CHAPTER ONE

28 3 0
                                    

ANNAH'S POV♥

*splash*

"Waaaaahhhhhhh!!!!"

"Hahahaha ayaw mo kasing magising eh."

"Kyaaahhhh I hate you Kuya! Bakit mo ako binasa?!!"

"Woah relax. Isang basong tubig lang yun."

Opo isang basong tubig lang yung binuhos niya sa akin.

"Argh! Labas! Maliligo na ako!"

"Okay!!"

*Blag!*

"MAY PLANO KANG SIRAIN ANG PINTUAN KO KUYA?!!" sigaw ko sa kanya.

"MAS MABUTI NANG YANG PINTUAN MO ANG MASIRA KAYSA MASAKTAN KITA!!" sigaw pabalik ni Kuya. Oh di ba ang sweet ni Kuya.

Naligo na ako at nagpalit. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin.

"Yan okay na!" sabi ko saka bumaba na at pumunta sa kusina at kumain. Kinuha ko muna yung baon ko at nilagay sa bag. Saka kumuha ako ng plastic fork at tinusok ang isang jumbo hotdog saka lumabas.

"SAVANNAH VALERIO!!!"

Oops!

Tumakbo ako papasok sa bahay.

"Hehe yes Kuya?"

"Umupo ka at kumain ng maayos." ma-awtoridad na sabi ni Kuya. =_= Haist, nakasanayan ko na kasing kumain habang papuntang school.

Binigyan niya ako ng plato at nilagyan niya ito ng sinangag na kanin at hotdog.

"Eat."

Kumain na ako ng mabilis at uminom ng tubig.

"Bye Kuya."

"Okay. Ingat sa school. Pakabait." lagi naman akong mabait ah *pout*

Ako pala si Savannah Valerio. Pero ang tawag nila sa akin ay Annah. Nag-aaral sa Crogan Academy. 4th year student section Blue.

Sumakay na ako ng jeep. Nakita ko na naman yung crush ko na lagi kong kasabay pag sumasakay ako ng jeep. Ang gwapo niya talaga. Hay, ang kinis ng balat niya. Nahiya naman ang balat kong hindi naglolotion. Kras siya hihi ang lanjot ko.

Pagkarating ko sa school ay naglakad na ako papuntang classroom. Siyempre hindi nila maiwasang mapatingin sa akin, ang ganda ko kasi. De joke lang hehe.

"Eeww hindi ba uso sa kanya ang suklay?"

"Oo nga pati lotion ata hindi uso sa kanya."

"Even her blouse, oversize. Ang pangit niya talaga."

Napayuko nalang ako. Ganito naman lagi. Basta umaga lagi nila akong pinipintasan at pinag-uusapan. Oh di ba sikat ako haha.

Pagkapasok ko sa classroom ay umupo na ako at nagbasa ng mga lessons para ngayon. Sakto namang nag-bell na at pumasok na ang mga kaklase ko at si Ma'am Santos, ang teacher namin.

"Miss Valerio?"

"Yes ma'am?" sabi ko na nagtataka. Ang aga naman masyado para ako ang una niyang tawagin.

"Get your things and go to my office now. Class dismissed."

Naghiyawan naman ang mga classmates ko sa tuwa. Bakit naman ako pinapatawag? May nagawa ba ako? Ang tahi-tahimik ko na nga dito sa section Blue eh.

Kagaya ng sinabi ni ma'am, pumunta na ako sa office niya. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Miss Valerio. Take a seat first." sabi niya kaya naman umupo muna ako bago nagsalita.

"Ma'am bakit po?"

"Your grades are very impressing Miss Valerio. Mas tumaas ngayon ang grades mo kaysa last year so napagdesisyonan ng faculty teachers even the director na ilipat ka sa section White." mahaba niyang sabi. Ah gusto nila akong ilipat sa section Wh-

"Ano po?!"

"Ililipat ka na sa section White Miss Valerio. Last year nung 3rd year ka, 1st grading, your average is 94. But now, 1st grading ng pagiging 4th year mo is 97 na agad ang average mo. So we decided na ilipat ka na sa section White. Nalampasan mo pa nga ang average na gusto ng section White which is 95."

"Pero ma-" naputol naman ang sasabihin ko nang nagsalita siya ulit.

"And kung makakasali ka sa top 5 ng section White, mabibigyan ka ng scholarship sa college sa kahit anong university na gusto mong pasukan. Kapag top 3 naman, scholarship hanggang makatapos ka na ng college."

*O* Hanggang makatapos ng college? Haist kahit ayoko sa section White dahil andun lahat ang mga rich kid, wala akong magagawa. For the sake of my future.

"Sure Ma'am." sagot ko sa kanya.

"I know you will accept it. By tomorrow lilipat ka na sa section White. You can go home now and here' the list of the books and supplies that you need. Enclose is a 5,000 pesos." may inabot siya sa akin na envelope.

"Maraming salamat po ma'am."

"You're welcome hija. Galingan mo sa section White okay?"

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Kapag lilipat ka ng section asahan mo na may ibibigay silang listahan at pera para sa paglipat mo sa new section.

Lumabas na ako ng school at dumiretso sa National Book Store. Kumuha muna ako nung maliit na push cart. Hindi siya gaanong malaki na parang sa mga mall. Hinanap ko na lahat mga kailangan kong bilhin at kinuwenta ko muna ito. Eksaktong 5,000 pesos lahat nang ito.

May nakita naman akong libro under pop fiction. A wattpad story. Ang ganda ganda ng cover niya. Yung guy is naka-top less na nag-gigitara habang nakaupo at may babaeng maganda na nakatayo sa likod niya. Kinuha ko ito. Tutal may dala naman akong pera dito na 250. Lahat ng binayaran ko is 5,195. Kaya may pamasahe pa ako pauwi. Sumakay nalang ako ng taxi dahil ang bigat ng mga dala ko.

Pagkarating ko sa bahay ay diniretso ko lahat sa kwarto ko yung mga binili ko.

"Ang aga mo naman atang umuwi ngayon Annah?"

"Eh ililipat na ako sa section White Kuya kaya pinabili nila ako ng mga books ko."

"Naks! Ang galing naman ng little sister ko." sabi niya saka ginulo ang buhok ko. Sanay na ako sa kanya =_=.

Distraction Called "LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon