?" sabi ko.
"Para maprotektahan mo isang sarili mo. Duh." sabi ni Kai.
"Alam ninyo, kung ako sa inyo pabayaan nyo na lang ako. Hinahayaan ko lang naman sila eh. Kung matututo pa ako ng self-defense at awayin pa sila, parang ginagawa ko na rin ung ginagawa nila sa akin." paliwanag ko.
Napamewang si Kai at nagsalubong naman ang kilay ni JP.
"So, mali ung ginawa namin?" sabi ni Kai.
"Hindi sa ganun. Ginagawa nyo lang naman ung trabaho niyo bilang officers. E ako? Nerd lang ako, plus gamer. Wala akong karapatang awayin sila, ok?" sabi ko.
"Pero may karapatan kang maging estudyante, Kei. At wala silang karapatang i-bully ka." sabi ni Kai.
"Tama si Kai. Kaya magpaturo ka na lang kay Kai." sabi ni JP.
"Ayoko pa rin. Masyadong masasayang ang oras sa paglalaro ko." sabi ko.
"Sabi na nga ba yan ung sasabihin mo eh." sabi ni JP sabay lagay ng kamay niya sa noo niya.
"Saka magiging hassle pa yun kay Kai kung tuturuan niya pa ako." sabi ko.
"Sabagay. Magiging istorbo ka lang sa mga ginagawa ko. Tapos ang bagal pa matuto ni Kei. Tama lang pala." sabi ni Kai habang tumatango-tango pa.
"Sabagay, sa academics lang magaling si Keito. Tapos tuwing P.E. walang ginawa si Keito kundi maglaro ng maglaro ng cellphone niya. Tama lang pala." sabi ni JP habang tumatango-tango pa.
"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" sabi ko sa kanilang dalawa.
"Ewan!" sabi nung dalawa sabay tawa.
Nakakainis talaga itong dalawa. Sarap sapukin sa ulo eh. Tsssss.
"Hoy! Juan Pedro! Tumigil ka na nga! Ikaw rin! President Evil!" sabi ko. Hahaha. Tingnan ko lang pag di sila mainis.
"Keito!"/"Kei!"
Hahaha. Nakaganti rin ako!
"Huwag mong tagalugin ung pangalan ko!" sabi ni JP.
"Huwag mo ngang ipaalala yun!" sabi ni Kaira.
"Ikaw kasi. Naglalaro ung mga kaklase natin ng 'Resident Evil' tapos pinagalitan mo sila tapos tinawag ka nilang President Evil! Haha!" sabi ko sa kaniya habang tumatawa.
Nag-pout siya sa akin. Ang cute! Wait. Did I just said that? Erase. Period. Mandiri ka nga sa sinabi mo, Keito. Isipin ko na lang na hindi ko iyon sinabi.
"Kapag inulit mo pa iyon, ika-karate na talaga kita. Sige ka." paghahamon ni Kai sa akin.
"President Ev--!"
Hindi ko natapos ung sinabi ko kasi bigla niyang hinila ung kamay ko at inikot niya sa likod ko. Ipinulupot niya pa ung braso niya sa leeg ko. Napasigaw ako sa sakit.
"You were saying something?" sabi ni Kai.
"W-wala akong sinasabi!! Aray!" sigaw ko.
"Ha? Wala akong marinig." she said in a mock tone.
"WALA AKONG SINASABI!!" sigaw ko.
"Mabuti at nagkakaintindihan tayo." sabi ni Kai.
Hinilot ko yung braso ko kasi parang tinapakan ng isang libong elepante ung kamay ko. Nakakatakot talaga si Kai kapag naiinis. Tsssss.
BINABASA MO ANG
KissToLive (Hiatus)
Hài hướcSi Keito Castillo ay isang normal na nerd na nag-aaral sa Prime High School. Pero dahil sa isang laro, gumulo ang kaniyang buhay. Mabababalik niya pa kaya ang kaniyang dating buhay?