CHAPTER FOUR

18 3 0
                                    

♥SEBASTIAN'S POV ♥

Hello sa inyo! Okay introduction muna ng sarili ehem ehem.

Ako si Sebastian Valerio. Ang gwapong kuya ni Savannah Valerio *winks* At-

"Kuya may tao sa labas ng gate!!"

Kahit kailan tong si Annah wala man lang kahiya-hiya.

"Oo eto na!" sino ba kasi yun? ang aga-aga nambubulabog!

Pagbukas ko ng gate

O_O

Binabawi ko na ang sinabi ko...

"Hi hon!!" sabi niya saka ako niyakap.

"Ang aga mo naman atang pumunta?" takang tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo ba hon? Sige balik nalang ako mamaya." sabi niya ng malungkot at tumalikod.

Leche naman! Ang galing niya talagang mang-konsensiya.

Hinila ko siya at niyakap.

"Sorry hon." sinabi ko sa kanya at tumingin siya sa akin. Naka-hawak ako sa beywang niya at naka-hawak naman ang mga kamay niya sa leeg ko. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya para halikan siya at pinikit naman niya ang kanyang mga mata. Naglapat ang mga labi namin. Damn! Na-aadik ako sa labi ng babaeng to. Diniinan ko pa ang halik ko sa kanya.

"EHEM!!!!"

Bigla kaming napahiwalay ni Lucy nang marinig namin ang nag-ehem na yun. Tsk!! Nakakainis ka Annah!! Nabitin tuloy ako.


♥ANNAH'S POV♥

Bumaba ako at lumabas para tignan kung sino ba yun dahil ang tagal ni Kuya. Pagbukas ko ng pintuan....

O_O

Waaahhhh!!! Leche ka Kuya!!!

Porn!!!

Porn!!!


Porn!!!

16 palang po ako! Huhuhu T_T

Nang maka-recover na ako sa live na porn ay nag-salita ako ng pagkalakas-lakas na,

"EHEM!!!!"

Masyado nilang cinareer ang pag-fre-french kiss. Perverted Kuya!! May tinatago palang kamayakan at kalandian!!

Naghiwalay naman sila at napatingin sa akin. Si Kuya mukhang na-bitin, landi nito! Yung babae naman minamasdan lang ako at hinead to foot pa ako! Naka-oversize ako na t-shirt at pajama na super haba.

Oo na! Alam kong panget ako!!

"Let's go inside." sabi ni Kuya at hinawakan niya ang beywang nung babae at pumasok na sila sa loob kasama ako siyempre.

"Annah this is Lucy, my girlfriend. Lucy this is Annah, my sister." aba napapa-english ang Kuya ko ^^

"Hello Annah." sabay ngiti sa akin.

"Hello po." ngumiti ako at yumuko. Ganyan ako lagi kaya masanay na kayo.

Nag-usap sila saglit ni Kuya at pinuntahan agad ako ni Ate Lucy.

"Annah isuot mo muna to." may inabot siya sa aking wedge. Alam ko naman kahit paano ang tawag dito kahit wala akong fashion taste.

"Bakit po?"

"You need to learn how to be a lady my future sister-in-law." okay, kayo na ang excited ikasal =_=

Tumango nalang ako at sinuot.

Distraction Called "LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon